Tuesday, January 31, 2006

Hey PK


Stop crying PK...

I know it is hard to escape the past...

Happy birthday, and choko-choko ballpens, OBMC

PK that's life...it is not your fault to be rejected by our class...

Basta stop crying PK...stop crying...pare search-inner ka pa man!

prom ek ek update: prom...dalawa yta prom ko...anyway it's all good....

Sunday, January 29, 2006

those days

"Ayun!"

Nahanap ko rin sya! hmmm gumanda yta siya...uy...uy...pero...sayang di ko rin nasabi...

5 years from now...maglolog in ako sa friendster, i-click ko view friends at pagmamasdan ang kanilang mukha. Nakangiti at nakasimangot, nakatayo at nakaupo, nakahiga at hinihigaan. Iba iba ang sinasabi...daming tanong...walang sagot...

sino ang mga tunay na kaibigan?
sino ang naging kaibigan?
sino ang crush?
sino ang naging crush?
sino naman ito?
saan na kaya siya?
saan na siya nagaaral?
sino itong katabi niya?
may bofriend na siya!?
etc.
etc.
etc.

sayang...sayang...i hate sayang...mamatay ka na sayang...

Aaminin ko...natatakot ako mawala ang mga kaibigan ko. Napapatanong nga ako kung sa friendster lang sila makikita muli... Tinanong ko pa sa taas: "bakit pa ba kami naging magkaibigan kung sa bandang huli siya'y mawawala lamang at magkakalimutan na lang, Diyos ko ito ba'y isang masakit na pagsubog o isang masayang panaginip na sa isang iglap mawawala ng parang bula?!"

Bakit pa ba ako nakangiti kung lahat ng nakilala at tinuring ko na kaibigan ay mawawala kahit hindi nila kasalanan... sino ba ang may kasalanan? Oras ba? Ako? Ikaw? Diyos?

Puro tanong walang sagot... pero isang hiling ko bago matulog: sana...sana...sana...di tayo magkakalimutan dahil minsan...minsan tayo ay magkaibigan...

"Ay sus naman...single pa pala siya..."

(sana)

prom ek ek update: fueigfhjklgwopaghupeanv908w45826ugn2jp-2=`37fnudi3ui:) :P :l ;> 0",U

Saturday, January 28, 2006

Mr. Softy

"Do you love me...?" ang tanong ko. Its just a game.

"No..." Its just a game.

Narinig ko boses ni philip sa likod-"AWWWWW"...ako naman napapikit.

"I hate this game," sabi ko sa sarili.

Soiree
The sweet and bubbly paulinians proved again their unique personality last night!

Who/what made the scene:
  • before soiree nagpagupit si philip, tapos pagpunta ko medyo down siya kasi di pupunta crush niya... ng biglang dumating ang crush niya at biglang naging active!
  • aaron cabagay and his one-year-in-the-making friend na si Aset[?] Filling up those kilig moments sa prom!
  • anj and her bubbly personality.
  • dino's assumption na panis ang pancit.
  • jamie amagsila and paulinian friends's incredible laughtrip! Good vibes or just plain sugar rush?
  • Pao Alvarez
  • Lap[??] hmmm ok i'm not expecting it...
  • Bea
  • Denise and her painful knee dahil yata sa akin dahil di ako gumalaw...sorry.
  • Rhem
  • Mike Baltazar
  • Tippy
  • And the guy from d other school! hahaha!

Prom ek ek update: May nakita kami ni Enzo sa Eastwood mga girls na nakasuot ng gown...oh my...habang umuulan at nakadress grabe... Prom Prom Prom!

Friday, January 27, 2006

teacher's day

Teacher's day...

umpisa ng class wala si Ms. Marie... eh di rumble na...

Naging student teacher ako kahapon(tinuro ko: soc sci., sci, TPA) at katulad ng inexpect ko...freetime all the time!

oh well...malapit na magtapos ang lahat...

soiree with Paulinians mamaya... pangatlong beses na ito at pangalawa sa Casa Verde!

hay nako... ang saya ng buhay

Thursday, January 26, 2006

CORE

What is a CORE???
  • the center of an object
  • a small group of indispensable persons or things

prom ek ek update: ang lakas talaga magsalita ni Arel kasi sa kanya ko na realize na 1 month to go na ang Prom. Yup, one month to go... I asked Kevin G. kung what's his plans for the prom. Sabi niya may date na sya pero di nya pa napaalam sa parents, kung hindi pwede watch n lang siya ng WWE RAW live tour sa Araneta! eh kasi naman may ringside tix siya! A date or a once in a lifetime wrestling tour???

Nakasabay ko pauwi si Mr. Nicdao... and its all good!

Tuesday, January 24, 2006

Huli ka balbon!


Manny Pacquiao wins by K.O.!
Wala na akong masabi sa laban na ito. Nalaman ko pa yung panalo ng tumawag tita ko na panalo si Pacman, hindi pa nga naguumpisa sa TV! Anyway ang galing tapos sa likod nya puro mga politiko...oh baby! Pacquiao vs. Morales 3??? Let's wait and see.
In Memory of Ernie Baron
1940-2006

Noong bata pa ako, habang kasama ko ang lolo ko sa pagnonood ng TV Patrol, si Ernie Baron ang isa sa mga hinihintay ko sa program, yung weather report niya tapos yng mga trivia na kung anu-ano! Tanda ko pa na sabi ng lolo ko kapag ano ang suot ni Ernie Baron ay may relationship sa weather! Anyway... Hanggang sa Muli, kung walang knowledge walang power... Buh-Bye!

prom ek-ek update: baka raw ako magsisi...

Saturday, January 21, 2006

metrosexual

i met new friends at patay kami sa LYC!!!

Sa mga ganitong oras dapat tayo'y matulog na!



Sabog at balisa, tripping sa Ortigas, puntahan sa fair...one thing to say: Pare let's sleep na!

Wednesday, January 18, 2006

kumpisal

"Teox, I have a confession to make..."

"Ano yun?" ang sabi ko.

"Alam mo noong grade 7, dba classmate tayo, nagkagusto ako sa iyo..."

"Weh?! Seryoso?!"

"Joke lang pero noong grade 7," nahiya pa ituloy. "wag na nakakahiya..."

"Ok lang cge sabihin mo na..."

"Noong grade 7, nagkagusto ako sa sister mo!"

"What da?!"

"Pare, sorry, i know it not good to have a crush on your friend's sister... sorry!"

Happy Birthday
Jaime Zavala!!!

ang sabi ni rico j puno

Halina sumama sa mundong puno ng ligaya...
Hagdan ang ating kasama sa karimlan na masaya...
Hahahah sisbooomba parapapapapapapapapapap...
Masikip at madilim kumain ka na hmmm tikim...
YEAH-yeah-yeah!

prom ek ek upadate: motivated...i'll ask her na...pero pero...oh god sana matapos na...

Monday, January 16, 2006

Bad vibes tsong

Puyat ang inabot ko sa 'yo...pero ok lang!

search-in
kakatapos lang ng search-in circle 133, nagfaci ako at isa yta 'to sa madugo at masaya na retreat na nakita ko...

prom ek ek update: hmmmm daming nagbigay ng advice sa 'kin tungkol dito kaya...

Masarap ang bawal
Masarap ang bawal...tikman o pabayaan? Tulad ng sisig, ang paboritong kainin ng mga LSGH boys, ay bawal na! Ang daming bawal sa mundo...sinasakal nila tayo...

Gimik
Friday was a very busy day. Pumunta ako sa bday blowout ni shaun, classmate, sa eastwood. hahaha lapit lang ng eastwood! anyway nilibre niya kami ng BOWLING!!! Ang saya magbowling!!! Mhal nga lang! dapat marami!!! hahaha! tapos kain sa dencio ng kanilang sisig! Grabe nainging ako sa sisig.... Then pumunta kami sa soiree ng class with st. paul pasig! May game sa soiree na ang senselesss yung "i love you game" sus...senseless...tapos tlgang gusto ng mga paulinians ang wrestling and John Cena!

Monday, January 09, 2006

Super Kawaiiii!!!

Katapusan na...the end is near...3rd quarter exams...

prom ek-ek upadate: Feb. 25...prom nyt! This prom WILL not be one of my top problems in 3rd year! The pressure dyan na sa circle of friends ko para magkaroon ng date. The question palagi: "May promdate ka na?" Woah!

crazy about sam!

SAMMMMMMMM! yeah-yeah sam milby, dubbed as the crush ng bayan, is currently invading the philippines! To be honest medyo napakanta ako sa "Only you" by sam...tsk tsk sa kakacommute yan ang nagagawa ng bus radios! Everywhere i always see him, sa billboard, sa mall, sa tv! oh yeah ang paboritong housemate ng lahat(uhm kahit medyo jaleux ang show na ito) ay isang star in a making ek ek stage of his life! Isipin, he's singing and modeling soon he'll be in movies! Just want to say, kung gusto maging artista sa ABSCBN ka dahil for me, magaling sila magexpose ng stars!

Culture ek ek:
For all of you living in QC! Go to cubao and experience it!

Sunday, January 01, 2006

frustrated singers

"Sabi ko sa kanya walang iwanan sa huli ako pala ang nangiwan" - tagalog romansa novel

what a way to start my year when my cousins and titas thought i'm going queer! yup yup! Posing for pictures like there's no tomorrow! Para daw akong bakla! ha! oh well...

I love covers of romansa nobels (ang tigas ng tagalog)! Napansin lang ng sister ko yung design ng mga couples sa covers ay nagiiba. Noon mga caucasians and cityscapes, tapos naging all pinoy with vacation spots sa background at ngayon ay mga chinito boys and gals from chino nobelas!!! for only 30 pesos oh yeah!

Prom ek-ek update: 51 days to go till prom! Wala pa ring date! oh yeah! napakaloser naman - quote ng mga lasalista b'cuz once in lifetime lang raw ang prom! Hahaha ang prom ay para lang isang grandmama of all dates during highschool life! While nagiihaw ng bbq narinig ko na baka grade 7 ang date ko! Masyadong bata raw! hahaha ok lang mabuti nga di si Criselda ng Alimudin street(uy joke lang yun wala akong kilalang criselda)! its not my problem it's just a date!!!

Oh well planning to survey cubao... kasama na rin ang mga madidilim na sulok nito tulad ng aurora!