Sunday, October 28, 2007

Denatured Alcohol

Susmaryosep...

mukha kang airball, tira ng tira pero kapos palagi!

Piyesta ng natural gases sa amin, kasama ko ang aking minamahal na kababata na si Glenda. Inaalala ko ang nakaaan. Mahilig kami lumangoy sa kawalan. Matulis sya tumakbo sa damuhan.

Bistek, at corn beef ang madalas inoorder ko sa canteen ng nanay niya. No rice, nagpapayat.

Sa sinehan na tagbebente lang, kami'y nanonood ng mga lumang palabas nila Rosana Roces, at Robin Padilla. May isang gabi puro palabas ni Nora Aunor kasi birthday ng artista. Pinilit ko si Glenda manood pero ayaw niya talaga, naalala niya siguro na binibiro ko na kahawig niya si Nora Aunor.

Tingin sa kaniya, halik sa panaginip, dulas ng dila... wala bang bumabalak na iuwi ang isakama ang dalagang si Glenda aking kaibigan? Baka ako. Dati. Yata. Ewan.

Bahala na.

1 comment:

Anonymous said...

This is great info to know.