Thursday, April 26, 2007

Frigid

Manhid.

Minsan sa may bubungan ng kalawakan, may kibo na natanaw. Nakakakiliti di mapaliwanag; lungkot na hindi makita; ligayang di maabot; ngunit kahit isang saglit, itong kibo ay di pinansin.

Ngayon hinahanap-hanap ang kibo sa kalawakan na minsan ipinarating. Umaapoy na pagaalinglangan at ihip ng baga nito'y tila malamig na habagat. Walang kapalit sa pagtuklas, isang rebelasyon.

Nakatago sa mapangahas na natanaw ay isang pagsabog...

Kibo. Kuonting kibo sa nararamdaman ng isa; sana'y pinansin para di nahuli ang lahat..

Di maitindihang pagaalinglangan

Alaala pilit nakagisnan; ano ba ang kailangan sundin para di nagkaganito? Ang hindi na mababalikan o ang kailangan harapin? Tumatakbo ang oras, kelan pa ba kikilos...?


Manhid...

No comments: