Sunday, June 25, 2006

Buttonaire

Para bang nanlamig ang puso ko ng nalaman ko itinapon na ang mga bulaklak. Galit pumasok sa isip ko. Biglang kumirot ang puso ng dumaan ang mga alaala dala ng mga bulaklak...

Ang laman ng mga bulaklak ay mga alaala ng nakaraan na minsan akala ko'y huminto ang gabi. Mga sayawan na di makalimutan, mga pamahiin ng nadadama, mga ngiti, halkhak, pagtibok ng puso.....Mga alaala ayokong kalimutan, ayokong iwanan.

Mapanghi, tuyo, wrinkled, at maganda. Iyan ang mga bulaklak ko na nawala ng parang bula. Minsan sila'y sinabit ko sa aking americana na binili pa sa SM shoemart, Cubao branch. Mga bulaklak...
Alaala...wag kang mawala. Sa gabi ng sayawan at kainan aking pilit nilalampasan hindi ko makalimutan. Bastos man ang tadhana sa mga ngiting aking nasaksihan kasama ang mga kaibigan, tunay din na alaalang di ko ipagpapalit.
Itong mga bulaklak ay sana'y huling hiyaw ng mga gabi na kumakaripa sa aking damdamin.
Panaginip
Nanaginip ako na kasali ako sa Pinoy Big Brother!!!! Yng panaginip ko ay kakagising ko lang tapos na sa loob na ako ng bahay ni kuya!!!! Whatta!!! Anyway kamusta na kaya yng Atenista na sumali..... Hmmmmm!

No comments: