Monday, May 16, 2005

Ligaya sa Dilim (kaya mo ang bato?)

LIGAYA SA DILIM (KAYA MO ANG BATO?)


Noong ako'y first year, ang isa sa pinaka ayaw ko na subject ay computer. Bakit? Kasi ba man eto yung nagbigay ng line of 7 ko sa 1st year kaya hindi ako nakapasok sa third honors... sobrang devastated ako! Hahaha actually mahina tlga ako sa computer noon maski sa elementary. Hindi ko lam kung bakit nagkaganoon eh susundan mo lang yung instructions sa mga hand-outs! Pero bigla nagiba ang ihip ng hangin nung 2nd year.... wahahaha

1st day ng 2nd year computer subject... may bagong computer teacher actually pang second year nya na bago sa aming batch... si Ms.Victoria... hmmm sobrang bait at para sa 'kin maganda... haha infatuation... wahahah ksi nman sabi sa mga storya ng mga dating batch kapag na sa highschool ka patanda ng patanda ang mga teacher natatak na yun sa aking isipan pero noong 2nd year iba!!! Masbata ang mga teacher!!! waahahah anyway yun nga si Ms.Victoria... matangkad, sexy, medyo playful according sa mga ibang students... hay nako sabi nga sa romeo and juliet: "young men's love lay not truly in their hearts, but in their eyes..." HAHAHA nakakabaliw...

Si Ms.Victoria nga ang aming teacher... tuwing computer classes kapag nakikita ko lang sya ginaganahan ako sa aming lessons sa computer as in sobra!! Mas masaya nga ang computer class namin compare sa 1st year para sa akin ksi tumaas yung scores ko sa mga activities at sa mga quiz!! Hindi ako makapaniwla kung san ako mahina dati ngyn sobra sa improvement... cguro dahil kay Ms.Victoria... weh!!! hahaha actually yan ang aking belief... at ang malufet dyan yung 1st quarter exam namin na perfect ko!!!! sobrang saya!!! Perfect!!! CHAMBA? malay ko bsta perfect!! dahil cguro kay Ms.Victoria... wehehehhehe?!

Pero sabi nga: "matatapos din ang ligaya sa dilim".... at biglang nag announce si Ms.Victoria na magpapakasal sya kay Boy Chico!!! hehehe hindi na sya ang maghahandle sa aming class... at natapos nga ang ligaya...

bsta si Ms.Victoria... nyahahhaa ano ba yan... yun pumalit si Ms.Nympha!!! Para syang Diyosa... haha joke! mataba sya... at may anak na... tlgang tapos ang ligaya! Balik sa lungkot ang computer class... ok nman yung grades ko pero bumaba... sayang...!!!

#####################
ang buhay nga nman sa lsgh... may ligaya at lungkot, may talo at panalo, may chinito at indian, may mestizo at moreno, talino at bobo, may tiyaga at tamad, tama at mali, pera at bayong, guy at si pip, anak ni mayor at anak ni kagawad... may model at model employee pero eto lang ang nakaka aliw bilang isang tga lsgh... haha kpag ikaw ay isang dalagita naka uniform or civillian na biglang napadpad sa aming campus... magingat ksi parang culture shock ang mga students sa lsgh.. parang ngyn lang nakakita ng babae sa buong buhay nila, palagi ka tititigan ng mga lalake mapapa headturn cla para tingnan ang isang alien sa campus... ang maskit dyan malakas ang pride ng mga lsgh hehe pagkatapos ka nila ma-shock at i-analyze 'kaw kung ano lang ang kanilang nakita... magco2ment sila tulad ng: "may masmaganda pa dyan!" o kung swerte ang babae.. "wow... uy anong skul yun?" hay nako... totoo ito lahat pawang katotohanan...

No comments: