SUMMER: isang analysis galing sa bituka ni Hudas
Under the sun with the baby blue sky it's backdops, palm trees everywhere, the nice cold breeze, nakahiga sa sands syempre mainit, naka-shades may necklace pa, mga bata naglalaro, mga babaeng nakabikini, henna tatooes are hot accessories, picture dyan at posing doon, wlang mga buildings kundi mga cottages, ksma ang mga kaibigan, hinihintay maluto ang bbq, may tumutugtog ng gitara, na sa tabi ko ang favorite ko'ng inumin, tapos swimming sa napaka preskong tubig...
ultimate bliss ka nga... nirvana... state of happiness
haaaaaay nako, ang saya ng summer ko!!! Syempre na sa beach!! Kung natuloy nga lang... :(
Inaasam-asam ko na masaya ang bakasyon ngayong summer... carefree, ultimate chelax summer 2005. Hindi ko nga 'lam kung bakit pumasok sa utak ko 'to. Parang pinaasa lang pala ako ng sarili ko. Masyado... ang pinaka malayo ko yata napuntahan sa buong taon ay sa Manila City(Baseco, Luneta Park, ALIW theatre, CCP, Baywalk), sa baywalk hindi pa nga 'ko bumaba sa kotse at biruin mo ito'y isang project at school trip hindi pa nga field trip! Medyo hindi nga ako excited sa summer dahil wlang gagawin sa bahay kaya cguro nagimahinasyon lang ang aking isipan na magplano ng perfect summer scenario na hindi matutuloy pla. Kapag i-compare ko masaya tlga ang 2nd year ko... (pinaka memorable yung kabihasnan at sa Ermita at marami pa...) kaysa sa summer 2005 pero may isang bagay na dis year ko lang naramdam halos ito ang nagpaikot ng summer ko, ayaw matanggal... at naranasan ko 'toh ang magahit... yup. Actually joke lang yun... haha bsta secret... [virgin pa ako haha yuck!!!!!] - isang korny ulit na hirit...
Ang summer para sa 'kin ay isang malaking 2-3 month empty schedule board at ikaw ang gagawa ng paraan para mapuno ang schedule board. Para kang Club manager para masaya sa Club or bar mo dapat gagawa ka ng gimik o kahit ano para mapuno ang club/bar! Yun ang trabaho natin lahat sa summer. Gumawa ng paraan para may gawin ka sa binigay na libreng oras! Hindi ko nagawa ng mabuti ang pag fill ng empty slots sa schedule board ko. I failed dis summer para gawing masaya at makatuturan ang summer. Marami nman akong plano tulad ng magenroll sa SUMMER advance program, or sumama sa Camp nla Quico(sobrang nakakasisi!!!!), pumunta sa isang party, or magparctice ng basketball('sus napasali lang sa isang liga), Gym training, at ang dami dami pa na pinangako ko sa sarili. Sobrang swerte ang mga ibang kaibagan at mga kilala ko dahil kahit ganoon lang ang ginawa sa buong summer(aral, galle, girl hunting, dating, beach, review, pumasa sa college exam) may ginawa pa rin cla... nakakainggit nga, habang ako ay isang SUMMER BUM NA LASALISTA na NAKATIRA SA ISANG ESKINITA (korny).Ang problema nga lang ay...
WALANG BREAD, wlang datong, wlang pera, wlang money!
Nakakahiya nga minsan may pera ako kapag lumalabas kasama mga kaibigan... parang ayaw ko gumastos... minsan tinitiis ko lang maglakad papuntang bahay... nyeh ang drama ng hitad! Actually kapag may hawak akong pera nmamahalan ako sa mga bibilhin ko... mas lalo na ang cine (grabeh sa shangrila hindi ko akalain ganoon ka mahal ang cine)
Ayoko maniwala na ang mundo ay umiikot sa pera pero unti unti kung nakikita at natutuklasan na bka nga! Hindi naman importante ang pera sa summer (yeah right, look who's talking) basta yung summer experience ang important...
The brightside nman ng summer ay hindi lang sa pagkakaroon ng magpakasaya-ka-hanggang-mamatay-ka scenario kundi gumawa ka ng isang napaka signifacant, karapat dapat na gastusin ang oras at pera sa isang bagay or activity na makakabuti sa buong summer! At isa pang brightside, dyan naman ang mga kaibigan at mga minamahal.... kaya what's da matter with me? Shy? [isang commercial anti-TB by Racela, PBA player] hahaha!
Marami akong natutunan ngyong summer at ksama ang mga brighside at kung anu ano ang sinulat ko....
Pangarap kung jackpot... kumikitang kabuhayan dapat pala nagtayo ako ng HALO-HALO stand sa amin!!!!
daan ko na lang sa mga panaginip ang summer.... bliss
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment