Nakita ko si ki sa gateway mall nung friday! Sa una parang sabi ko sa aking sarili parang kakilala ko 'toh! at yun kinalabit nya ako nagulat ako tapos napangiti... na-speechless. Hindi ko sya nakalimutan, malabo ksi ang aking paningin sa oras na yun wala ksi glasses ko. Grabe sorry tlga ki kung mapadaan ka man dito.. sorry. Hindi ko sya makakalimutan hehe isa sa mga tao(at marami cla nagpakulay tulad ni: mga classmate ko, mga kaibigan, kapamilya, si Piolo, si Marc Abaya, at marami pang iba) na nagpakulay sa Highschool life.
Natatakot makalimutan...
Sa highschool, malakas ang peer pressure. Hindi natin alam kung ano ba tlga ang "COOL" or "ASTIG". Marami ang gusto maging sikat or popular sa highschool at ginawagawa nila toh sa iba't-ibang paraan para lang maging "COOL" o "ASTIG" kahit na masama o pawang pagpapasikat lang. Sa isip ng lahat ang pagiging cool ay pagiging sikat, malakas ang dating sa mundo pero actually ang COOL ay kung ano ang mga na-achieve mo na makakabuti sa iyong buhay ksam ang pagaaral at mga magagandang katangian na maraming tao gusto kang hangaan kasama din ang pagiging totoo sa sarili, follow you dreams at hindi napapadown sa mga criticism na binibigay sa iyo, kung nagawa mo toh repeto ang makukuha mo! Naisip ko rin na maging ganun... cool, astig, sikat
syempre paminsan-minsan, aminin natin sa buhay highschool ganyan tlga :( gagawin lang ang lahat para makapasok sa isang invisible na club na kapag nabangit ang pangalan mo may halong respeto.
Pero naisip-isip ko kaya ginagawa natin toh (aking opinion lang) hindi sa respeto o ang pagiging cool... ginagawa natin toh para hindi MAKALIMUTAN... yup, para sa 'kin yan ang sagot. Kaya tayo nagpapauso. kaya tayo nagpapatawa, kaya tayo ganyan dahil ayaw natin makalimutan. Gusto natin ng legacy... mas mataas pa ito sa respeto. cool, popularity...isipin mo bkt mo yata ginagawa yan. Ksama ang pagexcel sa academics at pagiging matiyaga at masipag. Sabi nga dalawang uri lang ng students ang matatandaan ng mga teacher sa highscool, ang mga sobrang talino(yung mga matiyaga at masipag) at ang sobrang magulo(problema sa mga teacher palaging pinaguusapan sa faculty).... Ayaw tlga makalimutan...
Ayoko makalimutan. Sino ba ang gustong makalimutan? Alam mo yung feeling na bigla kang kinalimutan? Para sa 'kin katumbas ng makalimutan ang loneliness, at sadness. Nalulungkot ako kung may mga masasaya kayong alaala tapos biglaan kinalimutan. Kung nalaman mo na kinalimutan ka nya... kakalimutan mo ba sya? kung may memory card lang tayo tulad ng mga video games... pwede i-save, i-load, o ang masama i-delete.
Minsan meron exemption at kung may ginawa ka na masama at nahuli ka sa akto or may masama kang alaala sa isang tao at gusto mo syang kalimutan. masama ako kinalimutan ko na ang nagbigay ng aking surname... as in wla sya sa buhay ko,hindi ko alam..cguro dahil halos wala akong naramdaman na pagmamahal o kahit ano... sino ba sya... ayoko maging katulad nya... kapag pinapagalitan ako ng mom ko para nyang naalala ang nagbigay ng surname ko... Holy[feces] nakakainis... ayoko ko syang tandaan... minsan gusto ko burahin ang mukha ko. Musta na sya? wahahaha malay ko... isang beses nagtaka yung mga classmate ko bakit ang drawing ko ay ang aking mom eh dapat tatay... ang simppleng sagot ko: hiwalay sila. Hindi na ganun kataka taka tulad ng dati kung isa lang ang magulang o hiwalay dahil nagiiba na ang ating society. echebureche... bsta isa toh sa exemption para sa 'kin na kalimutan ang isang tao... at sya yung nagbigay ng surname ko.... hehe brainwash yata ako ng mom ko kaya ganun.
Ayoko tlga makalimutan... :( halos maiyak ako kapag naiisip ko kapag kinalumtan yata ako or kinalimuat ko ang isang kaibigan, classmate, kapamilya, kapuso, kabarkada o kakilala. [feces] ano ba yan... ksi kapag naalala ko yung mga kaibigan ko dati na parang limutan na... doon ako nagkamali... ayoko maulit yun.... ksi para bangungot.
kaya kung sino man makabasa nito.... please wag kayong makalimot dahil hindi ko kyo kakalimutan... sa mga matatagal ko ng kaibagan at mga bagong kaibigan wla sanang limutan...
wla sanang limutan...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hahahaa... ayos lang... pansin ko nga, wala kang glasses nun.. haha=p una, tinawag kita.. tapos, di ka tumingin.. [actually, nakatingin ka pero parang malabo tingin mo sakin.. hahaha..] tapos nung kinalabit kita, sa wakas, nakita mo rin ako.. hahaa...=p ok lang yun=) wag ka magalala.. di rin kita mkakalimutan.. hahaha..
Post a Comment