BOYCOTT? DIBA PANAHON PA NI MARCOS YAN?
Ang tagal ko na nagtitimpi. Pero sa mga naririnig ko ngayon, may planong i-boycott ang Schoolture Shock event sa Kabihasnan. At hindi ko alam kung bakit mga batchmates ko pa ang nagpapasimuno nito.
Nagulat ako ng malaman ko na sa lahat pa ng tao magsasabi na i-boycott ang Schoolture Shock ay ang aming S*** Prez. May proof, nagbebenta kami ng tickets kay P**** tapos salita niya ay: "Anti-Schoolture Shock ako". Tinanong ko kung bakit, ang sagot ni P**** sabi kasi. Ako ang bwelo ko bakit raw, ang sagot: "wala lang."
Noong ginagawa namin itong Schoolture Shock, ramdam ko ang biglang iba ng ihip ng hangin. Sino ba kami para gumawa nito? Sino nagbigay ng permission para gawin ito? Bakit kami? Bakit?? Ang mga sagot diyan ay: Noong nagmeeting si Ms. Alma Kagaoan binigyan lahat ng classes, represented by their class presidents, para gumawa ng isang mas malaki pa sa mga booths dahil iiwan na natin ang mga iyan para sa mga juniors. 4-I and 4-J took the opportunity to do something big. Sa amin dapat ang La Sallian Idol pero ayaw namin kaya naiba. Sa mga naasar kung bakit nagkaganoon, ang masasabi ko lang ay sayang kasi binigay na sa inyo ang opportunity pero ano ang ginawa...wala. Hindi kami binigyan ng special VIP pass ni Ms. Alma dahil kami mismo ang naghabol, at gumagawa ng proposal noon para ma i-pitch kay Ms. Amy. Aaminin ko hindi ako makapagisip ng mabuti noon dahil di ko alam kung iaaprove ni Ms. Amy Galang ang event. Sayang talaga...
Sa SACB, kung naasar pa kayo sa radio plug ng Magic 89.9 para sa Schoolture Shock at hindi kayo na i promote, mga 'tsong co-presenter namin sila! Na sa sponsor package nila na ang Schoolture Shock lang ang ipopromote. Nakakahiya naman kay Mr. Buenaseda, president ng Magic, na magpromote ng isang event na co-presented ng 97.1 LS FM! At bago pa nasabi na equal promotion sa mga events na deal na sa kanila kaya bakit naman napaka sour grape! Noong nakipag-coordinate kami sa inyo para magpromote school to school, 'tsong that is recognition to SACB as LSGH's student representative. Noon pa napagplanuhan namin na magpromote idependently pero hindi kami pinayagan dahil may SACB to represent us all. Baka sabihin nyo na nakiride lang kami sa promotion nyo nung school to school, yes nakiride para maayos na ang lahat walang tampuhan at kung anu ano pa pero wala rin pala. Honestly, ako wala akong planong sumama sa school to school dahil mahirap na biglaan lang innotify ang isang school. Basta bakit naman ganoon.
WHERE IS THE BATCH SPIRIT?????Walang iwanan. Mighty Batch. One batch, one voice, one la salle. Ang raming pwedeng moniker sa napagaling na batch 2007. Pero sa mga oras ng todo suporta sa isa't isa biglang magiiwanan at nagsisiraan. Ang panget kung may nagsisiran sa isang batch, putcha para lang bang nagpaplastikan tayo dito. Hindi ba mga tunay na ligaya, tawanan, kantahan at kung anu ano pa ang naranasan noong mga nakalipas na buwan. Napipilitan lang ba ang ibang ka-batchmate natin na makiride sa uso, kung saan pabor lahat.
Walang respeto sa nakikita ko ngayon. Kung kayo ang na sa kalagayan ko at ng section ko, para bang ANO BA YAN! Kung alam niyo lang ang pinagdaanan ng event na ito. Nakailang sermon, puyat, galit, asaran ang nilulunod ang mga sarili para magawa ito.
Kung ano ang ayaw ng isa, ayaw ng lahat. May sarili tayong mga isip. Huwag sana tayo magpa-impluwensya sa siraan na nagagawa.
Pilit namin pinaplatsa ang mga gusot na nangyayari sa mga naasar sa amin. Ang nakakatawa hindi kami ang nagumpisa ng gusot. Usapang matino wala ng ganyanan... Kahit isang masamang salita tungkol sa event ng PALS at SACB galing sa amin wala kayong maririnig...
Magkaharapan na... ayaw ko ng ganito... kung sanay kayo sa awayan at siraann grabe naman, isipin nyo huling hirit na natin ito! Kung saan pa tayo magpapakita kung ano ang batch spirit, dun pa nagkulang at nagkasiraan!
Hey... todo suporta ako sa Kabihasnan at sa lahat ng events!