Tuesday, August 29, 2006

Hiwaga at Pangako

Hiwaga at Pangako

Huwag kang matakot. Andito lang ako para ikaw ay gabayan sa kadiliman na pumupukaw sa iyo. Akina ang iyong kamay at kumapit ng mahigpit. Huwag kang bibitaw aking mahal malalampasan natin ang paghihinakit sa walang karunungan.

Huwag kang matakot. Kasabay mo ako sa agos na ito. Matututo tayo sa hampas ng panahon. Di tayo malulunod sa iyak at sigaw ng nabigo. Aahon tayo.

Huwag kang matakot. Wala ng sasaya pa sa ilaw na iyong inaangkin. Wala ng tatalo sa iyong pagmamahal na sana ay walang katapusan. Sana ay nadadama mo ang kasayahan at pagnanais na makasama ka hanggang katapusan ng mundo.

Huwag kang matakot dahil walang katapusan ang buhay natin.

No comments: