Pagkatapos ko tingnan ang result sa mga exams this past week... maganda naman ang result... binaksak ko lang naman ang Chemistry... :( What a life... sana maka line of 8 man ako...
Sa sobrang saya ni Mr.Laurio pinasulat tuloy kami ng istorya... tungkol sa aking bakasyon tapos nalaman ko na wala hindi ko pala bag ang dala ko... bladibiblab... yun yung topic... fiction lang ito... wlang katotohanan...! creative ek-ek!
Medyo mushy ito... nakakainis! yun ang mabenta sa skul.. kaya yun! hehehe para bang nagsulat ako ng istorya sa pocketbook na mikikita sa national bookstore sa romance section na binabasa ng mga kasambahay...
"Maselang baghari a.k.a. tilamsik ng pagkalito"
Alam ko aapaw na ang luha sa kaniyang mga mata pero pinilit niya hindi umiyak. Hindi ko siya matingnan ng diretso pagkatapos lumabas sa aking labi ang mga katagang akala ko hindi ko maisasabi sa minamahal ko, "paalam..tapos na tayo "
Hindi ko na mapigilan, masakit, ayoko na tumingin dahil tumulo na ang kaniyang luha. Magpapaliwanag na sana ako nang bigla niya ako pinigilan. Hahawakan ko sana ang kaniyang kamay pero nilayo niya ito agad. "Ok lang ako.." ang kaniyang sagot. Sinungaling. Kinuha niya agad ang kaniyang shoulder bag na pinabitbit niya sa akin habang kami'y naglalakad papunta sa bus terminal. Sa isang saglip wala na siya.
Malungkot ako pumasok sa bus. Nilagay ko na ang aking dalawang bag sa kompartment at umupo. Mga tanong hindi ko masagot umaalirong sa isip ko. Bakit ba kailangan humantong sa ganito ang lahat? Tama ba ang ginawa ko? Pinikit ko na lang ang aking mga mata bilang mga sagot sa mga tanong. Kahit nakapikit naramdaman ko umandar na ang bus. Dinaan ko na lang sa tulog ang biyahe.
Namatay ang kabayo ko, nagkataong bakasyon kaya kailangan umuwi sa probinsya ng kung saan siya. Kapag kami'y umuuwi sa probinsya tuwing bakasyon, sinasakyan ko ang aking kabayo na si Waldo sa lumang bahay handang salubungin kami. Sinasakyan namin siya kaming magkakapatid noong bata pa kami ng kapag hindi kami makatulog. Kaya laking lungkot namin na nabalitaan namin patay na si Waldo handa pa na man kami magbakasyon at makita muli siya. Una na lumuwas ang aking ina at mga nakakatandang kapatid patungo sa probinsya habang ako ay huling lumuwas dahil..
Pagkatapos ng mahabang biyahe, sumasakit pa rin ang aking puso dahil sa nabigo kong pag-ibig at sa pagkamatay ni Waldo. Kinuha ko na ang aking mga gamit at bumaba sa bus. Sinundo ako ng panganay kong kapatid sa aming tatlo, ako ang bunso, si Kuya Elmer, sa estasyon.
Habang na sa kotse, bigla akong tinanong ni Kuya, "Kamusta na kayo ni Denise." Para bang pinana ang aking pusong hindi pa naghihilom ang sugat ng narinig ko ang pangalang Denise.Isa si Kuya Elmer sa nakakaalam tungkol sa aming dalawa.
"Break na kami, kuya", mahirap at mahina ko sinagot.
"Kailan? Kala ko-"
"Kala mo lang kuya.. kahapon, bago ako pumunta dito..ok? please kuya mag drive ka na lang", agad kong sagot kay kuya.
Nakarating na rin ako sa bahay namin sa probinsya. Ganoon pa rin, walang nagbabago pero ramdam ko ang lungkot sa buong bahay. Si Inay natutulog.
Pagod na pagod, diretso ako sa kuwarto ko sa bahay. Nilapag ang dalawa kong bag sa kama. Yung malaki kong bag ay para sa mga damit at yung pangalawa ay isang shoulder bag para sa gamit na panglinis katulad ng sipilyo at sabon.
Binuksan ko muna ang aking shoulder bag para kunin ang sabon pang linis ng aking mukha pero ako'y nagulat dahil hindi ito sa akin! Hinalungkat ko ang shoulder bag, laman nito ay lipstick, make-up kit, cellphone, maliit na salamin, pabango, wallet at isang makapal na notebook. Pangbabae ang laman ng bag na ito. Biglang natandaan ko siya. Diyos ko! Mali ang nakuha niyang shoulder bag!
Naalala ko na itong shoulder bag ay una kong regalo sa kaniya, kay Denise. Sakto naman din ang regalo niya sa akin ay parehong parehong shoulder bag na regalo ko. Kapag kami'y lumalabas napagkasunduan namin na ang mga shoulder bag ang gagamitin namin. Sa bus terminal sa Manila, nagmadali siya umalis at nakuha ang shoulder bag ko imbis sa kaniya!
Nang nalaman ko na sa kaniya ito, hindi ko alam ang gagawin ko. Iniwanan ko muna sa aking kama na nakabukas. Tawagan ko siya! Pero.. dito cellphone niya at walang signal! Hindi ko na alam... napahiga na lang ako sa kama katabi ang bag. Naamoy ko ang pabango niya, at sinilip ang kaniyang wallet. Pagbuklat ko nakita ko ang aming litrato. Nagmamahalan kami sa mga litrato. Naalala ko bigla ang mga masaya naming bakasyon. Biglang bumalik ang mga alaala na pilit ko kinalimutan ngunit masakit sa aking dibdib ang mga ito. Tinabi ko muna yung wallet. Nakakhua pansin ang notebook sa loob ng bag.
"Jornal?" bulong ko sa aking sarili ng nakita ang nakatatak sa kover ng notebook. Ito pala ay isang jornal ni Denise. Hindi ko alam na meron pala siyang jornal na dala-dala sa kaniyang bag.
Pagbukas ko sa jornal, nahulog ang isang nalantang bulaklak na nakasingit sa mga pahina. Pinulot ko ito at binalik sa pahina, nagsilbi yata itong bookmark sa pahina na ito. Tiningnan ko ng mabuti ang bulaklak kasi pamilyar ito. Binasa ko ang pahina kung saan nakasingit ito.
Prom... Tungkol sa prom ang nabasa ko. Nagbalik bigla ang mga alaala.
Matagal ko na kakilala si Denise dahil sa kaibigan ko. Pero napalapit ako sa kaniya noong prom sa High School. Hindi siya ang aking date. Nagpapalamig lang ako sa labas ng Gym ng nakita siya, nagiisa at umiiyak. Nilapitan ko siya, kinausap kung ano ang problema. Iniwanan siya ng date niya, na kala niya lubos siyang minamahal. Nagusap lang kami buong gabi hanggang matapos ang prom. Nang paalis na siya, binigay ko ang bulaklak na naka-pin sa aking suot tanda lang ng pagkakaibigan naming dalawa. Tinanggap niya naman ito at nagpaalam. Doon nagsimula ang aming pagiibigan.
Prom... Nakasulat sa entri ang labis na kasayahan at muling pagtibok ng puso niya ng nakausap niya ako. Mas lalo pa tumindi ang kaniyang pag-ibig ng binigyan ko siya ng bulaklak.
Bigla ako tinawag ni kuya dahil aalis kami papunta sa simbahan. Sinara ko agad ang jornal at mabilis na nagbihis. Bago ako umalis sa kwarto kinuha ko ang jornal.
Nakalipas ang mga araw, nailibing na si Waldo, ang kabayo. Lubos na kalungkutan kahit alam ko na bakasyon ito. Wala akong inatupag kundi basahin ang jornal ni Denise. Napapangiti ako kapag nababasa ko ang mga masasayang alaala na kaniyang sinulat sa jornal. Mga bandang huli na ng jornal, unti-unti ko lumiliwanag ang aking mga pagkukulam bilang nobyo sa kaniya. Nalaman ni Denise na parang bang nawawala ang aming pag-ibig sa isa't-isa. Pero sa mga entri na sinulat ni Denise ang nagtanim ng pagkalungkot sa akin ay:
"Dati'y ang mga tingin namin sa isa't isa ay pawang usapan na kami lang ang nagkakaintindihan. Hindi na kailangan ng salita, alam na namin ang nararamdaman sa isa't isa. Ngayon'y para bang lumalayo siya sa akin. Minsan na lang niya ako tintawagn. Pero alam ko naman na marami siyang gingawa sa kaniyang pagaaral. Hindi ko siya masisi. Ngunit may nararamdaman ako na may sasabihin siya sa akin. Sasamahan ko siya sa bus terminal bilang suporta dahil namatay ang kaniyang kabayo na si Waldo... pero... pero ito yata ang magiging huli naming pagkikita."
Sinulat ni Denise ang entri na ito bago ako magpaalam sa kaniya. Naisip-isp ko na mali ang ginawa ko sa kaniya.
Mahaba ang biyahe papuntang Manila ngunit iba na ang ihip ng hangin sa akin. Ang aking buong baksyon ay nagmulat sa tunay na pag-ibig na dati'y na wala at ngayon ay nagbabalik. Medyo nalulungkot ako dahil hindi ko alam kung makakahanp ulit ako ng babae katulad ni Denise.
Bumaba ako sa bus na sa Manila na ako. Sa laking gulat ko na roon si Denise naghihintay sa akin. Nilapitan ko siya, hindi ko alam ang sasabihin. Nagtinginan kami sa mata... hindi na siya lumuluha. Para bang huminto ang oras at sa aming mga tingin sa isa't isa pawang kami'y nagusap. Hindi na kailangan ng salita. Alam niya na alam ko na mahal ko siya. nang biglang hindi ko namamalayan na nahagipit ako ng malaking bus na nawalan ng preno... boooom!
Pagkagising ko.. hindi ko na alam kung na saan ako... nakahiga sa isang kama... walang nararamdaman kundi pagkalito... dahil ito'y isang panaginip sa ilalim ng maselang bahaghari ng aking pag-ibig... etching!
Wakas
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment