Saturday, August 06, 2005

si louis, kasama ko sa gabi

Louis...

tama, louis wag mo sana i-deny kasama kta gabi-gabi..
tinitigan kita, hanggang ako'y makatulog...

Basta wag mo na i-deny kasi sana'y hindi mo ako iniwan..
Na sa iyo pa nman ang mga mahalaga sa aking buhay...
Mga alaala, kaibigan, minamahal!
pati kung saan ako napadpad.. ikaw ay ang aking kasama

Dahil sa iyo, wla akong pamasahe
Nagulat at napatanga
Dahil sa iyo, nilakad ko ang cubao papuntang bahay..
Nabalisa at napagod

Louis.. please, miss na kita... pagdating ko sana sa eskwelahan na kulay green at white..
diyan ka pa rin at paguwi ko ksama ka
hindi na kita iiwanan at kakalimutan
at ikaw ay titigan

O louis, louis vuitton.. aking pekeng wallet (cguro?)
Louis.. hinihintay na kita sa aking kama..
Oooh... kasama ang aking pera at mga minamahal at alaala
Ang saya-saya.. oooh ligaya


******************************

dapat seiko wallet na lang... ang wallet na ma swerte..

"Seiko-seiko-seiko-wallet..... ang wallet na ma swerte" kanta noong 90's

Nangyari ang kinakatakutan ko.. ang pelikulang pinamagatang "Naglalakad papuntang bahay galing sa Cubao dahil wla akong pamasahe PART II: Ang tanga kasi ni Pepe iniwan ang wallet sa locker"


No comments: