Sa Nayon by Angeli Laparan
Pinanood ni Minda ang tumatagaktak na dugo mula sa leeg ng baboy na kinatay ni Aling Marcela. Bawat sigaw ay tila sinsampal siya ng alon ng kahapon.
Pitong taong gulang siya noon nang masaksihang pinagbabaril ang kanyang mga magulang ng isang mamang kaibigan ang turing ng kanyang pamilya. Ang araw na masigla’t puno nang init sa pagkalinga’y napalitan ng lamig at takot nang siya mismo’y nilapitan at tinitigan ni Manding at bigla- biglang tinutok ang sandata sa sariling tenga na siya ring ipinaputok sa mga nagaruga sa mulat at takot na supling.
DUGO. Ito rin ang mismo ang kumalat sa kalsada’t nanggaling mismo sa leeg ng kanyang ina, sa dibdib naman ng kanyang ama.
Ito mismo ang kumalat sa kanyang nangangatog at maputlang mukha matapos mapanood ang madugong pangyayari na ikinayanig ng buong nayon.
Matapos ng kaganapang yoon ay di niya agad maisip, pano na ang bukas na pinagarap nilang mag-anak. Wala na siyang kamuwang- muwang sa mga susunod na maaaring mangyari.
Agad- agad ay pinunasan niya ang dugong tumilamsik sa kanyang inosenteng pisngi… Ang dugong tanging marka ng kanyang bigla-biglang pagkaulila at simbolo ng kawalan ng kanyang ama at ina.
Ang nayon ay agad agad inusisa at nagkagulo. Ang hapon ay mabagal na dinatnan ng buwan at ang sakit ay unti- unting bumalot sa bata.
“O Minda, isang kilong baboy to.” Salita ni Aling Acacia, ang kumupkop sa kanya matapos ang kagimbalgimbal na bangungot.
Di na siya nagsalita’t inabot nalang ang bayad at paguwing- paguwi ay ibinuhos niya ang dugo ng binili sa hinugasan ng isang kilo ng taba hanggang maubos ang mapula- pulang tubig.
Dise Nuebe na siya’t di parin nakakalimot sa sakit na natamo, mapahiran man lang ng isang patak ng dugo sa katawan.
Nagtungo siya sa banyo upang maghugas nang kamay at sinundan narin niya ng pag-ihi. Itataas na niya ang salawal nang makitang puno nang tuyong dugo ang kanyang salawal.
Nakwento na noon ito ng kanyang Ina bago pa ito nawala. Magiging dalaga din si Minda at magbibigay ng anak baling araw. Palatandaan daw ito ng…
REGLA. Ito na nga siguro ang inaasam ni Minda.Ang tanging beses na di niya katatakutan ang dugo. Ngayo’y di ito nagpaalala sakanyang pagiging ulila. Ngayon lang niya naugnay ang dugo na walang buhay ang napipiligro, at sa kabilang banda’y makapag bibigay nang panibago.
Agad na nagpalit nang pambabang saplot si Minda at niluto ang isang kilong baboy.
Mabilis ang ikot ng araw. Payapa ang nayon. Ngayo’y pag-aasam na ang bumalot kay Minda at tinawag si Pepe.
“Pe, sa susunod na Martes, tulungan mo ko ayusin yung lababo namin.”
Martes nang makasunod, pagpasok ni Pepe nang kanilang bahay ay agad- agad kinandado ni Minda ang kanilang madilim at masikip na barong-barong.
Mabilis ang ikot ng araw. Payapa ang nayon. Ngayo’y pag-aasam ang bumabalot kay Minda.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment