Wednesday, June 01, 2005

Matatapos na ang summer wla pa si Mcgyver...

Kapag umuulan, napapawi ang uhaw ng karamihan. Parang ang saya pakinggan ang malalakas na buhos ng ulan sa bubong at masarap matulog dahil malamig. At kapag umuulan hudyat na ito ng pagtatapos ng summer. Oo, umuulan na nga... isang beses sa lakas ng hangin at ulan tumumba yung puno ng kapitbahay at nahulog sa aming gate...


Yah, tapos na nga ang summer... tapos na ang masasayang araw na wlang iniintindi... tapos na ang mga family o barkada outings or gimiks... mga bagong karanasan sa buhay na ngyong summer lang natuklasan o natikman(rugby, damo, bato, shabu, katol, alaxan, pesticide, extrajoss, pagkabuhay, pagkamatay, love, charity, spiritual alingment with God, camping, magpractice sa sports, sumali sa isang gang, kumain ng ipis, extimox, maglaba sabay magplantsya, kumuha ng saging, magluto, txt to sawa, usap sa phone, hay nako ang dami)... mga alaala na hindi makakalimutan(swimming sa canal o imburnal, unang halik sa pader, bsta kahit ano!)... tapos na ang pagbabad sa araw(nakakangitim)... tapos na ang mga maiinit na araw at gabi(wlang aircon)... tapos na ang mga pagpapantasya... tapos na ang walang tulugan( uy kim dela paz!)... sa mga department stores kita mo na ang mga banners na nakalagay ay: "Back to School Sale"... hahaha nakuha ko pa tumawa na wlang emotion sa article na 'toh... tapos na nga ang summer at wla pa si Mcgyver!

###################


No comments: