Monday, December 05, 2005

isang pagbibigaypugay sa atletang Pilipino

Mga gabi di ka makatulog, sa kakaintindi...

Mga araw na sumasakit ang iyong katawan, kailangan magpractice para makamit ang ginto...

Lumalakas ang tibok ng puso, sa harap mo lang mga kapwang Pilipino sinisigaw ang iyong pangalan...

Mga paltos sa kamay, mga pasa sa katawan na kanina lang ginamot...

Ilang gallon ng pawis iyong binuhos, matapos mo lang ang race...

Bola...bola...bola, di ka nagsawa sa araw-araw na ginawa ng diyos bola palagi ang iyong katabi...

Kahit lumitaw ka sa isang commercial, na ang ganda raw ng buhok mo o nakapartner mo si sarah, di mo nakalimot mag hi sa iyong fans...

Kahit kulang sa pondo, diyan ka pa rin sa gym, nagpapractice, sira-sira man ang mga equipments...

Ilang laway na tumalsik galing sa iyong coach, pinapagalitan ka para ikaw ay maging magaling...

Naramdaman mo kung gaano katamis ang mga halik ng iyong minamahal bago ka tumungo sa stadium...

Ilang araw ka rin nawala sa paaralan...ilang test din ang iyong di nakuha mapalakas lang ang sarili...

Luha tumutulo sa iyong mga mata, di makapinawala sa nakikita...

Kinabahan, di alam ang mangyayari...

Nagdasal kay Jesus, Budhha, Rizal, Bro. Eli Soriano, Bro. Mike Velarde, Bathala, Allah, Muhammad, Aslan, Zoroatismo, Bonifacio at kung sino sino pa...

Nakita mo rin yta si GMA, ang liit niya...

Mga kasamahan, nagkamit ng medalya...

Ating bandila, sumasagisag...

Kaw ay nalasing sa ubod ng saya sa nakamit na medalya, mapa ginto, tanso, gawa man sa recto o copper man yan...

Kahit ikaw rin ay natalo, taas noo mo pinaghirapan at pinaglaban ang galing ng Pilipino...

Diyos ko po... ang dami niyong pinagdaan, di ko nga masulat lahat pero ito na, panghuli na ito...



Maraming Salamat sa inyong lahat, mga atletang Pilipino!

No comments: