Wednesday, December 14, 2005

theGiant Killers

"wuhooooo! 3G! 3G!" sabi ng crowd sa likod ng bench namin.

Ang ingay ng FMAC. Mga nagaabang na team nakapalibot sa buong court. Cheer lang sila ng cheer.

Kakafoul ko lang kay Enriquez, isang higante ng 3D, hard foul pa pero ako ang napahiga. At yun na nag graduate na ako.

Pagod na pagod umalis agad ako, iniwan ang crowd pumped up dahil shooting freethrows si Enriquez.

Naghahanap ako ng fountain at nahanap ko rin. Balik agad ako sa FMAC at may tumira sa aming team di ko makita kung sino dahil may mga nakaharang na net. Pero nung pumasok yng tira nagsigawan ang lahat. Kitang-kita na suporta ang buong FMAC sa amin at yng crowd sa likod ng bench nagwala.

Takbo agad ako at nakita na lamang na ang team. 39 - 37! Gulat ako! Tambak kami ng 9 tapos less than 2 mins nahabol! Grabe! Do or die! ang saya na ng team! first time lead.

Tapos nakatira uli yng 3D! tie na tapos di ko alam kng nakatira si jeric or si pao pero nag 41 - 39! Tapos nagwala na ang buong crowd nakita ko si Maniquis yng class clown ng batch nag breakdance sa gitna ng court!

Yan na, possession ng kalaban. Na-foul, galit si Ferdi at si Dino, mga coach namin. Ang ganda ng support ng crowd. Sigaw agad sila ng nagshoot yng kalaban mintes! Pangalawa pasok!

score 41 - 40!

Na-foul si Pao. Crucial kala na namin ice na pero mintes parehong attempt! Kuha ng 3D!

Yan na, handa na sila Cruz, magaling na kalaban. Takbo agad siya papunta sa court, 10 seconds na lang, lahat kinakabahan. Pinasa kay Enriquez, nagdribble tapos nice defense ni Aaron....travelling tapos ang laban!

We're going to finals baby!?

Yeah! Baby! We're going to the finals baby!

to be continued!

No comments: