Wednesday, August 30, 2006

Emperador Poblador

Ang daming bawal sa mundo, sinasakal nila tayo...

SEX

Ang sex hinihintay hintay na mga kalalakihan noong sila'y namulat sa hubad na katotohanan.

Nakaupo lang ako sa jeep. Nakakahilo ang biyahe. Ang bilis ng pasada ng jeep. Mga tuyo na samapguita nakasabait, sumasayaw sa bilis ng jeep. Pinagpapawisan na ako. Tumingin ako sa mga pasahero. Mga nagtatrabaho sa opisina, mga kasambahay na inutusan bumili sa Farmer's, at kung sino-sino pa ang aking nakita, mga ordinaryong tao pero ang nakaagaw pansin sa akin ang isang pamilya. Kandong kandong ng ina ang kanyang anak habang ang tatay nilalaro ang anak. Tinitigan ko ang anak, magkahawig kami dahil malaki ang ulo niya kasi tanda ko noon walang magkasyang t-shirt sa akin dahil di makapasok ang ulo ko. Ikinupira ko ang itsura ng anak sa kanyang magulang. Mukhang di sila magkakahawig. Genetics at hereditary ang pumasok sa ulo ko. Napangiti ako, at napaisip sa buhay.

Pamilya. Buhay. Babae. Lalake. Relihiyon. Jeep. Love. Sex. Lust. Siya. Ikaw.

DRUGS

Sumasakit ang ulo ko pagkatapos namin mag ikot sa Lipa. Humingi ako ng biogesic sa office ng mga GK fulltimers. Kumikirot ang ulo, para bang mahuhulog ang aking kaliwang mata sa sakit. Gagana pa ng gamot after 15 minutes ang bulong ko sa sarili. Hinimas ko isang parte ng kamay ko malapit thumb. Sakit ang naramdaman ngunit sabay nawawala ang mga batok sa aking ulo. Hilot at drugs. Happy Sauna at Shabu. Special service at wata. Drugs.

Distorted images of colors and shapes...

#####################################
Bawal....

No comments: