Friday, April 28, 2006

Sino ba siya?

Fati! Sino si Soxy Topacio?

A Moment with: Soxy Topacio



Unang pumasok sa aking sistema ang mahiwagang pangalan na yan noong 2nd year. Si keith musngi biglang tinawag akong soxy... sabi ko: Sinong soxy?

"si soxy topacio, yng matabang bakla, tabloid writer yata..." sagot niya.

Tapos bigla niyang ginaya si soxy topacio, sumasayaw na parang may malaking tiyan.

Ever since yun ang tawag niya sa akin... soxy.

Noong holy week, ang soxy topacio ay nakita ko sa isang pelikula, ang "Tatlo, Dalawa, Isa". Isa syang addict na dumadaan sa isang rehab kasama ang bidang si Jay Ilagan. May eksena doon na tumatak sa aking isipan...

Ang eksena ay nasa isang session ng "Fraternal Correction" ang mga patient ng rehab... turn na ng isang taga rehab para sabihin ang sasaloobin niya kay soxy topacio...

"Bakit ka ba nakatingin sa akin araw-araw.....(basta mura siya ng mura)"

Sagot ni soxy topacio, nahihiya pa siya: "Hindi, kasi naiingit ako sa katawan mo..."

"Bakit nman? anong masama sa pagiging maitim at mataba ha? Bakit ha!? ha!? ha!?"

Biglang may humirit, si Bembol Rocco, ng: "Bakit? Bakla ka ba!?"

Medyo tinamaan si Soxy Topacio pero hindi niya pinahalata...

Soxy: (natawa pa siya ng kuonti kahit seryoso ang sitwasyon cguro kasi ninerbyos)

"Bakit ka natawa?" tanong ng isa na naka aviator.

Soxy: "Kasi bago ako pumasok dto ...yng sinabi ni.... ganun ako..."

"Bakla ka?" diin na sinabi ng isa.

"Bakit mo sinisikreto sa amin yan ha?" diniin pa ng isa.

"Kasi...baka...kasi...nakakahiya...na maging..." sagot ni soxy.

"Kinakakahiya mo maging BAKLA!" sigaw ng isa.

Tapos sunod sunod ng nagsigawan ang mga ka-group session ni soxy ang salitang: "BAKLA"

"BAKLA!"

"BAKLA!"

"BAKLA!"

Naiiyak na si soxy, naawa si jay ilagan...

Tapos yun humagulgol na si soxy.... Yng lider ng session pinatigil niya yng iba at pinuntahan si soxy at niyakap...

WOW...yan si soxy... pero ang layo ahem...

Si soxy ay isang batikang director....mas kilala siya sa larangan ng teatro. Siya ay isang stage actor at lumalabas sa TV at pelikula!

Filmography

Actor
1. "Bahay mo ba 'to"
- Kasal-Kasalan (2005) TV Episode (as Soxie Topacio)
2. Big Time (2005) .... Victim
3. Funeraria Toti, La (2005)
4. Magtoning muna tayo (1981)
5. High School Circa '65 (1979)
6. Tsimay at ang tambay, Ang (1977)
7. Hiwaga ng pag-asa, Mga (????) (as Socrates Topacio)

Director
1. Puso 3- (2006)


Hahaha wala lang!!

Pic of the day: That Cueshe guy (dahil ang hinhin niya)

6 comments:

phattymah said...

wow. siya pala yun. haha cueshe guy kamukha ni borgy manotoc.

Joseph said...

hahah kamukha niya nga... pero masfit si borgy! hahaha hmmm...

phattymah said...

actually, walang kwenta yang cueshe guy na yan! mas matino pang maging vox yung gitarista. patalsikin na yaaaaan. wahahaha.. sensha na ayoko lang talaga sa kanya hahah

Joseph said...

Dapat pang boy band lang siya! hmmm kamukha niya si enrico villanueva, dating star sa ADMU, basketball team! hahaha ok lang yun fati!hahah ayoko rin sa kanya... hmmm flirty daw yan... hahahha parang iflflirt nya ako.. hahaha!

phattymah said...

enrico villanueva? kapitbahay namin yun dati pero lumipat na. haha. onga noh. haha flirt!

Joseph said...

hahhaha hmmmm! flirt... hmmmm this is bad... hahaha...