Kung kumakain kami ni B sa Mr. Kebab para bang pamura nang pamura ang kinakain namin.
Mga na-tikman na naming putahe sa Mr. Kebab:
1) Ox brain - para kaming kumain ng balut na walang asin at sabaw
2) Yogurt shake - lasang yung mayo sauce special ng Mr. Kebab na may
3) Keshmeshy - kanin na may halong beans, beef, at raisins
4) Beryani - beef curry na may beryani rice, mahalimuyak, makulay, masarap
Eh ano naman kung kumain kami sa Mr. Kebab?
Masarap sa Mr. Kebab dahil mura at marami-rami naman ang kanilang serving!
Nag-order kami ni B ng Ox brain, roasted tomatoes, shawarma in plate, beryani rice, yogurt shake, keema at dalawang softdrinks at 270 pesos lang ang nagastos namin! Busog ka pa at mura pa! Mideast food pa! hahhaa pero karamihan ng hinahain nila ay pareho lang na iniba lang ang sarsa, pagkaluto at pangalan! KESHMESHY? KEEMA!? CHEKENI!? POKNAT?
Bakit si Christopher De Leon sa kanyang mga palabas kung nagagalit na siya, nag i-ingles? hahaha perfect example yung Blue Moon!
Kaya ako nawala ng ilang linggo, dahil sa mga Filipino paper.
Ngayon ko lang naramdaman ang tinatawag ng mga atenista na HELL WEEK! Walang kamatayan na puyatan.
So nawala ID ko. Gastos...gastos...gastos...
No comments:
Post a Comment