Based sa libro ni Bob Ong..... (sana hindi ako mapunish)
taken from ABNKKBSNPLAKo by bob ong pages 99-102
CLOWNS - ang official kenkoy ng klase. may mga one liner na gumigising sa lahat pag nagkakaantukan na. sabi ng ilang teachers, ito raw yung mga KSP sa klase na dahil hindi naman matalino e dinadaan na lang sa patawa ang pagpapapansin. pero aaminin ko, walang klaseng walang ganito, at kung meron man, magiging matinding sakripisyo ang pagpasok sa eskwela araw-araw...
GEEKS - mga walang pakialam sa mundo. libro-teacher-blackboard lang ang iniintindi. kahit na mainit ang ulo at badtrip ang teacher, ang mga geeks ang walang takot na lumalapit sa kanila para lang itanong kung mag-iiba ba ang result ng equation kung isa-substitute mo 'yung value nung x sa y.
HOLLOW MAN - may dalawang uri ang HM virus, ang type A at type B. ang type A ay mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas absent. type B naman ang mga mag-aaral na bagama't present e invisible naman madalas ang sagot sa mga quiz; hollow ang utak.
SPICE GIRLS - barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late na pumapasok sa room pagkatapos ng recess at lunch break. madalas na may hawak na suklay, brush at songhits. pag pinagawa mo ng grupo ang isang klase, laging magkakasama sa iisang grupo ang SG
DA GWAPINGS - ang male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpa-cute. konti lang ang miyembro nito, mga dalawa hanggang apat lang, para mas pansin ang bawat isa. tulad ng mga SG, kadalasang puro hair gel lang ang laman ng utak ng mga DG.
CELEBRETIES - POLITICIANS, ATHLETES AT PERFORMERS. POLITICIANS ang mga palaban na mag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskwelahan at mga kapwa estudyante kesa sa grades nila sa Algebra. ATHLETES ang ilang varsitarian na kung gaano kabilis tumakbo e ganoon din kabagal magbasa. performers naman ang mga estudyanteng kaya lang yata pumapasok sa eskwela e para makasayaw makakanta, at makatula sa stage tuwing Linggo ng Wika. sa pangkalahatan, ang mga celebrities ay may matinding PR, pero mababang IQ
GUINNESS - mga record holders pagdating sa persistence. pilit pinupunan ng kasipagan ang kakulangan ng katalinuhan. sila nag kadalasang nagtatagumpay sa buhay. msinop sa projects, aktibo sa recitation. paulit-ulit at madalas magtaas ng kamay kahit na laging mali ang sagot.
LEATHER GOODS - mga estudyanteng may maling uri ng dterminsayon. laging determinado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang pandaraya, at palagiang pagpapalapad ng papel sa mga teachers.talo ang balat ng buwaya sa pakapalan.
WEIRDOS - mga problematic students, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheep ng klase. may kanya-kanya silang katangian: konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa ang grades, at teacher's enemy.
MGA ANAK NI RIZAL - ang endangered species sa eskwelahan. straight "A" students, pero well-rounded at hindi geeks. teacher's pet, pero hindi sipsip. hari ng math, science at english, pero may oras pa rin para sa konting extra-curricular activities at gimmicks.
COMMONERS - mga generic na miembro ng klase. kulang sa individuality at katangiang umukit sa isipan. hindi sila kaagad napapansin ng teacher pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong unang nakakalimutan ng mga teachers at classmates nila...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment