Friday, June 01, 2007

Ang Huling Pasada ni Sergio Escolar

INT. HALLWAY - GABI (monochrome)

Sa ekesenang ito, hinahabol si SERGIO ng dalawang kalalakihan na may dalang mga baril.

LALAKE 1
Hinto!


Nagpapaputok ang Lalake 1, hindi natatamaan si Sergio


SERGIO (V.O.)
Bastos ang tadhana. Minsan swerte, minsan minamalas talaga…


Lumilingon si Sergio, tumatago at patuloy na tumakbo


SERGIO (V.O.)
Kahit anong sabay sa agos ng tadhana –


Nagpaputok ang mga kalalakihan.


SERGIO (V.O.)
Patuloy ang takbo at pagtago para di malunod sa hampas nito


Palapit ng palapit si Sergio sa kaniyang pupuntahan

SERGIO (V.O.)
May punto sa buhay na gusto mo na lang huminto –


Huminto bigla si Sergio; nagulat ang mga kalalakihan at naghanda para bumaril


SERGIO (V.O.)
At harapin ang lahat; ang katotohanan; ang tadhana


Sabay lumingon si Sergio, at may putok ng baril; nagdilim ang paningin.

No comments: