Saturday, December 24, 2005

Awit ng Kabataan

Awit ng kabataan
Hindi raw kami makakahon, at mas lalo na hindi mababaon. Ang boses namin ay maririnig sa bawat sulok ng panahon.
Dapat makinig, dahil ang boses namin ay awit sa pagbabago at susi sa kinabukasa kami ang Kabataan, at ito ang aming awit sa buhay na karangyaan.
Kami ang kabataan, naghihintay at nakikinig sa mundong aming nilalakaran. Kung akala niyo wala kaming ginagawa, kayo'y nagkakamali. Mga pagbabago sa panahon at kasaysayan ang aming ebidensya. Ang aming aksyon at mga solusyon pawang kampana nanginginig at ito'y magdudulot ng pagbabago.
Ngayon, naririnig niyo na ba? Ang awit namin? Katotohanan, gusto namin malaman. Kalayaan aming hinahanap sa magulong bayan. ANg aming katwiran, inyong pakinggan. Tapusin na ang kapalaluan. Halina't sumama sa awit ng kabataan.

No comments: