Monday, December 26, 2005

Oskar

"Nakilala ko siya sa isang laro," pabulong sinabi ni Oskar sa akin. "Palagi na kami nagkikita sa laro hanggang nakapagchat na kami at at yun..."

"At yun?" tanong ko.

"Na-in love ako sa kanya..."

"Ganun ba?!" patawa ko pa sinabi.

"Pero...di ko pa nakita itsura nya..."

"ngeh! na in love ka pero di mo pa siya nakikita?"

"One time sabi nya usap kami sa phone... since then palagi na kami naguusap"

"Binigay mo number mo?!"

"oo...akala ko nga lalake pero - "

"Hehehe, binabae!" agad kong hirit.

"doy! babae!" galit nya sinabi. "Kung anu-ano pinagusapan namin, mostly tungkol sa laro..."

"Hindi mo pa sya nakikita!"

"Ano ba problema mo! Puro ka sa labas na anyo!" naireta na si Oskar

Sa isip ko, Kaw ang may problema... "Sandali lang tagal ng order natin ah..." tumayo ako at kanina pa pala tinatawag number namin. Dinala ko yng order namin, kay Oskar ay White Chocolate Dream habang sa akin ay Barako ice.

"Cguro mga 6 months na kami naguusap, at para kaming magkakilala na... alam namin ang isa't isa...pati pangalan ng mga magulang niya alam ko na..."

"Paano ka ba na in love sa isang babae sa Prontera hindi mo nga alam kung ano ba siya! Sa boses lang sabi mo babae!!?"

"Sandali lang! Nagkukwento pa ako," sabi ni Oskar. "Isang gabi tumawag siya sabi niya magpakasal na raw kami..."

"wow ah! anong game ba yan... medyo liberated ang mga players diyan!"

"Loko! Sa game lang! Kasi may bagong ek-ek sa game pwede na kayo maging couple, try daw namin..."

"Kayo na nga sa game?" tanong ko.

"yup," sagot ni oskar. "Eh gusto ko na siya makita, pagkatapos namin magpakasal tinanong ko kung pwede ko ba siya makilala sa personal...wrong move yta nung sinabi ko... kala ko mapapahiya lang ako...pero sabi niya cge raw...add ko raw siya sa friendster... eh problema di ako nagfrefriendster!"

"Kaw ang may problema boy!!!!!" sabi ko sa kanya sabay pabirong sampal sa pisngi niya. "Wala kang friendster, kaya pala di mo alam itsura niya!!" "Ang tagal nyo na naguusap, nagchachat di nyo natanong sa isa't isa kung anong mga itsura nyo!"

"Sorry di ko alam yng friendster! At sa una, katuwaan lang pero parang naging unspoken rule sa aming dalawa na di kami magkikita...katuwaan lang... pero yun nga na in love ako..."

"Mga eng eng pala kayo!" sabi ko tapos bigla may nagtxt sa akin, girlfriend ko. "Oskar, haha eto tunay na girlfriend, di ba nakilala mo na girlfriend ko noong fair." Pabiro ko sinabi sa kanya at pinakita yng message ng girlfriend ko sa akin na: "Hey, can't get you out my head...i love you! mwah!!! :) :) :D"

"oo, nakilala ko na girlfriend mo..." sabi ni oskar. "anyway nagkaroon na ako ng friendster(add mo ako oskar_brusko@yahoo.com ) tapos na add ko na siya at...mas lalong na in love ako -"

"maganda???" sabik kong tinanong.

"pare, pix niya puro anime, mga final fantasy girls, tapos character niya...at kaya mas na in love ako...yung wedding picture naming dalawa(actually yung characters namin)" kitang kita ko nagblush ang loko...

"wow naman oskar...wow eh ano na kayo ngayon...?"

"Napagplanuhan naming magkita at maglalaro sa isang internet cafe...today" kalmado niyang sinabi sa akin.

"ahhhh!!! kaya mo pala ako inimbita! hahahaha!" ako pa yta ang na excited. "Makikita mo na yng chicksilog na yan!"

"tama..."

"Bakit parang di ka masaya?" tanong ko. "ah...ayaw mo ako narito dyan na ba sya? hehehe ok lang alis lang ako!"

"Di yun pare kahapon may sinend siyang picture sa akin...picture niya raw...sabi niya sa akin kahapon habang magkausap kami." may nilabas siyang papel sa kanyang breast pocket. Maganda ang pagkafold, ingat na ingat ni Oskar ang printout ng "girlfriend" niya.

"ok ah! Maganda ba??"

"Tingnan mo..." pinakita niya sa akin at ako'y nagulat...bumaliktad ang aking tiyan, halos masuka ko ang iniinom kong Barako ice. Tinitigan ko ang print-out, di ako makapaniwala...

"Pare," sabay lunok si Oskar ng White Chocolate Dream di makatingin ng diretso sa akin. "Kilala mo diba? Pare...diba girlfriend mo yan..."

No comments: