Sunday, July 03, 2005

Mga Anghel na Walang Langit....


Sunday today... at natandaan ko ang isang ABS CBN show sa primetime Bida, "Mga Angel na Walang Langit"... kung pinapanood or na biglang na punta kayo sa channel 2 at nakita nyo tong show kayo ay mabibigla at para sa akin matatawa sa mga batang madrama! Tungkol 'toh sa mga batang lansangan na ang trabaho umiyak gabi-gabi sa kalsada... yup! eto ay isang drama! Sino naman ang gustong manood ng mga batang umiiyak pero hindi nakakaawa...gets? Syempre namam pag-uwi mo sa bahay galing sa trabaho or school cguro medyo depressing tlaga ang buhay ngyn at spbrang stressful at gusto mong manood ng TV at ito pa ang papanoorin mo? Mga batang mas malala pa ang buhay sa daga at araw-araw ang daming problema sa buhay na tlgang pinarusahan cla ng Diyos pero mga bata pa lang cla... sino bang mannoud nyan!? Kailangan mo pang problemahin ang mga batang ito sa TV at makakadagdag lang sa stress mo 'to. Cguro gusto ng ABS CBN na ihanda ang ating sarili at tayo ay maapektuhan katulad ng pagiyak bigla sa hapagkainan pagkatpos mapanuod ang show dahil iniintindi natin ang kapalaran ni Diego or Kristel kung makakahanap cla ng makakain dahil sila'y MATATABA, MAPUPUTI, CUTE, AT PARANG NAG WORKSHOP SA ABS CBN!!!!!!! DAG-DAG STRESS LANG YANG SHOW!!!

Para sa 'kin hindi makatotohanan ang MANWL (Mga angel na wlang langit)... dahil ang mga gumaganap sa mga pulubi(anghel ng lansangan) ay mga child star ng ABSCBN na malulusog(minsan pa nga mga tabachuy), mapuputi, cute, at makikinis ang mga balat(cguro nga nakakapagderma cla at spa) at magaling magpatawa... Opo, magling magpatawa manood ka lang ng Goin' Bulilit tuwing Sunday sa Channel 2 pagkatpos ng The BUZZ ksi sila rin yung mga bata sa MANWL na umiiyak at mas malala ang problema sa isang ordinaryong batang pulubi!!!!Hindi ba kayo magugulat?


Kaya kapag napapalipat ako sa ABS CBN... at sa kamalasmalasan ko naabutan ko ang MANWL ako'y hindi naawa or naiiyak, ako'y..... NATATAWA!!!!!! HA-HA-HA-HA SISBUMBA! Pero medyo OA ang drama pero ok lang... sobra naaala ko pa yung isang scene na yung isang bata kumakain ng BBQ tapos bigla sya hinawakan sa shoulders at sya'y nagulat at naguluhan sa seryosong pagkain ng BBQ!!! NAG violent reaction sya as in todo!!! HAHAHHAHA!!! anyway hindi tlga makatotohanan ang show... stick with Darna yun totoo.... :)

Sana mahanap na nila ang langit....

bday pala ni alex noong friday.. hahhaha

3 comments:

Anonymous said...

as if naman makatotohanan ang kwento ni darna. yun ay fiction! hango sa komiks kaya di mo pwede sabihin na ang isang tao sa tunay na buhay ay pwede maging super hero pag nakalunok ng bato!
at pano naman hindi naging makatotohanan ang mga kwento ng batang pulubi? siguro nga naeexaggerate ng abs ang kwento nito pero gusto lang nila ipakita sa viewers kung ano ang possibleng nangyayari sa mundo lalo na sa pilipinas. siguro super yaman ka na feeling mo alam mo na lahat. at siguro nadala ka ng damdamin mo nung nanood ka ng MANWL pero gaya ng karamihan, wala kang gagawin para makatulong kaya't nagdecide ka na ilipat ang channel.
sa totoo lang gaya ng pagvoice out mo ng opinion mo, ito lang masasabi ko: i feel sorry for you kasi kaya mo magbulagbulagan sa nangyayari sa bansa, at magkibit balikat na walang ginagawa at mas pipiliin pang manood ng darna sa halip na makatulong sa kapwa

Anonymous said...

kawawa ka naman. nkakaawa ka. para kang isang taong walang alam sa nangyyri sa pilipinas. tsk.. or feeling rich ka lang.

Anonymous said...

ay ewan! hindi ka pala marunong tumingin kung alin ang mas makatotohanan... bulag ka ba? o sadyang may latak ang utak mo-yun eh kung may utak ka nga, kung wala, kawawa ka naman.. mabuti pa kaya hanapin mo muna. tungkol naman sa darna, yuk! nakapakaLOUSY mo naman pumiLi... God, ang ang special effects walang wala, mas nakakatawa, ang mga fight scenes, Diyos ko po, walang kabuluhan! mas mabuti pa ang mga anghel na walang langit... may concept na! nakakatulong pa sa mga bata... sori kung napagsabihan kita ng ganito, ang sa akin opinyon lang.