Wednesday, November 02, 2005

isa

Katulog...

Bago matulog, iniisip kung aalis ba sa kawalan ang isipan...ngunit iisang bagay lang pala ang kahahatungan, isang bangungot nakadilat ang mga mata, di makahinga, umuusbong ang luha...isang pagtakas sa pagkainosente...isang pagtakas sa minamahal...isang pagtakas sa pinaniniwalaan...isang pagtakas sa katotohanan!

Kukurap pa ang butas kung saan nakatakas ang pagkakaibigan na di totoo? uulan nga bukas di naman matutuloy? Pagkalito sa tunay na nadaramdaman pilit ayaw tingnan, umiiyak. Iyak na napakababaw, di lang makita ang isa...sukduluan ng puot, halos ipagadasal ang isa sa mga imahen ni hesus at mga santo na nakapalibot para lang mapakita ang pinaniniwalaan na tunay na nadarama. Paano maipapakita? Sa taas lang ba kailangan ipamato ang nadarama? Di ba nakikinig ang diyos sa hangarin at mga dasal ng pagkaaruga sa isa? Mga lumalabas na bulong ng katotohanan; ang diyos, ang kwarto, at ang sarili lang ang nakakarinig...paano ang dapat makarinig? Na saan siya?

Binubulong ang pangalan ng isa...di nman niya naririnig...isa...isa...isa...isa...isa...isa...isa...pinikit ang pagod na isipan...itinabi lahat ng problema, itinabi lahat ng nadaramdaman...at nakatulog.



Yesterday

Yesterday was unforgettable. Yesterday was unbelievable. Yesterday...all soul's day...wild, funny, mind boggling...the cruel side of our family showed up... harharhar... hay nako hanggang kamatayan may kaaway...


To Jen
Kanina pa kita pinagmamasdan...
Galit sa katabi mo...di alam ang dahilan...
Kinuha ko lang yta ang eksenang toh sa isang kanta...
naging hit nga at sabi nila pang masa
ang saya...pero nangyari nga ito walang biro...
itaya ko pa ang natitira kong bente-singko...
Di kita malilimutan...swear!
Parang isang vase...handle with care!
Nyeh! Ganda ng mata mo, ang cheesy ng susunod na line..
Joke lang dahil ayoko ma fine
Leche! Bakit? nagsawa ka na yta sa akin!
Hay naku...gusto pa nman kita...wala lang...

oh wow...bow wow...siopao...uhaw...kain ka na ng lugaw!

To Jen part2
Haaaaaaay ang cute mo tlaga Jen kapag kinikiliti kita sa tiyan
Tuwang tuwa ka...napapadila ka pa sa sarap!
Kapag pumapatong ka sa akin...oh anong ligaya aking nadarama!
Tanda ko pa ng sabay tayo maligo, ayaw mo ako ang magpunas sa basa mong katawan...

Naghabulan pa tayo hubo't hubad...ewan ko ba't di ako nagsuot ng damit....
Ang dami na nating pinagdaan, una ayaw ka pa ni daddy at mommy...
pero ng pinaligaya mo sila ng sukdulan, kala ko aagawin ka na nila sa akin mas lalo na si daddy...
Oh Jen! Jen-Jen! Haaaay kinikilig mo ako! Sa mga litrato mo, aking tinititigan...paborito ko ng hinalikan kita sa ilong mo... wala lang... haaaaay ligaya!
Kapag di ako makatulog sa gabi, alam mo na at ika'y tatabi sa akin...
Hinahaplos ang iyong balahibo...gising sa umaga kaw pa rin ang katabi...
JEN! JEN! Ngayong ika'y nawawala sa akin...bakit?
Balita ko tumakas ka sa bakuran ng bahay...di naman ako nagkasala...
JEN!!! wag mo akong iwanan...aso kong mabalahibo...aso...my dog...


No comments: