Sunday, April 16, 2006

Easter my dear, easter

Ab contest 2006
What a silly new year resolution: ang magkaroon ng abs by the end of the year! At ginawa pa naming contest ng sister ko ito-yes, my sister-ang unang magkaroon ng abs ay panalo!!! Ang babaw pero...hmmm mga pandesal ni joseph tapos lalagyan ng butter or strawberry jam galing sa Baguio...hmmmmmmmmmmmm! (what a daydream yucky :P)

Walang magawa kaya nanood ng local tv.... at ang saya! Mga obra ni Lino Brocka at kung anu-ano pa!!

Tatlo, Dalawa, Isa
Walang magawa kundi humiga at manood ng TV! Isang obramaestra ni Lino Brocka ang aking napanood ang: "Tatlo, Dalawa, Isa". Tatlong istorya tungkol sa iba't-ibang buhay ng Pilipino. Maganda ang pagkakuha ng araw araw ng buhay ng mga Pilipino tulad sa "Hellow Soldier" episode sa movie... Drama...Lukaret....Addict...Pagkabigo....Pagkalinlang...Hilda Koronel?? hahaha! Masaya manood ng Philippine movies!!!

Tinimbang Ka Ngunit Kulang
Entertaining at ma-drama! Starring Christopher De Leon bilang Junior...buhay teenager, young love, barkada, may tatay na playboy(Eddie Garcia-RACHEL!), may girlfriend(hilda koronel) na flirt sa ibang lalake, may lover na kolehiyala, mabait na bata...lumalaki siya sa isang barrio sa nueva ecija na masasama, prejudicial, walang paki sa mga tao na panget, tsismosa, at kung anu-ano pang masamang ugali ng mga Pilipino... nakipagkaibigan siya sa dalawang outcast ng barrio: si Kuala(na may sikreto at dahilan bakit siya naging lukaret) at si Berto(Mario O' Hara), may ketong. At sa pagkakaibigan na ito natagpuan niya ang isang langit kung saan nakakaalis siya sa isang society na sira pero nalaman din ni Junior ang mga sikreto ng nakaraan at ang baho ng barrio... Do not judge a book by its cover..

HIMALA
Wlang Himala!!!!!

Jose Rizal
Lahat ng tinuro ni G. Laurio ay naging...palabas!? Yup, history and the life of Jose Rizal. MAganda ang pagkagawa yng script, lighting, cinematography, costume... Para tlagang nasa panahon ni Rizal ang mga tao noon ay nagsasalita ng kastila at mga mestizo at may mga kastila talaga hindi ng mga ibang Rizal ewan na napapanood ko sa BAYANI(sa BAYANI, ang gumanap kay Rizal ay si Eric Quizon). Cesar Montano bilang Rizal, grabe magaling na aktor...as in sobra...Maganda... May part sa movie, isang pagbibigay pugay sa isang eskwelahan, nagmamarch na sila Rizal Patungo sa Bagumbayan ng nakita niya ang isang gusali at sinabi niya: "Ateneo, kung saan ang aking masasayang taon..." hmmmmmmmmmm baka nga...

Soxy Topacio




HAPPY EASTER!!! ITLOG, ITLOG, ITLOG!!!

1 comment:

phattymah said...

uhhh curious lang ako.. pero, sino si SOXY TOPACIO? hehe