Wednesday, April 11, 2007

The Breed ($#%!@$& dogs!)

"Tanginang aso yan..." - aking bungisngis

Di ko na matiis ang sakit ng ulo ko kahapon. Kaya humingi ako ng pera sa mom ko para bumili sa sari-sari store dyan sa may tabi tabi.

Nang makabili na ako ng Biogesic (Ingat - John Lloyd Cruz), naglalakad ako sa sidewalk at may nadaanan akong makeshift na bahay. Gawa sa mga kariton at kahoy ang kaniyang ding ding; ang bubong ay gawa naman sa yero, at ang sala (oo, may sala slash bedroom) naman ay isang sofa. Biglang may tumatahol na aso, yung isang aso alam ko nakatali pero pilit na gustong makawala. Tapos biglang sa isang butas ng bahay may lumitaw na itim na aso, tinatahulan ako. Napansin ko na hindi sya nakatali...Shit...bigla lang siya nakawala sa butas at hinabol ako. Nagpanic na ako, dahil seryoso syang mangangagat. Habang tumatakbo akong pa sideways, dahil mas mainam na tumawid na lang para in case maiwan ko ng aso, nakatingin pa rin ako sa aso hinihina.

Nang nakatawid na ako, hinabol pa rin niya ako. Sakto sa kabilang sidewalk may aso ring nakawala (Wala bang mga amo ito?!), at tumatahol. Putcha, talagang takot na takot na ako at tumitibok na ang ulo ko. Tumakbo pa rin ako, hinahabol pa ako ng bagong aso at ng itim na isa. Ang nakakatawa natingin ako sa kanila para makita ko mangangat na sila. Yung bago napagod at huminto pero tahol pa rin ng tahol. Yung itim ang makulit, malapit na sya at sa sandaling iyun ito ang mga naisip at lumitaw sa isip ko:

1. Makakagat na ako!!!!
2. Sipain ko kaya sa ulo o nguso!?!?!
3. Naalala ko na sinabi ko ang (see above) kay Tippy!!!
4. Sugat!!!
5. Rabies Shot!!!

At hanggang salita lang pala ako, hindi ko rin tinadyakan ang aso sa nguso dahil sa sobrang takot. Kaya tinakbuhan ko na lang ng mabilis! At salamat sa Diyos, napagod rin ang aso. Nanlamig ang pawis ko, at nahiya sa sarili (Napicture ko yung mukha ko na takot na takot at mga nakakita tumatawa).

Tumawa na lang ako ng malakas at sinabi ko sa sarili: "Tanginang aso yan..." .

note: I'm against asusena or killing dogs...

###############

Uy ok itong musicovery.com! hahaha thanks anton sa site! Hahaha paputol-putol nga lang dahil dial-up lang kami hehehe...

###############

Kumikitang kabuhayan!!!

Looking for double deck beds???

We have two! They are very durable and strong! Almost not used!

Php 2000.00 for one!!

just leave a message if you're interested!

No comments: