Sunday, May 08, 2005

Guide to The Ultimate Whacking Mall Gettaway Experience *some guidelines were deleted because they contain bad things that are not wholesome*

Guide to The Ultimate Whacking Mall Gettaway Experience

*some guidelines and suggestions were removed because they contain bad things that are not wholesome*


introduction
Yes, it's true! There is a guide for the ultimate mall experience! This guide suggests things to try experience a Whacking time in mall... any mall you are comfortable to go you can follow this guide! Ayaw ng guide na toh na kayo ay naglalakad sa loob ng mall na wla kayong patutunguhan as in ikot lang kayo ng ikot... this guide doesn't care if you don't have any money... because you can still experience a Whacking time without any money if you follow this guide!(eh ksi namn gusto mo lang magpalamig kaya ka na sa isang mall!)... but still this guide suggests to make ipon-ipon your money... AT para mas Whacking experience dalhin ang mga kaibigan!! hahaha anyway let's start this guide...

Shopping
Kung kayo yung tipo na gusto mag shopping as in a total freakaholic shopper ka kahit wla kang pera to spend yung titingin tingin ka lang haha tamang tama itong guide! wahahaha kung may bread (70's linggo it means: money!) naman kayo...spend it! pero kung kapos or nagtititpid ka hahaha basta follow nyo na lang itong guide and it's suggestions!

  • Kapag mag shopping kayo sa isang mall... syempre dapat malufet ang dating nyo! Magdala ng boombox sa mall at malakas ang magpatugtog ng mga kanta na nakaka hyper mag shopping katulad ng: "I'm a material girl" by Madonna (ksi yun material girl!) "Wake me up before you GO-GO" by WHAM or novelty songs like: "Mag exercise tayo tuwing umaga"..."In or out!" by Sandara.... kung kayo naman ay in-love eto: "Can this be love?" by Sarah Geronimo "Kapag tumibok ang puso", at all time fave (wahahahha) ang "KAMAO" sung by kevin roy!! oh dba! whahaha suggestion lang toh! pero kahit ano pwede except mga ibang pang rap ok lang yung RnB except lang tlga yung Gangsta rapping na ang ang laman ay pagnanakaw! (duh! shoplifting) at mga BLING-BLING! (hahaha makislap masyado) hahaha pagkamalan kayong DA CREW... anyway let's continue...at yun dba naglalakad na kyo store to store ng mga kaibigan mo dapat side by side kayo ala Mean Girls kung male kayo uhm killer smile lang ok na!! Dapat malakas ang boom box!!! hahaha tingnan natin kung hindi kayo sitahin ng security guards! kapag sinita kayo... apologize at TAKBO agad!! pumunta sa kabilang end ng mall!!!

  • Kung wla nman kayong pera ganito ang gawin nyo (kung gusto nyo kahit may pera kayo try nyo lang tlga to!) Punta kayo sa isang mahal na store na pang damit as in mga levis, malboro, lacoste,calvin klein,mango,pipol are pipol, bench, human, cinderella, moosegear, oshkoshbikosh, nike, adidas... basta kung anong tipo nyo na brand name!! I-try nyo sukatin yung mga damit as in lahat kahit hindi bagay kung may shades mas okay!!! haha kapag suot nyo na yung mga damit magpapicture ka sa isang kaibigan mo... dapat pala may dala kayong digicam for those kodak moments... magmodel ka sa harap ng camera yung may posing pa kung nanonood kayo ng mga makeover show gayahin nyo syempre sabay picture naman si kaibigan... magpalit agad at kuha ng bagong mga damit.. kung gusto mo mix and match hahha makisabay na rin ang mga ibang kaibigan mo... parang kayo nasa rampa mga feeling model habang yung mga saleslady picturan kayo... gawin ito ng paulit-ulit hanggang mapika na yung mga saleslady sa inyo at tinanong kayo: "bibilhin nyo ba?" tingnan nyo sya sa mata at sabihin: "sino ba nagsabi na bibili kami..." wahahahaha tapos alis na kayo syempre hindi suot yung mga damit na nirampa nyo!!

  • sa mga may pera... shop till you drop kayo especially kpag may sale.... wahaha ubusin ang perang naipon sa mga material things! i mean literal na ubusin! kapag bumili ka ng isang bag gawin mo na lang 5! ang saya noh? butasin ang bulsa...

  • kung may nakita kayong celebrity tapos may sinukat na damit tapos hindi nya binili... kunin nyo yng damit at isukat mo...wow

  • sa mga sapatos naman especially mga sneakers, rubber shoes... magsukat kayo tapos mag racing kayo sa loob ng store... papa laspagin muna

EATING

wham... eating sa resto or sa food court...ok lang!

  • kapag kumakain kayo sa isang fastfood joint like mcdo at jollibee...dba may mga mascot dun kulitin ang security guard yung food crew or yung manager magtanong kayo ng kahit anong question tungkol sa love life, politics, economy, religion, what's the latest, at ang pinakamalufet tanungin mo kung: ano ang gender ni jollibee? ano ba tlga si grimace? bakit walang mascot na Chowking? Masaya ba maging mascot? Bakit yung isang mascot sa jollibee buhok nya ay french fries? Anong gamit na shampoo ni Ronald Mcdonald? Magkamag anak ba si Ronald Mcdonald at si old Mcdonald who has farm iya-iya-yo? Magkakatuluyan ba si paolo bediones at si ethel booba? Can this be love i'm feeling right now? kakilala mo ba ako kasi ako kakilala kita?(yung name na nakapin sa kanilang damit) hahaha sa mister donut: "saan si mister donut" at kapag may mga sagot sya... sabihin nyo na lang: "tama kayo idol" at kumain ka na ksi nilalamig na ang inorder nyo

  • Kapag mga ala starbucks ang tipo nyo... dba sa mga coffee shop kapag magoorder ka lalagyan nila ng pangalan yung cup or resibo para kapag yan na yung drink mo tatawagin ka nila..haha try nyo ibigay nyong pangalan ay iba as in hindi nyo pangalan suggest kong mga names na pwede: jestoni, gardo, zoltan, ronian. rainer, bradd, constantine (dapat ksing gwapo ka nya... hahaha joke), keanue, borris, bladimir, mercedez, benz, esperanza, claudine, wang lu, sprakatats, rowell cambio, gloria, ronald, kinikiligakosaiyo, wahhahhaaha magugulat na lang cla sa name mo

  • bumili ng maraming candy sa candy store...

  • pagkatapos kumain mag pa picture kasama ang mga mascot katulad ni jollibee na nakawave or si mcdo na nakaupo sa bench naghihintay ng kausap pero wlang lumalapit dahil ang laki ng paa nya... hehehe swerte nyo kung may birthday celebration kung wala sa mga statue... ang daming nakakalat dyan yung mascot ng dairy queen, si captain shakeys at si Chicken ng KFC bsta picture!

  • Samantalahin ang waiter service ksi binabayaran mo rin yun hahha kapag magbibigay ng tip mag bigay ka ng mga candy na binili mo kanina

  • Kung kulang ang pera mo sa pagkain, dto mo malalaman ang mga tunay mo na kaibigan hahaha or naawa lang cla sa iyo.. hingi-hingi ka ng donation sa mga kaibigan mo hahaha kung may pera ka nman ikaw ay isang sakim

  • Ultimate foodtrip gawin nyo!! as in lahat try nyo!! mas okay kapag exotic at daring!! kung sawa man yan o fried butiki kain lang ng kain!! WARNING: mag ingat sa kinakain alam mo na simpleng spaghetti nakaka food poison kaya mag ingat!!

  • Share kayo ng food... yung tipong patikim naman!!!

  • At ang ultimate tipid food trip!!! pumunta sa grocery section ng mall at dun kumain ng mga free taste!!! wahaha swerte mo kapag mga sandwich, hotdog, juice ... pero malas kapag mga vegetable juice(yuck! sobra! na try ko na!) or walang free taste.. tsk,tsk

THEATRE or CINE

hahah madilim hahah liwanag... laki mukha sa screen... para hindi ma badtrip eto ang guide... wag kayong sumigaw ng sunog kapag wla namang sunog!! seryoso!!

  • try watching horror hahaha tapos tumawa lang habang pinapanood or mag gulat gulatan... gulatin nyo isang kaibigan nyo... kapag may scene na nakakatakot or sobrang nagulat ka OA yan mo halos napatakbo ka na papuntang exit

  • nyahahha kapag napanood mo na yung movie ang pinaka masamang gagawin mo ay istorya sa katabi mo yung lahat ng nagyari yung suprise ending ta kahit ano-ano... hahaha

  • or paglabas mo ng cine pagusapan nyo yung ending tlagang storyahan eh may mga nakapila syempre narinig nila na tatay ni ganito si ganyan or namatay pala sya sa ending... hahaha

  • ibahin yung sinasabi ng mga character sa movie... mag ad lib ka...

  • ang ultimate cine experience!!! manood ng pinaka ayaw nyo na genre or movie na showing!! mapa chick flick.. drama... kahit ano tapos pagtawanan nyo.. hahaha

AT sa mga oras na wala kayong magawa sa mall.....

  • ahahaha kapag feeling nyo mga bata pa kayo gawin nyo magtaguan sa isang napakamalaking mall pero wag nyo ipahalata nakakahiya ksi hahaha pakapalan na kung gusto nyo ng whacking experience... kahit saan pwede bawal lang sa cr, parking lot, at sa fire exit...pareho lang ang rules: may taya, magtatago yung iba, tpos yung mga nakita na dapat pumunta sa isang meeting place syempre dapat may reward: ang ilibre yung taya! kaya magtago ka na! pero ang mas malufet kung napagplano nyo magkakaibigan na wag hanapin yung isang nagtatago..wahhaha hanggang magclose yung mall...

  • kapag nasa information desk kayo... tanungin nyo: "pwede ba magtanong?" tapos kapag sumgaot yung tao in charge sa info desk ng "oo"... sabihin "thank you" tapos alis ka na...

  • haha maglaro ng arcades pagtulungan ang isang game!! wahaha earn tix!!!

  • Mag videoke challenge!!! sa Dreamscape meron!! whahaha basta kung saan masaya na sing your hearts out!!! tapos ang mga kanta yung mga pang jeep wahaaha yung mga novelty na hindi mo matanggal sa isip!! wahahahah

******************

Dyan nagtatapos ang guide.... whahahahaha cge kung na-try nyo toh... sobrang bilib na bilib ako sa inyo!!! wahahah actually mga iba tried and tested hahahha seryoso!!!

No comments: