Tuesday, May 30, 2006

Mahiwagang Bigote: Mababaw na Pananaw sa Buhok

Bigote. Isang tanda ng pagiging binata o matanda. Buhok lang nman siya na tumutubo sa area ng bibig; sa mga iba shinishave o pinapatubo, dadag machismo cguro. Hindi lang sa mga lalake ang meron nito, pati ang mga ibang babae ay meron. May napanood nga ako na kapag gusto mo malaman ang itsura ng iyong girlfriend o asawa kapag tumanda siya, tingnan mo ang kanyang ina, kapag ang gf o asawa ay may bigote tingnan mo ang kanyang ama.

Last summer, inahit ko ang aking "bigote" dahil nagmumukha akong matanda kasi sumasali ako sa liga noon eh kinuquestion yng edad ko kaya ko inahit at mas clean look, pogi points cguro hahaha! Pero ngayon, kabakliktaran ang ginagawa ko, pinapatubo ko ulit ang pagdagdag machismo na bigote!

Nagsimula ito noong last month, naguusap kami ni Quico. Pinaguusapan namin paano makanood ng The Da Vinci Code kasi Rated 18 (Nakakaasar itong ratings ng mtrcb! Eh kung sa National Bookstore nga ok lang bumili at magbasa ng The Da Vinci Code, take note mas detailed at "blasphemy" at "heretic" ang libro kaysa movie!), isang plano namin ay magpatubo ng bigote para makapasok! Biro-biro lang pero sineryoso ko kaya after ng review ko sa Expert, hindi na ako nagahit.

This month lang, may feeling ako noon na manonood family ko kaya handang handa na ang one-week-di-pa-inahit bigote ko at totoo nga ang feeling ko! Pumunta na kami sa Gateway, bumibili na ang mom at tita ko ng ticket ng nalaman nila 7pm pa yng showing tapos nabuking ako ng tinuro ako ng mom ko at sinabi niya argh!!!!! Sayang ang pinapatubo kong bigote....sayang.

At ngyn, ako'y may bigoteng ewan, nangangarap na makanood ng sine gamit ito...Mga buhok na matulis at panget ang tubo, mga buhok...buhok...buhok... Haaaay.... Bigiote.

No comments: