Friday, April 15, 2005

kala ko kung ano...

Ako'y naiingit kay ate kasi sya'y maganda... ang kanyang mga mata ay
matingkad, palagi syang naka ngiti, at ang mahaba nyang buhok ay
kinakaingitan ko. Nakatira lang kami sa isang maliit na apartment sa
olongapo. C ate ang nagaalaga sa akin. wla na kaming magulang, iniwanan kami
raw kami sabi ni ate sa akin. Kakatapos lang maligo ni ate, kumikislap ang
kanyang makinis na balat...nakita ko c ate nag susuklay ng kanyang magandang
buhok sa harap ng salamin at siya'y ngumiti ng nakita nya ako sa salamin...
ang ganda ni ate... natapos na siya magbihis... Tuwing gabi umaalis sya.
palagi ko syang tinatanong kung saan sya pumupunta at ang palagi nyang sagot
ay magtatrabaho at matulog na raw ako tapos biglang halik sa noo at sya'y
aalis. Walang pinagbago ngyong gabi siya'y umalis na, pero susundan ko
sya...

Sinundan ko c ate.... malapit lang pala ang pinagtatrabauhan nya... dapat
pala sumasama ako sa kanya pero gabi na eh wla nman kaming pasok bukas kaya
isusupresa ko sya ngayon... Pumasok na ako sa lugar kung saan c ate
nagtatrabaho. Mdyo madilim ang lugar pero maraming pula na ilaw masakit sa
mata.. ang lakas ng tugtog sa stereo at ang daming mga lalake... sa dulo ng
lugar Nakita ko c ate sumasayaw sa isang entablado (hindi sinasabi ni ate na
magaling sya sumayaw), wala syang suot... may mga lalake na nagsisigawan at
hinahawak c ate... ang ganda ni ate... paikut-ikot ang mga ilaw sa lugar na
yun... pagkatapos sumayaw ni ate kinuha sya ng isang lalake at dinala sa
isang kwarto... sinundan ko cla...

Pagkatapos ng kauniting oras lumabas yung lalake sa kwarto....Sumilip ako sa
kwarto at nakita ko si ate nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin...ang
tumatakip lang sa kanyang katawan ay ang kumot... habang nagsusuklay c ate
ay umiiyak... ngayon ko lang sya nakita umiiyak.... ang matamis nyang ngiti
sa mukha ay pawang nawala... ang kanyang mga magagandang mata ay puno ng
luha.... Sa kama may pera.... sa salamin nakita ako ni ate, sa una nagulat
sya at may gustong sabihin.... pero nagtagpo lang ang aming tingin sa
salamin..

No comments: