Nagbabalik...
I'm back!!! Ang tagal ko ng di nakapagsulat!!
Go Tiburcio! Go! Ang Pakikipagsapalaran ng Kamao
"Kaya pa ba?" tanong ni Lester habang minamasahe si Tiburcio.
Hindi makasagot si Tiburcio. Hindi niya halos naintindihan ang tanong. Pudpod ng pasa at sugat ang mukha niya. Nagdudugo pa ang labi, dahil sa malakas na hook ng kalaban, kaya masakit magsalita.
Bakit ba nagkakaganito?
Bakit ayaw gumana ang mga suntok?
Bakit ayaw pumalag?
Bakit?
Bumabagabag sa isipan ni Tiburcio ang mga tanong na pilit hinahanap ang mga sagot. Mga dahilan ng nakalipas bumabagabag, nagkulang sa insayo; nasobrahan sa bisyo; nawalan na ng pera; nawalan ng pocus. Hindi lang alam ni Tiburcio kung paano mamulat sa katotohanan at makuha ang mga dahilan sa kanyang sitwasyon kahit ang resulta ng nakaraan ay ang kinahaharap niya. Isang malaking balagid ang kinahaharap niya para muling matikman ang tamis ng nakaraan
"Kaya pa ba?!" muling sumigaw sa utak ni Tiburcio ang pagtanong ni Lester habang pinapahiran ng gamot ang mukha ni Tiburcio.
Huminga ng malalim si Tiburcio. Tumingin ng diretso sa kaniyang kalaban. Nakangisi ang kalaban, para bang nangaasar sabay lumakas ang tibok ng puso ni Tiburcio. Hinigpitan ang kamao at inayos ang upo.
"Ano Tiburcio?!"
Bahala na! Hindi mapigilan ang muling paglakas ng pagliyab ng namamatay na apoy sa puso ni Tiburcio. Minsan siya'y naging kampeon ng nakakarami, ng masa, ng bayan. Minsan. Kaya pa ba ibalik ang natamong kasikatan, kayamanan at kabayanihan?
"Ano ba!?" sigaw ni Lester, hawak na ang twalya para tapusin ang laban dahil di pa sumasagot ang bata niya. Ayaw naman ni Lester mapuruhan ng todo si Tiburcio.
Biglang tumayo si Tiburcio. Pinagsusuntok ang ulo at sumigaw. Nagulat si Lester pero napangiti sa nakitang alab ng alaga.
"Kaya pa!" ang sigaw ni Tiburcio.
TIIIIING!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment