Sunday, November 18, 2007

MASTER LIST and "Piiiii B-L Tagarito!" Song

Minsan nakakalungkot sa umaga, bunganga ang sasalubong sa mga ganitong mga oras ng bukang liwayway.

Tuwing nagiisa...

Gusto ko nagmimisa tuwing Linggo nang magisa para walang gulo kapag kasama ang pamilya.

Maraming hiwagang nagaganap sa kwarto kapag nagiisa... Kagabi lang mayroon akong binabasa na nagpaantig sa aking isipan. Ito'y gumalaw, ang aking galamay. Binaba ang binabasa at tumingin sa paligid. Takte ang gulo, sabi ko. Inayos ko ang aking kwarto. Tinapon mga papel na ang mga nakasulat ay math solutions, formulas, at things to do list. Hindi ko tinapon yng pwedeng pang sulatan. Scratch paper.

At pagkatapos gumawa ako ng MASTER LIST! Hahaha the ULTIMATE THINGS TO DO LIST!

Yng una kong listahan, MY ATENEO LIFE, nabaon ito sa limot. Nagumpisa ako ng bago, ATENEO LIFE 2, at buhay pa naman. Pero itong MASTER LIST ko ang tatalo ata sa ATENEO LIFE 2 notebook ko! Ang MASTER LIST ko ay nakasulat sa isang sosyal na pad paper. Kinuha ko lamang ang pad paper sa isang Penmanship Worksheet ko nung Grade 7! Ang ganda pala ng hand-writing ko noon pero ngayon.... wag na! Sulat kabayo. Ang laman ng MASTER LIST ay mga gagawin para sa ngayong araw, bukas at sa hinaharap.

DUBBING SESSION

Nung bata ako, akala ko madali lang magdub ng mga tagalized animes or cartoons. Pero damnit! sobrang hirap!

Pumunta ako kay Lap kahapon at tumulong sa isang proj nila. Try nyo magdub ng Corpse Bride.. dapat iba iba boses, sakto ang timing and matalinghaga ang pagbigkas ng mga salita. Halos mabulol bulol ako...

Piiiiiiiiiiiii-B-L TAGARITO!
Kung kayo'y nanonood ng Basketball TV sa cable, siguro naisumpa nyo na o nakagisnan ang napakagaling na jingle ng PBL! Pakiramdam ko ito lang yng lyrics nito. Mapapaisip ka nga na napakagaling ng mga PBL players dahil sa plays nila, sabayan mo ng Piiiiiiiiiiiiii-B-L TAGARITO! Sinong di mapapatira ng three-points nyan! Sinong di mapapadunk nyan ng nakapikit! IBA TALAGA KUNG TAGARITO! Sabi nga sa mga one-minute interviews sa mga kilalang alumnus ng PBL, mabuting buhay at patuloy ang paglaganap ng PBL. Nakakatulong talaga ito sa transition ng isang player patungong PBA, sabay sa mga last 3 seconds magpapasalamat sila kay Chinito Trinidad! Salamat sa PBL kung wala ito siguro baka di pa matalo ng isang PBA Championship team ang NCAA DIV 1 champ ng US. Ay salamat pala kay Chinito Trinidad!

No comments: