Tuesday, June 12, 2007

Nagkadarampa

Officially today is the last day of summer!

At INDEPENDENCE DAY!!!


Sa lahat ng kalokohan na naganap sa nakaraang mga araw sa buhay nilang dalawa nakatagpo pa rin ng kapayapaan ang isa't isa. Malamang ang pagtataksil ng dalaga na naganap nung isang gabi ay isang sugat na walang hilom. Sino mang makatuklas nitong kasalanan walang takas sa karimlan nitong dinulot sa buhay ng binata. Nagkulang ba ako na mabigay sa iyo ang lahat? bulong ng binata sa umaapoy na kasalan kanyang nakita. Mapapaliwanag ang dalaga ngunit di na pinyagan ng binata sya magsalita. Umalis ang binata. Bawat tapak niya's nagiiwan ng kalungutan.

Ngayong siya'y nagiisa. Kapayapaan dinadanas nya sa pagiisa. Niloloko nya pa ang sarili, pilit nyang tinatakpan ang katotohanan. Siya pa ang naloko. Siya pa ang ginago. Masahol pa sa naagnas ang kanyang dinaramdam.

Humiga sya, pumikit at pinakawalan ang isipan. Amoy pa ang pabango na ginagamit ng dalaga sa kutsyon. Dating ito'y nagpapaantig sa kanya pero ngyn ito'y isa palatandaan ng kinamumuhian nyang pagmamahal. May kumakatok sa pintuan. Dumilta sya at pumunta sa saradong pintua. May kaba sya na baka ang dalaga ang bumisita. Binuksan nya ang pintuan. Tama ang kanyang hinala.

I'm sorry, ang wika ng dalaga. Halatang umiiyak ang puso ng dalaga. Hindi sya nagsinungaling sa kanyang sinabi. Alam nyang nagkamali sya at ito'y kanyang pinagsisihan. Kaawaawa ang kanyang itsura. Hindi nagsalita ang binata dahil nya kailangan. Napuno ang panahon ng katahimikan. Kapayapaan sa butas ng karayong kanilang sinasabuhay. Bago pa makapagsalita ang dalaga para mawari ang katahimikan, sinara ng binata ang pintuan.

No comments: