Saturday, November 24, 2007

Last Friday!

And we won...
hahahaha! sorry anton at h! hahahahaha! Di ko nabalita agad! Pero panalo tayo!
hahahhaa may next proj tayo! hahahaha! masaya ito! may shoot sa ortigas flyover! gabi!


*Eto na yng part palagi sa mga tv shows na naguunahan ang mga host na maisabi nila ang kanilang mga sponsors*

Salamat kay Anton, dahil sa kanyang magaling na editing (as in sobra), pagtulong sa pagkuha ng malulupit na shots at paghandle ng camera, hindi ko makukuha ang naimagine ko. Salamat sa pagdistorbo sa kanya sa bahay nila noon! Hahaha pati rin sa pagarte na naiihe! hahahaha! bow...



Salamat kay H, dahil sa kanyang napakalupet na pad sa Green Hills, sa 16 in 1 brotcha movies na nagbigay aliw sa amin habang chinacharge yng camera, at sa mala-Yul Servong pagganap sa blew hahahahah, di makukumpleto ang entry na ito! bow...



Salamat kay Lap, dahil kng wala ang kanyang suporta at walang humpay na pagkinig sa akin tuwing gabi sa mga concepts ko cguro naging gay romance sex romp yng entry. Dahil sa kanya may concept kami! hahahha thank you! mwaaaah!

Salamat kay Mark, hahaha for pushing me na sumali! hahahahha! Its an honor nga palagi...


Salamat sa blockmates ko! Si Nicola na tumawag pa sa akin, si tonio na ngakalat sa block na panalo ang entry, si dex na sobrang nakangiti sa ACTM GA, si marvin na binigyan ako ng malupet na pasa, si jepoy na kami'y naniniwala si Lebron James ang hari sa NBA, si Bianca na nagcongrats through ym, si Danica na nagcongrats din na may mga emoticons <:), si Nikki na sumayaw sa GA, at sa lahat tlaga ng blockmates ko for their support!!!


ACTM HAIRSPRAY 2nd GA







Salamat sa ACTM for giving me this opportunity...

No comments: