Sunday, January 29, 2006

those days

"Ayun!"

Nahanap ko rin sya! hmmm gumanda yta siya...uy...uy...pero...sayang di ko rin nasabi...

5 years from now...maglolog in ako sa friendster, i-click ko view friends at pagmamasdan ang kanilang mukha. Nakangiti at nakasimangot, nakatayo at nakaupo, nakahiga at hinihigaan. Iba iba ang sinasabi...daming tanong...walang sagot...

sino ang mga tunay na kaibigan?
sino ang naging kaibigan?
sino ang crush?
sino ang naging crush?
sino naman ito?
saan na kaya siya?
saan na siya nagaaral?
sino itong katabi niya?
may bofriend na siya!?
etc.
etc.
etc.

sayang...sayang...i hate sayang...mamatay ka na sayang...

Aaminin ko...natatakot ako mawala ang mga kaibigan ko. Napapatanong nga ako kung sa friendster lang sila makikita muli... Tinanong ko pa sa taas: "bakit pa ba kami naging magkaibigan kung sa bandang huli siya'y mawawala lamang at magkakalimutan na lang, Diyos ko ito ba'y isang masakit na pagsubog o isang masayang panaginip na sa isang iglap mawawala ng parang bula?!"

Bakit pa ba ako nakangiti kung lahat ng nakilala at tinuring ko na kaibigan ay mawawala kahit hindi nila kasalanan... sino ba ang may kasalanan? Oras ba? Ako? Ikaw? Diyos?

Puro tanong walang sagot... pero isang hiling ko bago matulog: sana...sana...sana...di tayo magkakalimutan dahil minsan...minsan tayo ay magkaibigan...

"Ay sus naman...single pa pala siya..."

(sana)

prom ek ek update: fueigfhjklgwopaghupeanv908w45826ugn2jp-2=`37fnudi3ui:) :P :l ;> 0",U

No comments: