Friday, May 06, 2005

Ganito pala kapag first time... naninibago ako! :P

May nagsabi sa akin na: "Once you pop, you can't stop..." parang pringles naman 'toh!

You know what i mean... kapag nagawa mo na wla'ng urungan... nevermind the consequence, nevermind your critics, kahit masakit ksi pwede ka masugat or magkaroon ng accident... hindi mo alam kung ano ang kakalabasan kapag nagawa mo na... pagsisi or kasayahan? hindi mo tlga alam...

Sa una ako'y natakot... may experience ako dati at nasaktan ako... ayoko maglakad sa patalim

Hindi ko na matiis... alam mo yung feeling na may tumutubo na puot... or labis na pagnanais dahil ang tagal mo na ito napagispan... halos ginawa na toh ng mga kakilala mo na mga lalake... classmate man yan, kaibigan or mga tito mo bsta lalake.... kailangan ko na itong gawin

Kinuha ko na ang bagay na yun na tutulong sa akin pero mabilis ko ito tinago at nagmadali pumunta sa banyo...

Pinapawisan at kabado yung mga oras na yun... at hinarap ko na ang salamin sa banyo

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at sinabi sa aking sarili: "ang macho mo tlaga... pero mas magiging macho ka kapag ginawa mo toh..." napangiti pa ako sa naisip ko haha yet seryoso ako sa gagawin ko

"Walang urungan... eto na!!!" at sinumulan ko na...

Nilapit ko na ang bagay sa aking... bibig

Sa una hindi pala masakit tapos binasa ko pa at tuloy tuloy na... dahan dahan lang ang stroke ko from up tapos down may ginawa pa akong sideways at pabaliktad unconventional shet!! dapat may libro toh para paano gagawin!! ayoko mag experiment!

Nagsimula ako sa kanan... dahan dahan ko ginabay ang bagay na yun... tinapos ko sa kaliwa...

"ANO BA YAN... MUKHA AKONG BAKLA hindi namn ako mas naging macho... pero hmm i like it... mukhang malinis... bago tung nararamdam ko... para akong bumata!" - ang unang reaction ko

Hindi man ako napagod... pero pinawisan ako... kaya pagkatapos naligo na ako...

Pinakita ko sa aking kapatid at ang sabi nya... "mas okay namn yan"


Nagumpisa na ako mag ahit... ksi ang sama... okay naman ksi malinis pero kailangan palagi mo tong gagawin...

kapag inumpisahan mo na toh mas lalong hahaba pero kaya nga may bagay na tawag na pang ahit... gillete ba yun... gusto ko sana ng shaving cream pero tubig na lang... ngyn ko la nararamdaman ang sakit at hapdi... yeah manhood! Sad but true :(


1 comment:

phattymah said...

ano ba yan akala mo kung ano eh noh! nakakaulol tong article mo na toh hahahha! yehess congrats mehn at nakayanan mo yang malaking pagsubok na yan hahaa! pero alam mo dati nung nagsshave ng bigote tatay ko grabe amazed na amazed kaya ako para kasing mei snow sa bibig nia dahil sa shaving cream nyahahahah