Thursday, February 28, 2008

Kapit sa Patalim! Bayan ko makinig tayo!

Pro-truth!

Tutol ako sa pagtawag ng pagbaba sa pwesto ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Bakit? Porket mapatalsik si Gloria tapos na ang problema, malamang hindi! Kung mapatalsik si PGMA (which I doubt, promise seryoso), parang umpisa na naman tayo. Ang hangad ko sana ay ang makita ang katotohanan sa likod ng ZTE scandal at sana sa mapayapa at mabuting paraan. Paano makakamit ito? Tapusin ang imbestigasyon kay Jun Lozada at ang ZTE scandal. Idaan sa judicial process ang mga ebidensya, kwento at kung anu-ano pa, kung mapatunayang totoo ang mga sinasabi ni Jun Lozada at ang mga allegasyon sa ZTE scandal, kasuhan ang mga sangkot sa scandal. Tapos! End! Fin!

Wala na bang naniniwala sa tamang paraan para malaman ang katotohanan?
Sa isang tao lang ba umiikot ang mga kabalastugan ng gobyerno?
Makakamit ba ang katotohanan sa pagpatalsik ng presidente?
Ang basehan ba ng ingay ay mga haka-haka?
Paano ang mga nasa ibang lalawigan, payag ba sila sa mga nangyayari sa Manila? May boses ba sila?
Paano ang pork barrell? Milyones ang napupunta sa mga senador saan nagagastos?
Ginagamit lang ba ng mga politiko ang mga pangyayari para magpapogi sa susunod na halalan?
Kamusta si Binay?
Kamusta si best friend ni Jun Lozada Jr. sa La Salle Green Hills?
Kamusta ka kaibigan?

*kung ako'y sisigaw: "PGMA please make Neri speak...hopefully it will do no harm." or "Tangina Neri your a big boy na, you make usap usap na." (conyo)

Stop the shout for resignation! Napapaos rin ang boses.
Stop listening to rumors! Seek the truth! See all POVs! Wag maging one sided! See Vantage Point (starring Dennis Quaid, Matthew Fox and Forest Whitaker)

Call for the truth! Do something that will really help this country!

Mga elitista lang ang nakikinabang...sigaw nila ang napapakinggan!
Bulong ng katotohanan di marinig...kung tatahimik at makikinig muna baka tayo'y maliwanagan!

Kung magkakaPEOPLE POWER... its premature ejaculation (got it from Joem Segovia)

Wednesday, February 20, 2008

"Hindi ka nag-iisa!" and "You made me cry Jun Lozada moment"

The truth is being twisted everytime the people allegedly involved are speaking and even those who aren't.

Oo kaibigan. Di ka nag-iisa sa walang sawa pagjakol ng media sa moro morong nangyayari ngayon sa Senado. Isang palabas lamang ang lahat, kung kelan hinihintay lang ng camera ng isang moment tulad ng "sayaw ni tessie aquino" para magkaroon ng half-baked People Power. Ang lakas ng media noh?

Aaminin ko para akong Katolikong naapektuhan ang paniniwala sa pagnood ng Da Vinci Code. Pero...

Ang pinakayaw na ayaw ko na ginagawa ng media ngayon ay ang pagbibigay kulay sa apo ni abalos at anak ni lozada na parehong nagaaral sa malupet na paaralang La Salle Green Hills. Ayon sa media, naapektuhan ang pagkakaibigan ng dalawang bata dahil sa nangyayari sa moro moro. Sigurado ba silang magkaibigan yang dalawang bata! Tangina baka di pa nga sila magkakilala. Nilalagyan ng angulo para lang maintriga ang publiko sa mga nangyayari. I bet sobrang pressure sa dalawang bata dahil sa bigat na hinatol ng media sa kanila. Tangina ginawang drama para bang mga vendetta/revenge themed shows ng GMA ang mga sitwasyon ng mga bata. Akala ko katotohanan ang hanap ng media bilang serbisyo sa bayan...

I KNOW WE CAN HANDLE THE TRUTH! WE'RE NOT DUMB!

Signs of the Apocalypse (Delubyo na toh!)
Ateneo and La Salle join together to seek the truth! Jesuit priests and La Sallian brothers holding hands in Ama Namin! Diyos ko!

hahahaha! ang saya nito ah!

Thursday, February 14, 2008

Elitista

Lasalista

Lumaki ako sa paaralan ng La Salle Green Hills na kailangan ngumiti at tumawa. Kung tatahimik para makaangat ang iba, gagawin ko. sabay ngiti at tawa. Sumama sa kabalastugan at maging maniac, gagawin ko sabay ngiti at tawa. Kung tinatawag ng panahon para mamnuno, gagawin ko sabay ngiti at tawa. Basta wag lang may mabungo na mas nakakataas. Ngiti at tawa.

Atenista

Cockpit. Cock. Cock. Cock. Eagle. Green Eagle. Blue Archer. Blue Eagle.

Jologs. Baduy. Jologs. Abnorms. Weirdo. Peste.

Tangina, ano ba talaga kuya bodjie?

Mga elitista
With great pride, the house of Mr. Cheng Sun offers the reality of life. A fine sampler of bugbogs made of dreams, formaline-soaked tentacles of desire, and San Miguel Drunked Roast chicken. The house of Mr. Cheng Sun promises to usher new managers to american diction machines. With their accounting and financial management skills, the new managers of Mr. Cheng Sun will be the crying shoulders of those in Amrica.

But...

Its your choice on how you perceive things. The house of Mr. Cheng Sun does not guarantee your success. Sure we heard of riches to richer stories from seminars and tarps, but the bottomline is how will you use your diskarte on the real world.

Gewang naman mga elitista! Sumabay sa naririnig na alon sa kabibe! Hinto! Pakingan naman ang sarili.

Ooooh! Can't touch me. Make me melt. I'm your bitch.

Food needs money.

Ayoko na pumasok. Nakakatamad. Parang tangina, kailangan ko ba pagaralan ang mga ito. Isusuka ko rin ata yan.



Valentines Day... ayayayayaayayayayyayayayaaay!