Panaginip... lahat tayo ay may panaginip
Mayroon akong panaginip noong summer (totoo ito at hindi kwentong barbero)
Isa sa mga pinaka ewan...
sa lahat pa ng tao na napanaginipan ko... si Angel Locsin pa :(
Ganito ang dream ko... si Angel Locsin daw ay nagpagupit at short yung hair nya tapos nagpakulot tapos bigla nya akong tinanong kung bagay ba... sabi ko naman na bagay na bagay sa kaniya... tapos yun hindi ko na makalimutan... stuck na sa isip ko... parang starstuck
Meron pa akong dream noong sobrang bata pa ako... hinahabol ako ni Christopher De Leon or si Lito Lapid (dahil may bigote cla) tapos may spear syang dala at gusto niya akong patayin lahat ng tumutulong sa akin pinapatay nya... oh gosh...
Sabi ng teacher ko kung ano ang napanaginipan mo ito ang mga deepest desire or something na nakatambak sa ating isipan...
kaya ito ang translation ko sa dalawa kong panaginip...
yung kay angel locsin... hindi ko tlaga sya type or anything ksi basta at kapag naririnig ko ang kaniyang pangalan natatandaan ko ang isang bakla sa aming school... si Locsin anyway cguro kaya yun ang napanaginipan ko dahil cguro sa hair... short at curly... baka yun yung desire ko hahaha hindi ako yung gusto magpakulot! basta meron lang sa short at curly hair na hindi ko maitindihan... basta hindi sa lalake noh!
at yung kay Christopher De Leon at kay Lito Lapid... kasi noong bata pa ako yung mga time na yun naghiwalay ang parents ko... at dba may bigote yung mga artista na yun yun yung last na memory ko sa biological father ko... may bigote... ayoko sa kaniya... palagi naman sya wla... seaman ek-ek yta sya noon... at mismong pagbalik nya sa bahay... yun nagaway cla ng mom ko... isipin mo ang bata-bata ko pa noon habang akala nila ako'y natutulog naririnig ko ang pinagaawayan nila... bakit ganun... kaya ayoko ko sya tandaan... pasira sya... bagong dating palang biglang ganoon...ngyn ko lang na analize yung dream na toh... papatayin ako, hinahabol, lahat pinapatay... simply said pinipilit ko makalimutan sya gusto ko syang kalimutan noon pinipilit ko na makatakas... at bata pa ako noong nung napanaginipan ko yun... ayoko ko ng bigote...
Hmmmm translation ng dreams... hehehe... "joseph the dreamer" yata ako... nyahahhaa....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment