Friday, October 20, 2006

Buti ka pa

Buti ka pa
Mahilig tayo humiwalay sa katotohanan. Maraming guni guni na magkakatuluyan pa. Mga nanaginip ng gising sa mundong ibabaw, kala'y ang lahat ay makukulay na anino gumagala sa isipan.

Buti ka pa nandun ka sa masayang araw niya, sana'y andun rin ako pinapanood ang tawanan ang saya na dulot ng pagkakaibigan na walang katulad. Buti ka pa walang hiya ka lang nagkikwentuhan sa mga nangyari sa nakaraang mga buwan. Halong inggit at tuwa ang umaapaw sa aking puso sa aking naririnig at nakikita. Naroon ngunit wala sa iyo.

Walang katuturan...

No comments: