Tuesday, December 20, 2005

issetan, kung saan nakakabili ng romansa novels para kay ineng

Di ko mapigilan ang pagtingin sa kanya...naku napansin nya na yata ako!

Naka-upo lang ako hinihintay ko ang mga kaibigan, nang siya'y dumaan, napatingin sa akin at ngumiti! Di ko alam ang naramdaman, napaisip-isip, bumaliktad ang sikmura oh ano ba ito! Napansin na nga nya.

Ganito palagi ang eksena, nakatingin lang ako, lumilingon para sakto at tinitingan lang siya...

Isang beses umakyat kami sa dorm nila, nasa doorway lang ako, nakita ko siya tapos ngumiti uli sya.

Bakit puro ngiti? Di ko maitindihan...ako ba o yng katabi or likod ko? Tama ba kutob ko?

Papasok na kami sa conference room, nakasandal lang siya sa mga kurtina, nang biglang...

"hi seph," sabi niya sabay ngiti...

Para akong ewan... "hi.." sabi ko naman...Pano nya nalaman pangalan ko??

*stupid*

Suot ko nga pala nametag ko...

Dahil sa isang kolehiyala...dahil sa isang kolehiyala...dahil sa isang kolehityala ako'y nagkaloko-loko!

No comments: