Sunday, December 28, 2008

tapat.

Ang puso pagnabasag masakit. Mga matatalim na bubog susugat sa iyong kamay na gustong pulutin ang mga pwede pang ipagdikit.

Pero di ko alam.

Wala yata akong puso. Di ko talaga alam. Anong babasagin kng wala namang mabasag?

Di ko alam. Di ko alam...

Friday, December 26, 2008

upset?

oo, medyo...
i don't know.

Thursday, December 25, 2008

+/-

I had a dream. I was on Anonas. I was having a drink with faceless people along the sidewalk in front of Hightop Anonas branch. Fluorescent lamps kept the night glowing; blurred by weary eyes of mine. I saw someone walking towards our group.

The person's face was familiar. I greeted her. We talked. Kamustahan. Tawanan. But superficial things. During our conversation, she told me she already has a job. Late shifts. Customer service maybe. Superficial stuffs. We said our good byes. I hesitated to give her a peck because of the smell of alcohol. I kissed her cheeks. She smiled. I gave my best smile. I was happy for her. Alone and maybe waiting for another pitstop with her, I woke up.

The lamps were still on. Blurred. Glowing.

It was 330am. She texted me. I fell asleep.

malamig at di alam kung bakit...

Siguro kung naglalaro pa rin kami ngayon...ako yung guguho.

Sunday, December 21, 2008

mga angulo

may mga angulo na...

pero tulad ng buhay, may iba't ibang angulo...

trining. pollux. pegasus.

i've been waiting

next time.

Friday, December 19, 2008

i don't but...

give up?

kung ganito lang ako palagi at...magulo ang kanyang isipan...

di ko alam...

ewan.

Monday, December 15, 2008

Hanggang mahulog ang mga tala.

it is easy to be free from all responsibilities.

Nagpapakulo ng sopas.

"oo nagaaway din kami." - Robert

"di maiiwasan. maliit na bagay. mababaw minsan. pointless and meaningless." - Anne

She gingerly nibbles her nail. Sips her coffee. Her lipstick smudges on the cup. She looks at her. Smiles. Her straight teeth. Her sad eyes. Coffee stained tissue napkin. Leftover oreo cheese cake. - starbucks.

Bakit lahat ng babaeng na iinlove ako puro naguumpisa sa letrang Z ang kanilang pangalan?
Si Zoraida.Si Zaturna. Si Zosimo.

A fragment of reality
The mother clutches on her daughter's pillow. She feels empty. Her hair is messed up. Her eyes, tired of crying, tells the gravity of her mourning.

"Kakagaling ko lang sa simbahan. Nagdasal para sa masayang Pasko na paparating. Ikaw ang natagpuan, nakahandusay, wala ng buhay." - Salamat.

Saturday, December 13, 2008

Wigs

I'll bleach my hair
so you won't forget me.

Friday, December 12, 2008

Yey!

1. watchmen graphic novel
2. ateneo lanyard
3. ateneo t-shirt
4. e-heads anthology part 2
5. photoshop/lay-outing skill
6. calculus skills
7. megaman t-shirt

yun lang naman. superficial things. the thought matters. haha!

Tuesday, December 02, 2008

bastos ang tadhana

I believe that there is an instance in our lives that we want to go missing.

Famous people did it. Why not tayo!

Elvis
Amelia Earhart
Agatha Christie
Joc Joc Bolante
Garci

Boy: If...you know...nawala na tayo...maala pa ba tayo?
Girl: Siguro kung maawa sila sa atin.
Boy: Maawa saan?
Girl: Because of pity...Deep inside they know we like attention. So they'll just spare us some space sa utak nila.
Boy: We'll be just their memory?
Girl: Malamang.
Boy: A footnote in history.
Girl: Footnote amputa.
Boy: Tama lang naman yng analogy ko ah.
Girl: Mali kaya. Footnotes are meant to be significant.
Boy: So di talaga natin kaya maging significant?
Girl: Exactly.
Boy: Putcha. Eh bakit pa ba natin gagawin 'to?
Girl: Ewan ko.
Boy: Sabaw.
Girl: Oy. Wala ng bukas alam mo ba?
Boy: yeah.
Girl: So?
Boy: ...So? Di ko alam bigla. I'm having second thoughts.
Girl: Second thoughts. Nakakaasar.
Boy: Bakit naman?
Girl: Ikaw yung nagyaya tapos...
Boy: Alam mo kasi birds go with the same feathers.
Girl: Puta. Maling mali yun ah.
Boy: Ayun.
Girl: Changing topic.
Boy: Okay. Wait bigyan mo ako ng oras.
Girl: Wala ng oras.
Boy: Ha!
Girl: Basta ayoko na dito.
Boy: Awa lang pala noh?
Girl: Oo, awa. Sinasabi ko na sa iyo.
Boy: Ma-mimiss ko sya.
Girl: Kaya ba nagaalinlangan?
Boy: Medyo.
Girl: Akala ko tatagal din kami nung sa akin. Pero...
Boy: Bakit ganun ang relationships?
Girl: ?
Boy: I mean uhm...we enjoy everything in a relationship. She will be your inspiration. She will be your love. Your confidant. Your lover. Your bestfriend. You invest a lot of faith and trust, then both of you will find out that you're not compatible. Tanga natin.
Girl: Maybe may feeling ng regret after a relationship, tipong nalugi ka. Remorse maybe the right word.
Boy: Tama...Tama. Yung feeling na sana siya na lang sana during that time na kayo nung girlfriend or boyfriend mo.
Girl: No, not that. Masyadong selfish naman yun.
Boy: Ganon?
Girl: Oo.
Boy: Basta.
Girl: Ewan ko sa iyo.

Sunday, November 30, 2008

one more chance to relieve the days

Standing on a hill that was once my school.

Iibigin ka hanggang mamatay ang araw at buwan.

Tuesday, November 11, 2008

a fight for nothing

Tatawanan na lang natin ang lahat ng nangyari sa ating buhay pagtanda natin tulad ng:

unrequited love: boy likes girl. boy cares for girl. girl does nothing. girl ignores boy. boy feels there is something between him and girl. girl thinks there is nothing.

well, tatawa na lang tayo hanggang maiyak tayo sa tuwa, then sa lungkot na naalala natin yun.

"wasting time on a saturday night, pondering little moments, mostly composed of grammatical errors, incompletes sentences, and wrong spellling...wrong."

Saturday, November 08, 2008

Kelan tayo tatanda?

kelan pa kaya tayo tatanda?

Is it when you achieve a certain age?

Is it when you talk like adults; tipong having a facade that covers the ignorance?

Is it killing the child within?

Hahaha! Kelan pa...kelan pa...

Maturity, age, freedom, jobs, money, love, death....

"Relationships are detours." - an excuse to polygamy

Thursday, November 06, 2008

Tuesday, October 28, 2008

Sexy Sky

We only love once.

After losing love's grasp, we'll be looking for distractions just to ease the pain.

We'll have husbands and wives yet they're just substitutes of lost love.

Yes we only love once.

Friday, October 24, 2008

Liquid paper ang katapat sa dungis ng buhay

Bago magumpisa ang paborito nating cartoon tuwing sabado nung huling dekada, magtiis muna tayo ng misa sa TV na ginaganap sa sa Mega Mall, pagkatapos maaliw sa Chinese opera.

Riddles stream from your smile.
Confused. Am i feeling the same?
Adored. Glances and forty winks.
Patay na patay sa iyo.
Naliligaw sa aking nararamdaman.
Moonbeams to guide me into your heart.
Let's kiss the moment, put down your smile.

Gusto
Sa bingit ng kahihiyan, ayaw ko tumigin sa iyong mga mata.
Mabagal at walang ginagawa nahuli mo akong tumitingin.
Nakakahiya. Nakakaluha. Naliligaw. Nangliligaw.

Thursday, October 23, 2008

Dekada Cinemanila

Walang magawa sa bahay? Manood na ng Dekada Cinemanila!

150Php ticket price!
100Php naman pag estudyante! Show your school ID! (parang jeep lang ah)

I find these two films interesting...

I'm A Cyborg But That's Ok (Chan-Wook Park)



A girl who thinks she is a combat cyborg checks into a mental hospital, where she encounters other psychotics. Eventually, she falls for a man who thinks he can steal people's souls.
- IMDb

Cool title. Cool poster. Hanggang dun lang ba yan? Tingnan natin!


Saturday, October 25
Cinema 4
6:30pm I'm A Cyborg But That's Ok (105 mins.)

Sunday, October 26
Cinema 4
12:30pm I’m A Cyborg but That’s OK (105 mins.) Korea

Wednesday, October 29
Cinema 3
5:00pm I’m a Cyborg But That's OK (Korea) – 105 mins.

PVC 1 (Spiros Stathoulopoulos)


A woman and her family became the victims of an unusual act of terrorism. Unable to pay a ransom, the mother of three is turned into a human time bomb and is now trapped in a physical and mental circumstance from which she and her family try to break free.
- IFC

One shot lang ito! Full 90 minutes! No cuts!

Wednesday, October 29
Cinema 2
4:00 PVC 1 (Colombia) – 85 mins.

*schedules of screening c/o Dekada Cinemanila

Sunday, October 19, 2008

Dehado kung dehado

and one of the most disturbing video ever.

David Archuleta is having a crush.
Clay Aiken is a daddy.
Nobody knows who is who.
Rico Maihoffer admires Sarah Geronimo.
Where's my Goldbar?
Jai Reyes in slow motion.


Saturday, October 18, 2008

Tatahimik na lang at titiklop

Bawat sandali...

Despite the miracle that happened miles away from me, I gaze at your unsettling eyes; hungry for you to take notice of me.

Sa isang classroom puno ng arm chairs tadtad ng ari ng lalake, lumingon ako sa aking likuran para matiyak ang nasulyapan. Isang babaeng palayo sa dalampasigan, sabi ni Joseph. Di na ako nagtaka kunwari pa walang napansin.

Ba't ba tayo gutom sa katotohanan? Minsan di na kailangan mag-isip. Minsan di mo naman kailangan patunayan. Minsan di mo na kailangan malaman.

Isang babala: Jonas is making Karol shine! Oh baby! Oh baby!

Ah.....its ok to be envious because you know they listened to Him. :)

Sunday, October 05, 2008

malabo kung malabo

malabo kung malabo!
tangina gusto ko na lang bumagsak!

wala akong makausap sa ganitong bagay.

ang labo.

I've been selfish. As in...

and I can't see YOU anymore!

malabo kung malabo...

Tuesday, September 30, 2008

hikbi at amats ni paraluman

It's easy to give-up.

Dati you're on top of the food chain tapos wala na. Kinain ka na ng ibang hayop na mas malakas, mas mabilis, at mas magaling.

I'm losing self-esteem.
I'm losing motivation.
I'm losing passion.
I'm lost.

Sunday, September 28, 2008

Pasinghot naman ng minute-laid!

and this guy doesn't feel anything...

Sunday, September 21, 2008

nominated for four awards.

hehe pero kapos pa rin... wahahahaha!

i love life :P

perhaps another time?

sakto.

Thursday, September 18, 2008

CXubao ilalim

Episode 1.
Dun tayo sa malayo pumunta...

Saan sa malayo?

Halika.

Hinawakan niya ang aking kamay. Di na sya bumitaw.

"parang mga pangako at liham."

I changed because of love. Nah.

Episode 2.
Pikit ka. Anong nakikita mo?

Darkness.


Ow...hmmm...ikaw.

What if

Impossible is nothing sabi nga ni Gilbert Arenas.

Shoot. I'm dead. I'm failing. I feel dumb.

I just got my score in accounting.
I'm failing big time.

bottomless pit na.

Wednesday, September 17, 2008

nakow

grabe...grabe...grabe...!!!!!!!!

major janjanjan!

she's... hay... hay...

sigh.

Sunday, September 14, 2008

Misteryo sa Tuwa

Tiwangwang sa kakulangan ng kumikislap.

Perhaps Another Time... Ikaw ang bida.
Perhaps Another Time... Walang makakakita.
Perhaps Another Time... Busog na ang ligaya.
Perhaps Another Time... He doesn't love you.
Perhaps Another Time... She's just friendly and mabait.

Friend 1: Nakita mo na ba yung girlfriend ni *********?
Friend 2: Di pa! Maganda ba?
Friend 1 : (smiles)
Friend 2: (?)
Friend 1: Uhhh...mabait.

Sunday, August 24, 2008

My flaw

I don't response. All words, no actions.

Wednesday, August 20, 2008

Kamusta ang Search-In Circlemates mo?

Kami lang yng circle na walang circle pic. hahaha! sayang sayang....
  • Circle 131 (September 23-25, 2005)
    19 juniors took part in the 2nd Circle for the school year. As God has always been faithful, He has once again blessed us with great success and inspiration. Very notable in this retreat was the return of Querry Kho of Circle 6. Querry is legendary in facilitating the Search-In activities and he hasn't lost his touch after all these years leading many of the present staff to be inspired through working side by side with him. Nonong Noriega of Circle 6 also stirred emotions to great heights by surprising everyone with awesome approaches to some of our most precious moments in the retreat. Circle 131 selected "Pangako Ng Bukas" which was sung by Circle 22's Wency Cornejo.
Naalala ko lang ang Circle namin sa Search-In. Ang dami namin noon. Pinakamaraming circle sa batch namin. Magandan ang chemistry noon. Halo-halo. Lahat ng uri ng lasalista na sa 131. Sa dami namin, inabot na kami ng umaga para matapos ang lahat. Hanggang ngyn din naman ganun walang nagbago.

Aaminin ko, nakalimutan ko na yung lyrics ng Circle song namin. Na-memorize ko ba noon? Hindi siguro. Alam ko si Wency Cornejo ang kumanta, pati uso kasi ang rock nung time na yun kaya feeling ko kaya namin napili yun dahil sa malupit na guitar riffs ng kanta.

Naging mga matatalik kong kaibigan ang iba sa aking circle. Swerte ko na hanggang ngyn nakakausap ko at talagang mga kaibigan ko ang circlemates ko.

Kamusta na kaya sila?

Circle 131:

Paolo Alfredo "Paolo" Alvarez
Whitt Kenneth Vincent "Kenneth" Ampong
Christopher James "CJ" Calimlim
Peter John "Peter" Carabeo
Francis Arles "Arles" Carlos
Anthony Charles "Charles" Coralejo
Franklin Francesco "Kookles" Costales
Joaquin IV "Quino" Cunanan
Kevin Bryle "Bryle" Dizon
Vincent Albert "Vince" Flores
Emil Francis "Franz" Floro
Juan Carlos "Chino" Gil
Jejomar Paul "Boyet" Glean
Miguel Angelo "Anjo" Joaquin
Edricke "Edricke" Nanquil
Robert Andrew "Rob" Porter
Gino Gabriel "Gino" Rivera
Kenneth Edward "Ken" Roxas
Joseph Erico "Joseph" Teoxon

This weekend na ang retreat ng circle 145! haha!

Tuesday, August 19, 2008

F*ck you tricycle riders: nakakahiyang pakiramdam

Nakakaasar pag inuunahan ka sa pagbayad ng tricycle sa ateneo. Dati tinitingnan ko yung official trike fees sa may sec trike terminal, tapos may isang nakatiwangwang na driver na sinabi niya na hapon na kaya hindi na susundan yng trike fees. Naasar ako as in. Gusto ko makipagaway sa kanya. Gusto ko maging palingkera...

Pero naging kalmado lang ako at sumakay sa trike at tinanong ko a driver kung magkano.. sabi nya kung ano ang gusto ko. Pakipot pa sya.

Habang na sa trike ako. Minumura ko lahat ng tricycle driver, at taxi drivers in recent memory ko dahil sa abusadong pagbigay ng fee at sabi ko pa na next time may karapatan naman ako kaya itataas ko ang bandera ng ULOL MO MAY KARAPATAN AKO!

Pero, nagsisi ako pagkatapos ng ilang araw. Pinagbawal na ang tricycles sa katipunan. Bawal na. Pweh :( Buhay nga naman. Napahiya ako.

Eto yung feeling ko:

Sunday, August 17, 2008

Meme galore: supah mixed tape photo montage cure for accounting laziness and procrastinating demure posse

Muntikan na kami mawala papunta sa mundong puno ng sala. Iba! Nakow! Hala Bira!

Isang masayang panaginip.

Inspired by memories,
casual chuckles along boulevard of broken dream (yung version nung isang actm idol finalist).

Nocturnal emissions...

Tuesday, August 12, 2008

Wednesday, 4 minutes and 54 seconds before 1 o'clock

Wednesday, 4 minutes and 54 seconds before 1 o'clock

Regrets?
Doubts?
Fear?
Last chance?


Time only knows.

Tuesday, August 05, 2008

My ever changing moods

Ilang siesta na ang aking hinintay,
lumipas na ang kailan at bagong buwan,
hindi ka pa rin nagpaparamdam
inip na ang ulan...

If you don't mind, may I wipe your tears?
Rolled down plastic covers.
If you don't mind, may I hold your hand?
Dried-up sampaguitas.
If you don't mind, may I gaze at you?
Dashboard Mama Mary
If you don't mind, may I make an honest lie?
Para.

Sunday, August 03, 2008

Sundance

Boy: Uhm, I like you.
Girl: (silence)
Boy: Ugh, (nervous laugh) wala lang. Just forget it.
Girl: Uhh ok...
Boy: (silence)
Girl: (silence)
Boy: Kinalimutan mo na?
Girl: Yung ano?
Boy: Ah... :)

Thursday, July 24, 2008

Anong napala mo sa Search-In?


Anong nagawa ng Search-In sa akin? Dito ko natutunan na mag-express ng love for my mother.

Dati di ako marunong mag "I love you" sa aking mom, mas lalo na i-kiss mom ko goodbye sa harap ng friends ko. Nahihiya ako dati. Pero after Search-In, narealize ko na bakit ako nahihiya. Sabi ko, it will make a difference sa mom ko kahit isang gesture of love para sa kaniya.

Ikaw anong nagawa ng Search-In sa iyo?

Whine and dine!

Ngayon ko lang naramdaman ang katamaran ng sobra sobra!

Hay...

I feel bad...with the grades na meron ako hay...

Wag muna kaya ako magsalita, be stoic and reserve... hmmmm!

Thursday, July 17, 2008

Perhaps another time

Scene: Belarmino Elementary School

Camus, wearing a button down white shirt, wanders at the old campus he used to study.

Camus: Di ako sasama.

Krisel appears.

Krisel: Tagal kitang hinabol, at ayaw mo bumalik?

Camus: Sino ba nagsabi na babalik ako?

to be continued...

Tuesday, July 15, 2008

Pasalubong at Balikbayan box

Fictional.

Sad to say...

He was given the opportunity to be with her.

And...

Bye-bye.


0.01 cm apart

Sunday, July 13, 2008

I'LL GIVE YOU SEX!

Vanity
Kahapon nanood ako sa Cinemalaya. Pinanood namin ang Projections dahil kasama ang film ni Ej! May napanood kami na short ang title ay 143.

May isang eksena sa short film na sobrang VAIN! As in pagnakita nyo, talo pa ang sex scandals (Ako ang lalake! Videohan natin ito at ikakalat ko sa internet pagbreak na tayo dahil ok lang ang ikaw naman ang mababastos habang ako ang ulol na nagpakalat), multiply (if vanity is a sin, then multiply is hell), at mga private vain pics folder natin sa cellphone or PC (Guilty?). Ang eksena: may isang lalake na kakatapos lang mag-sex sa isang babae. Humarap ang lalake sa mirror habang nakahubad. Nagbuhat siya ng weights take note pinapanood nya sarili nya in his full frontal glory at may binubuhat syang weights. Shet... VAIN! VAIN! VAIN! Talo nya pa ang Tim Yap Pose ko with matching pout lips. Naiimagine ko na yung sinasabi ng lalake sa kanyang sarili: takte ang sexy mo oooh sige laki ka pa! Oh yeah! Pump pump pump pump! After nya magbuhat nabitin yung lalake at nagsex ulit sila ng babae.


On being selfish
Let go...

maaga pa...

sana wag tayo magmadali...

gusto ko i-enjoy ang pagiging malaya...

walang hihila sa iyo pababa, walang sasabit sa bawat kilos...

sana hindi masakit umalis sa piling ng dating lumiliyab na puso...

ba't ba tayo nagkakaganito?

Tipping point.
Pagod na ako...

Before I would compose text messages to be sent to someone far from me. I would experience gripping pain on my chest while composing such messages.

We were 0.01 cm apart.

Chances... dun na lang ako kukuha ng alaala...

My virgin ears.
Wag kang maingay. Di ko kailangan yan. Di ako naniniwala sa totoo.
Ibulong mo. Putek! Ibulong mo! IBULONG MO!

Sunday, July 06, 2008

Ramblings: Party People, Squirt Guns, SuperTokyo97

It's that time of college life when you'll cheer for the most prominent and entertaining sport in the Philippines...Chess! Joke! Of course, basketball!

After witnessing history in NBA (LAKERS VS CELTICS), sympre di magpapatalo tayo. We have the La Salle-Ateneo Rivalry! Elitista na kung elitista (nakow!).

Kung kelan pa na college na ako, dun pa ako nahirapan kumuha ng tickets! Ironic, high school pinapamigay mga tickets sa mga UAAP games, yun nga lang Gen Ad!

On Gen Ad tix!
Ok lang. Kasi pwede namang tumalon. Hahaha mautak! Feeling ko minsan, bili na lang ako ng Gen Ad tapos talon na lang ako kng nagkakagulo na! Frenzy mode: perfect timing tumalon papuntang Upper B!

Pacquiao live!
Nung nakita ko si Pacquiao sa Araneta super priceless yung moment!!! Ang dami kong gustong isigaw tulad ng: SPEECH! ENGLISH (ok lang Manny, pagkatapos ko maging laoshi si G. Capilos, di importante ang wikang banyaga)!KANTA NA!

Akala ko nga papakantahin sya ng national anthem...

Party People!
Bakit pagtumutugtog ang Blue Babble during the game (conyo naman may construction of sentence), parang Party People ni Fergie ang naalala ko. hmmmmm... sadya or magkatunog lang?

Monday, June 30, 2008

Swift and Painless

Parang naramdaman ko ata ang mapugutan ng ulo kanina. Swift and painless. Maybe wriggling a bit because of the remaining sensation from head and the torso...

I knew it was coming. Habang naglalakad ako papunta sa mvp 316, feeling ko papunta ako sa isang electric chair. Tipong Green Mile moment, kay ikli lang naman ng iyong nilakad pero pakiramdam mo kay haba-haba (actually matteo to mvp, mahaba haba na rin).

Pagkarating ko, kinausap na ako ni Ck. Sinabi nya yung decision.

And...

Wala akong naramdaman. Swift and painless. Just like what those royalties during the french revolution might have felt. Swift and painless.

But may mga twitches...

Honestly, first time naramdaman ko na super failure ako. Disappointing...Nakakahiya. Wala na akong mukhang ipapakita. Yeah yeah yeah... As in sana ibang project na lang kinuha ko. Ugh. Kaya di na rin ako naginterview sa org kasi feeling ko wala naman akong gagawin, ginagawa, and its not me. Such a dead weight for the project. A floating log. Burden. The opportunity is gone. Nakakahiya tumingin sa kanila. On hiatus muna ako.

Wala naman kailangan sisihin kundi ako.

Death as remedy.

######################
Ang daming nangyari: may namatay sa dela costa... Condolences sa family.
ang hirap ng accounting exam... Diyos ko

Saturday, June 28, 2008

What done is done

Quit boy... Let go!

Yes i will take a break...

Tuesday, June 24, 2008

When Bamboo Manalac strikes a pose

"Wala kang mahahanap sa ibabaw o ilalim ng Cubao," sabi ng konduktor ng bus. "Dun sa gitna, lahat makikita mo." Ngumiti lang ang konduktor, at inabot ang sukli sa akin.

Gitna?

"Bayad po," sabi ng pasahero, pinapaabot ang pera sa akin. "Isang pangarap."

Wednesday, June 18, 2008

Dry, i'm feeling dry yet inspired

Yes sir, I feel dry.

Seryoso sa buhay? Yes kayang kaya.

Sunday, June 15, 2008

Chubibo

So...

Kailangan ko ng kausap.

Mga huling araw na ito ang pinakamamaba ko. My esteem's status: the lowest since alam ko na ang definition ng esteem.
hay... grabe...

Matagal na rin akong hindi napapagalitan... as in ugh... tama lang naman... tanggap lang ng tanggap.

Friday, June 13, 2008

Can you explain to me, what has become of us...

Outerspace, galaxy wars, and comet crashes surround the child of the universe.

Ok. I'm having problems. Haha shout out to the greatest frontier of the modern world: internet!

So: kinky boots are made for walking. Step by step i hear squish underneath these kinky boots.
So: may kinausap ako nung isang araw. tagal na rin namin di nagusap. ok lang na sa ym. kasi ganun talaga eh. pero anyway. siguro yng moment na nakausap ko sya, gusto kong bumigay. gusto kong ilabas lahat. For once gumaan pakiramdam ko sa nangyayari sa akin. Kasi nalabas ko. And sinabi nya yng opinion nya. I'm open. Yung sinabi nya yng mga iniisip ko bago matulog. Grabe. I miss my friends. I miss their companion. Sabi nga niya, dati joke time lang pero ngyn iba level na. Mature! Hahaha! Sige sure, baka mababaw lang lahat itong problema, pero yung feeling na gusto mo tangalin lahat ng iyong alala parang eternal sunshine pero sa bandang ending gusto mong ibalik lahat. Attachments? Maybe. I don't know.
So: What keeps me ticking? Hey... ba't ka nagsasalita magisa. Glance. Tingin. Tawa. Ngiti. Tangena. My name is *******. What a name.
So: I miss Search-In!!!!!
So:








Ikaw ako tayong lahat.

Buhbeng baybeh!!!!!!

Thursday, June 12, 2008

In spite of everything we can do it

Thinking...

I won't give up!!! Ugh...i feel like a wreck. Actually hindi pa, malapit na maging wreck. Ed Wood. Curse you.

Sometime i want to let go. People who are close to me are disappointed. Yes, they are disappointed. I can't keep up...

Tumingin ako sa rurok ng bundok. Hindi ko na ata maabot ngyn. Pero (haha) babangon ako at aabutin ko :D

Won't give up.

Sa lahat pa na magiging teacher ko sa Ateneo, isang taga LSGH pa. At tinuturo nya pa ay accounting. Accounting: the most dreaded subject in Ateneo. Ok.

May kinuwento sya sa amin kanina. So nagshare sya ng inuman session nya at yung topic nila yung "the one that got away". Pero wala naman syang kinuwentong personal. Medyo general lang. Sabi nya, kunwari yng guy, nakapunta na sya sa ateneo tas narealize nya maraming magaganda, yung guy mapapaisip kung iiwanan nya yng girlfriend nya.

Hirit ng teacher namin: It's selfish kng yun ang iniisip nung guy kasi paano naman yung girl? diba?

Wow.

Monday, June 09, 2008

Isang malupet na hataw ng dos por dos sa batok! (sabihin ng malutong)

Nung huling araw ng Orsem Film shoot, pinuntahan ko ang office ni Fr. Nebres, the MAN, the MYTH, the LEGEND aka the president of ADMU. Nahiya pa ako pumasok sa kaniyang opisina dahil ako'y naka Dance instructor-favorite-pink-floral-na may-tatak-ng-quick silver-na-hindi-ko-alam-kung-bakit-may-ganun polo shirt at naka khaki shorts. Nararamdaman ko ang epekto ng dress code at kung bakit nga naman pinagbawalan na ang extravagant, loud, and unneccesary fashion. Haharap ako sa isang respetadong tao at ganito ang itsura ko. Tas nung nakita ako ng secretary na nakatunganga sa harap ng office, pinapasok ako with matching hand gesture and a smile. So pumasok ako, handang kausapin si Fr, Nebres pero may meeting pala sya. Binigyan na lang ako ng picture ni Fr. Nebres. Cute and respectable guy.

Astig talaga si Cesar Montano! Napanood mo na ba yung THE SINGING BEE? ASTIG NOH? GALING MAG-HOST NI BUBUY! intermission BUBUY malapit na sa BUBUYOG. NYeh! Kaya ba si Cesar Montano ang host? Or talagang di alam ng ABS CBN kung saan siya ilalagay pagkatapos ng napakagandang action teleserye ala ALIAS, na PALOS! Nauso nga yung beret sa kabataan. Ay mali, Naruto headset pala yun. ANYWAY ang swabe ng paghost ni Bubuy, parang di mo malaman kung action o nahihirapan na punong kahoy. Sabay sa pagkembot sa musika naman ang HONEY BEES! Pilit? Di ko maitindihan yng pagkasabi ni Cesar Montano sa mga monikers ng game show na ito. No. 1 raw sa Pinas! Tru ba itich? Ewan ko na lang haha! Basta astig talaga ang The Singing Bee. AS IN!

Wednesday, June 04, 2008

human flaw

17
3
admu
13
1013
214
circles
131

human flaw.

blood

Nagdonate ako ng blood recently. First time ko.

Yung blood ko gagamitin yung platelets nito for replacement sa isang patient.

The patient died recently.

Di ako nakapunta kanina sa kanyang wake.

I'll pay my respect tomorrow.

To the patient's family and friends, my condolences.

Sorry to Joanie, di ko na sya nasamahan, something came up biglaan.

Thursday, May 29, 2008

Good job James, huntingin ka na sa Ateneo

Good Job God! Huwat!?!?!

What's the difference between Candy Cuties from Good Job blogs? Candy Cuties feature young male adults chosen by talent and modeling agents, while the Good Job blog features beautiful people without knowing they're being blogged by an Atenean with silly descriptions of adoration(???); sometimes the descriptions are almost at the borderline of male fantasy pseudo diary entries. Hahaha correct my grammar please :D that's what all they complain about bloggers with heat from its readers.

There's something about the whole idea of Good Job blogs. Weird.

Tuesday, May 27, 2008

mr. kennedy is frustrated

I am sure not the best in the business, pero i like what i'm doing. Gusto ko maburn-out after working hard. Gusto ko pinush ko ang lahat ng kasama kkahit halos lahat galit na. Gusto ko humiga pagkatapos ng lahat. Tumahimik. Matulog.

Siguro nung hot seat namin, nagkulang ang mundo kung ano ang pwedeng sabihin sa akin.

Isolation.
Hey, don't be mad. We're just facing an artsy, pretensious movie cliche. If the movie ends well, you'll leave the theatre with me. huh? labo. :P

I'm getting tired of blogging. Haha kung kelan pa nagkaroon kami ng dsl, dun pa ako naubusan ng masusulat.

hmmmmmm

Ubusin ko na lahat ng:
Hehe
Haha
Hoho
Weh
Nyeh
hmm

Mga sagot sa walang masagot.

Eto na:

HEHEHEHHEHEHEHEHEHHEEEHEHHEHEHEHEEEEEEEEEEEEEEHEHEHEHEHE
HAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAH
HOOHOHOHOHOHOHOHOHOHOHOHOHOHOHOHOHOHOHOHOHOHHOOHHO
WEHWEHWEHWEHWEHWHEWHEHWEHWEHWEHWEHWEHWHEWHEWEHWEH
NYEHNYEHNYEHNYEHNYEHNYEHNHYEHNYEHNYEHNYEHNHEYNHYYEHNYEH
HMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMM

Kapagod...

Tuesday, May 20, 2008

Absorb baybeh

Oh yes I love the drama!

1st day of Markshop (LFC Prodcore Workshop)
Ang dami kong natutunan sa screening ng one-minute films namin. Nakita ko yng fellow prod core kung ano ang niche nila. Sure I nasaktan ako sa mga comments PERO tanggap lang ng tanggap sabi nga sa amin sa Search-In. Mas ok nga na may mga tao na sasabihin nila kung ano ang mali sa iyo, kasi nakakatulong pa sila na makita mo yung di mo nakikita. Mas ok rin naman para matuwid ang kailangan matuwid nyahahahah. Kailangan din madapa, hindi naman araw-araw pasko. Haha I love the drama. I miss Search-In.

Bakit mahilig ang mga Pinoy sa ice tea????
Pansin ko lang. Adik ang mga pinoy sa ice tea. Gawa cguro ng C2 effect, na kahit ano basta tea ay healthy. Pero di kaya, yng nestea ice tea mukhang tadtad ng shuga!

Honest?
Maybe... Hehe please Lord help me :D

Thursday, May 01, 2008

Tuwing dismissal...

Pagkatapos ng ilang linggo, nakapag-blog na ako. Sino naman ang may pake? hahahah!

Recently, kumakain ako less than the usual. Usual para sa akin dalawa hanggang tatlong plato. Pero ngayon half-cup of rice lang or pinakamarami na ang isang cup. Bakit? May rice crisis ang mundo. NFA rice na lang ang nabibili namin. Hoarder ng bigas ata yung binibilhan namin sa palengke.

Kanina kumakain ako ng 4 pieces of pork siomai, one cup of rice, at maraming toyo at chili sauce. Hahaha tawid gutom. Masarap para sa 46 pesos meal. Naalala ko tuloy yung kinakainan namin sa Green Hills na eat all you can siomai. 99 pesos lang. Lugi sila kaya tinanggal na yung promo. Mga abusadong binata.

May sinulat akong script para sa ACTM Trilogy. Actually ako yung unang gagawa ng first installment. Kinakabahan ako at the same time, gustong ko intense itong gagawin ko. Nung huli kong ginawa sabaw pero masaya. Sana maayos ni Mark Peregrino, AVO winning director, ang aking script. Haha binasa ko ulit yng script parang may kulang sa story. Pero maayos ko yan, pagkatapos nito maging bloody.

So...
Lomo sana lumabas!
Kamusta na ang Sumilao Farmers?
Superb ang IronMan!
Cute ng Vhungking Express. Sexy.
Sun-burnt girl :P

Monday, April 21, 2008

Pagkatapos ko maalala ang Para (alaala on lsgh)

Pagkatapos ko mapanood ang mga huling sandali ng graduation namin, kung saan kami kumanta ng buong puso ng aming batch song, tumaas ang aking balahibo at tumulo ang luha.

Nakakamiss ang high school, ang grade school, ang La Salle Green Hills...

Nakakamiss ang asaran tulad ng mga amoy pasig, boy tamod, yellow teeth, sishon, enep, la plancha, lola facker, loser, pa-cool, etc.

Natatawa ako kung nagbibiruan kung sino ang mayaman.

Boy 1: Mayaman ka naman eh.
Boy 2: Hindi ako mayaman.

Sa totoong buhay, kung ako si Boy 2, babawiin ko ang sinabi ko.

Masaya ang hiraman ng porno. May supplier ang batch namin. Sino kaya yun?

Cool ang soldering iron. Cool rin ang kumain ng mabilis. Cool rin ang humirit. Cool rin mag-Weh!

Isang eksena sa class room:

(May humirit na di bumenta)

Buong klase: Wuuuuuweeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh (nakisabay na rin si hindi bumenta)

[sabay tatahimik - O.S. (okward silence haha)]

Buong klase: Wuuuuuweeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh

Si hindi bumenta: WEH!

*naalala ko tuloy, parang walang magawa ang guro sa mga ganitong pagkakataon

Susmaryosep...

Conyo? nah
Korny? medyo
Manyak? christian gentlemen (ehem)

Saturday, April 12, 2008

For All Eternity - chain letters, death threats and loves stories

"I wasn’t sure if this feeling is true. When I look at you, and our eyes lock each other’s sight, for that brief moment, time stops ticking; the melting glacier freezes; such wonderful bliss filling up every inch of my body. I feel empty when you shudder away from my gaze; I look away having regrets I gladly want to spit out. If this feeling is true, I hope it will fade away along with your gaze…your eyes…your lips…your hips...your thighs...you got me hypnotized. Ayo Technology!"

Thursday, April 10, 2008

Halina't sumama sa mundong puno ng sala!

Last March...

Punong-puno ng drama, stress, at kasayahan ang buwan ng Marso!

Hahahahaha!

Panalo si Pacquiao!
Nanood kami nila Quico, Eco, H, Anjo Tiks kila Anton! Pagkatapos ng laban, celebration!
Sabaw: Umalis agad si Quico na nagbigay ng pork chop. Hindi niya natikman.
Sunday na Sunday inuman? Palm Sunday pa :( Not proud of that...
Choice of words by the commentators

Panalo si PACMAN! Whattaface!

Masaya ang buong Pilipinas!
Nakakainggit si Katrina Halili!

Panalo Pacquiao! - H Dapat si Marquez! - Anton

ACTM Trilogy screening and Year-end party!
Adventure papuntang Makati kami nila B, Boyet (aka Tonio), Bianca, Jepoy, Dexter at JJ! Na-late kami pero party na lang! hahahahaha!

Ok lang ma-late! Buhbeng kasi kami!
Lasing na si Bianca (joke)
Masaya lahat! Wiheeeee! Hahaha aba humihirit pa si Dex!


Concordia and Supahpapalicious day!
Pumunta kaming Concordia, isang adoption center sa gitna ng motels. Naging early papa's and mama's kami nila Bit, Jepoy, Anne, Bianca, Patty, and Kid! hohohohoho!
Kakatapos lang kay G. Capilos!
So...
XOXO shot ni Bianca! The gossip: Marvin!
Si Kid may kid!
Buhay...
I love babies!
Anne loves her baby!
Patty loves her baby too!
Marvin loves his baby!


Masaya naman ang araw kaya let's end it with a group pic!
Masaya ang Marso!
Bday ko, bday din ni B!

Thursday, April 03, 2008

Strangers

Strangers

Life is not perfect. Sometimes what we desire the most we don't attain. Fate conspires against you.

Magis

To do more. To be more.

Tao para sa kapwa.

simulacrum...

Kalimutan. Liligawan. Mamahalin. Itatakda.

We are strangers.

Wednesday, April 02, 2008

WOOOOOOOOOOOOO - The Nature Boy Ric Flair

"To be the man, you got to beat the man" - Ric Flair

Una kong napanood si Ric Flair sa mga huling taon ng WCW, nung nawala ang WWF sa Star Sports. Naalala ko na medyo short tongue sya at nahihirapan magsalita. Ang angulo na naabutan ko yung anak niya inaatake ng isang kalabang wrestler. Yun yung mga early memories ko kay Ric Flair.

Napanood ko isang match nya sa huling telecast ng WCW Nitro, kalaban nya si Sting.

At dumating ulit sya sa WWE, at dito ko nakilala nang mahusay si Ric Flair! Favorite ko yung mageelbow drop siya sa mga bagay na related sa mga kalaban niya, yung magfflop siya, pati yung turnbuckle move niya, yung chops nya, at yung WOOOOOOOOOO!

16 time World Champ!! Wooooooooo! The Dirtiest Player in The Game, The Man, Limousine ridin', jet flying, kiss stealin', wheelin' dealing, son of a gun, Space Mountain, The Nature boy Ric Flair! WOOOOOOO!!!

Ric Flair's last match:










"I'm sorry...I love you." - Shawn Michaels

grabe... nakakaiyak...

lahat ng signature moves ni Ric Flair na execute! Cross body from the turnbuckle hahaha finally nakagawa na rin sya ng arial move!

Tuesday, April 01, 2008

So what's the point in all of these...

Tuwing math11, palagi ko'ng kinakanta kasama si Cj ang isang linya ng Will You Ever Learn ng Typecast; ito ang: "So What's the point in all of these/When you will never change..."




Ang sarap kantahin habang kumokopya ng notes at minsan habang sumasagot ng mga math problems. Gusto ko'ng sabihin na medyo ito ang tema ng aking unang taon sa kolehiyo. Mukha naman akong emo-poser nito pero kapag titingnan ang linyang ito, nilalaman nito ang mga cynical na pananaw sa kolehiyo at sa buhay.

"So what's the point in all of these..."

Isang eksena habang sinasagutan ko ang aking LT sa Math11...

Pera! pera! Mukhang pera!
Ang hirap naman nito!
Di ko naaral ito ah!
Mangopya nga? Damn!
gusto ko maging bum!
wala na akong pera, pano na yung chocnut flavored waffles ko sa Waffle time!?!
bakit ko ba sinasagutan itong walang katuturan na test paper!?!
Kamusta na si ate shirley?
Kamusta na crush ni edwin ejercito nung high school?
(nakakuha ako ng text galing kay edwin ejercito)
"Kami na" - edwin ejercito
(nag-reply ako)
"Kelan pa??"
(nag-reply siya)
"Ngayon lang habang nahihirapan ka sa LT mo!"
Walang sagot mula item 3 to 9
Shet nagaalisan na ang iba
AAAAH! Tawa lang ako ng tawa kanina! hahahhahaha!
hahahhahahaha!
(nagcomment katabi ko)
"Baliw"
Ang init
You know why joseph? - marcy
bakit?
Cuz I'm here - marcy awwww
So what's the point in all of these?

"When you will never change..."

Hahahaha may laman itong kanta! Kelan pa ba ako magiiba?

Saturday, March 29, 2008

Movies are great

Indiana Jones -> Star Wars -> Maynila: Sa Kuko ng Liwanag -> Tatlong Taong Walang Diyos -> Oro Plata Mata -> The Godfather Part 2 -> The Godfather -> Deer Hunter -> Tatlo, Dalawa, Isa -> Minsan may pusong nagmamahal -> Tinimbang ka Ngunit Kulang -> Eternal Sunshine of the Spotless Mind -> Before Sunset -> The Departed -> Citizen Kane -> 2046 -> Las Life in the Universe -> Pulp Fiction -> 5cm per second (hehehe!)

Monday, March 24, 2008

I miss you so much

I miss the days of doing nothing; having summer siestas; playing basketball; wishing upon to meet your crushes; swimming in Camp Crame; playing video games with cousins; having nightmares; eating and not getting fat; having your first kiss; blowing a plastic balloon; going to summer reviews; sleeping all day; having your breakfast after lunch time; star gazing; going to church; watching movies; despising and loving noon time shows; surfing the internet for porn; drinking ice tubig; I miss You...

kailangan sumabay sa agos ng panahon. Takte nga naman.

Saturday, March 22, 2008

March Madness!!! OH YES!! OH YES!!! ang daming nangyari... wala pa sa kalahati yan

Isang Buwan

Birthday - March 1, 2008

Fun day! Salamat sa lahat ng pumunta! Sayang di nakapunta ang iba... Minsan lang ako manglibre at magpapasok sa bahay kasi introvert ang aking pamilya. Pictures care of Anton Angeles

Parang Silver Swan ang mukha ko...
Mga mama sa park...
3G boys... hahahaha! PK is so cute (define cute)

boys! Boys! BOYS!

girls! Girls! GIRLS!

Aldwin! Marj! Kid! Washing Machine!
Sushi....
Lit14 Play Presentation
Our group presented Chicago!!! Standing ovation kay Kid, Betsy, Marj, Gaby, Pam, and Luigi! hahaha! Pictures care of Elise Lim!





Wiki 2008 (mini salita ng taon conference)
Nominado ang sampung salita mula sa mga klase ni G. Jelson Capilos kabilang ang aking salitang BELO! Nanalo ang salitang UNLI ni AC! picture care of Nixie Garcia

Ginoo at ginang!

Mga kaibigan at kaklase...


Sa mga alaala aking ihinandog
Sa isang pahina ng aking blog
Kelan man di makakalimutan... nyeh!

Wednesday, March 19, 2008

One of Lino Brocka's finest film: Tinimbang ka Ngunit Kulang

Yes it is holy week again! It is a time for prayers, bisita inglesia, at dvd marathon. Naalala ko pa nung bata pa ako, ang mga pinapalabas noong semana santa sa Abs Cbn ay puro mga malulungkot, luma, madilim na pelikula tulad ng Tatlong Taong Walang Diyos, Maynila Sa Kuko ng Liwanag, at Himala. Ngunit ngayon paki naman natin sa mga lumang palabas dahil pwede namang manood ng mga latest movies gamit ang pirated dvds! Kung may irirekomenda ako, tamang tama na ipamahagi ko ang isang pelikula na pupukaw sa isip at puso ng bawat kapwa at iiba ang pananaw nyo sa pelikulang Filipino, ang pelikulang ito ay ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang!

It is a growing-up story of a boy in a town full of hypocrisy, deceit, and corruption.

Tampok sa pelikula sila Hilda Koronel, Eddie Garcia, Lolita Rodriguez, at Maria O Hara! Pusta ko isa o dalawa lang ang kilala nyong artista na nabangit ko ngunit mga kilalang artista ang lahat yan! All star cast ang dating niyan!

Ang pelikulang ito ay na-spoof ni RA Rivera sa music video na Wasak ng Radioactive Sago Project!

Wala lang... nyek!

pic from www.video48.blogspot.com

Monday, March 17, 2008

Search-In Core '08

I am proud to see my young brothers to grow up as full blooded La Sallians.

Habang nakaupo sa isang sulok ng conference room kasama sila Rob, Niki, at Anton, di ako makapaniwala sa tuwa dulot ng walang patid na pagusbong ng aming mga kapatid...

Si Jerik, inuumpisahan ang bawat sasabihan ng: "Nakausap ko nanay mo..."

Si Jio na labas pasok sa kwarto tinitingnan ang bawat nangyayari...

Si Kim na nakaupo at kalmadong binibigkas ang mga panuto at jombag moment...

Si Ash na nakatambay sa sofa, nakikinig, naniningil ng pera sa mga faci...

Si Ricky na halos lahat ng activities naandun, nakikisabay ang lahat sa english nya...

Si PauGar na di mo akalain nilampasan ang sidekick at pinatunayang karapdapat...

Si Ryan na minsan nahuhuli ko di nakikinig sa obj. rep (halata sa mata) pero bata namin yan ni PD...

Si Ian na tahimik pa rin pero kung kumilos, kumikilos talaga... magaling na bata...

Si Willy na ang kumapare ni Jio, noon pa hanggang ngayon walang nagiba, sana maging CL teacher sya...

Si JP na biglang tumangkad, matatag sa bawat retreat parang Cobra...

Si Pepabit, hahaha... kasing gwapo ng kapatid, silent but deadly...

Sila Froilan and the other senior inners na sobrang laki ang binigay sa Search-In palaging handa, tumutulong, at tulad ng mga ibang Inners na naggraduate, nakapagbago ng buhay....

Ang mga third year nakatambay, pianpanood ang mga seniors, natututo...

Ang sarap talaga maging Search-Inner...Sobra


Walang paalam, kundi kita kita na lang...

Sunday, March 16, 2008

So what's the point of all of this when you will never change

So this boy came in late with his flowers for his girl.

Then?

The girl slapped the boy. The boy dropped the flowers.

Gumamela. Sampaguita. Rose.

"You never did anything right?"

Ok. ok. ok.

Uhm...

I need to discipline myself. I'm fooling myself. i'm procrastinating...


Saan na sila?
Hindi naman pala tunay ang nangyari.
Akala ko may pinagmulan. Akala ko may pinagsamahan.
Nagsawa sa isa't isa. Nawalan ng gana. Kung magkita walang halaga.
Bukas pinagkatiwalaan ang kahapon.
Ang kahapon iniwan ng bukas.
Saan na sila? Saan na kayo? Saan pa kayo sa pagkakaibigan na walang wakas?
Hanggang hukay di ka iiwanan...Hanggang hukay ika'y pasasalamatan.

Dedicated to Sarah Geronimo


Nahanap ko
Labas pasok. Labas pasok. Abutin ang langit wag pipikit.
Prutas mula sa puno ng buhay ipamalas ang ligaya sa bawat kagat.
Paalam...paalam? Tanungin mo si Bathala! Nahanap ko?

Pinalitan sa isang saglit na magpakailanman iniisip.
Ikaw ako siya... Siya - ayaw umarangkada, di ko mahagilap, ngiti ang hanap
Ako - pataligod nakapikit, dilat pikit. dilat pikit.
Siya - kasakdalan ng aking pag-ibig... ayaw ko na managinip.

Dedicated to Loren Legarda

Muling ibalik
Hindi na maibabalik ang dating kilig.

Senti
Bkt ganun... kanina lang ang saya pero sa isang iglap... wala na.

Nung hindi pa uso ang emo... senti ang tawag sa mga taong nasa isang sulok. Naalala ko si Jarryd Bello, isang kaibigan. Habang nakasakay kami sa kotse ni Vincent Villacorte, nasa isang sulok lang si Jarryd, nakatingin sa labas, tila malalim ang iniisp. Papalitan na ni Vincent ang kantang pinapatugtog, love song, pero hindi pinayagan ni Jarryd... Senti mode ata sya noon.

Saturday, March 08, 2008

The Wonderful World...

Hay...

Nasaan na ang barkada kung kelan...

High school skit...

Washed-up acid drama...

at...

black ang lumabas.

Thursday, February 28, 2008

Kapit sa Patalim! Bayan ko makinig tayo!

Pro-truth!

Tutol ako sa pagtawag ng pagbaba sa pwesto ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Bakit? Porket mapatalsik si Gloria tapos na ang problema, malamang hindi! Kung mapatalsik si PGMA (which I doubt, promise seryoso), parang umpisa na naman tayo. Ang hangad ko sana ay ang makita ang katotohanan sa likod ng ZTE scandal at sana sa mapayapa at mabuting paraan. Paano makakamit ito? Tapusin ang imbestigasyon kay Jun Lozada at ang ZTE scandal. Idaan sa judicial process ang mga ebidensya, kwento at kung anu-ano pa, kung mapatunayang totoo ang mga sinasabi ni Jun Lozada at ang mga allegasyon sa ZTE scandal, kasuhan ang mga sangkot sa scandal. Tapos! End! Fin!

Wala na bang naniniwala sa tamang paraan para malaman ang katotohanan?
Sa isang tao lang ba umiikot ang mga kabalastugan ng gobyerno?
Makakamit ba ang katotohanan sa pagpatalsik ng presidente?
Ang basehan ba ng ingay ay mga haka-haka?
Paano ang mga nasa ibang lalawigan, payag ba sila sa mga nangyayari sa Manila? May boses ba sila?
Paano ang pork barrell? Milyones ang napupunta sa mga senador saan nagagastos?
Ginagamit lang ba ng mga politiko ang mga pangyayari para magpapogi sa susunod na halalan?
Kamusta si Binay?
Kamusta si best friend ni Jun Lozada Jr. sa La Salle Green Hills?
Kamusta ka kaibigan?

*kung ako'y sisigaw: "PGMA please make Neri speak...hopefully it will do no harm." or "Tangina Neri your a big boy na, you make usap usap na." (conyo)

Stop the shout for resignation! Napapaos rin ang boses.
Stop listening to rumors! Seek the truth! See all POVs! Wag maging one sided! See Vantage Point (starring Dennis Quaid, Matthew Fox and Forest Whitaker)

Call for the truth! Do something that will really help this country!

Mga elitista lang ang nakikinabang...sigaw nila ang napapakinggan!
Bulong ng katotohanan di marinig...kung tatahimik at makikinig muna baka tayo'y maliwanagan!

Kung magkakaPEOPLE POWER... its premature ejaculation (got it from Joem Segovia)

Wednesday, February 20, 2008

"Hindi ka nag-iisa!" and "You made me cry Jun Lozada moment"

The truth is being twisted everytime the people allegedly involved are speaking and even those who aren't.

Oo kaibigan. Di ka nag-iisa sa walang sawa pagjakol ng media sa moro morong nangyayari ngayon sa Senado. Isang palabas lamang ang lahat, kung kelan hinihintay lang ng camera ng isang moment tulad ng "sayaw ni tessie aquino" para magkaroon ng half-baked People Power. Ang lakas ng media noh?

Aaminin ko para akong Katolikong naapektuhan ang paniniwala sa pagnood ng Da Vinci Code. Pero...

Ang pinakayaw na ayaw ko na ginagawa ng media ngayon ay ang pagbibigay kulay sa apo ni abalos at anak ni lozada na parehong nagaaral sa malupet na paaralang La Salle Green Hills. Ayon sa media, naapektuhan ang pagkakaibigan ng dalawang bata dahil sa nangyayari sa moro moro. Sigurado ba silang magkaibigan yang dalawang bata! Tangina baka di pa nga sila magkakilala. Nilalagyan ng angulo para lang maintriga ang publiko sa mga nangyayari. I bet sobrang pressure sa dalawang bata dahil sa bigat na hinatol ng media sa kanila. Tangina ginawang drama para bang mga vendetta/revenge themed shows ng GMA ang mga sitwasyon ng mga bata. Akala ko katotohanan ang hanap ng media bilang serbisyo sa bayan...

I KNOW WE CAN HANDLE THE TRUTH! WE'RE NOT DUMB!

Signs of the Apocalypse (Delubyo na toh!)
Ateneo and La Salle join together to seek the truth! Jesuit priests and La Sallian brothers holding hands in Ama Namin! Diyos ko!

hahahaha! ang saya nito ah!

Thursday, February 14, 2008

Elitista

Lasalista

Lumaki ako sa paaralan ng La Salle Green Hills na kailangan ngumiti at tumawa. Kung tatahimik para makaangat ang iba, gagawin ko. sabay ngiti at tawa. Sumama sa kabalastugan at maging maniac, gagawin ko sabay ngiti at tawa. Kung tinatawag ng panahon para mamnuno, gagawin ko sabay ngiti at tawa. Basta wag lang may mabungo na mas nakakataas. Ngiti at tawa.

Atenista

Cockpit. Cock. Cock. Cock. Eagle. Green Eagle. Blue Archer. Blue Eagle.

Jologs. Baduy. Jologs. Abnorms. Weirdo. Peste.

Tangina, ano ba talaga kuya bodjie?

Mga elitista
With great pride, the house of Mr. Cheng Sun offers the reality of life. A fine sampler of bugbogs made of dreams, formaline-soaked tentacles of desire, and San Miguel Drunked Roast chicken. The house of Mr. Cheng Sun promises to usher new managers to american diction machines. With their accounting and financial management skills, the new managers of Mr. Cheng Sun will be the crying shoulders of those in Amrica.

But...

Its your choice on how you perceive things. The house of Mr. Cheng Sun does not guarantee your success. Sure we heard of riches to richer stories from seminars and tarps, but the bottomline is how will you use your diskarte on the real world.

Gewang naman mga elitista! Sumabay sa naririnig na alon sa kabibe! Hinto! Pakingan naman ang sarili.

Ooooh! Can't touch me. Make me melt. I'm your bitch.

Food needs money.

Ayoko na pumasok. Nakakatamad. Parang tangina, kailangan ko ba pagaralan ang mga ito. Isusuka ko rin ata yan.



Valentines Day... ayayayayaayayayayyayayayaaay!

Thursday, January 31, 2008

Postmodernism, postcolonial, cyborg babes at biker mice from Mars! Real men cry, big boys whine

Sama ng loob para sa pinakamataas na tinitingalaan...

YAW KO gawin yung ARP, nakakawalang gana... Kahit tungkol pa sa Philippine cinema yung topic eh pech pech talaga! Where's the gusto and passion sa ginagawa ko? Requirement lang ang lahat... Di ko na-i-enjoy yung paper. Kailangan ba maging masaya sa paggawa ng papel?

Malamang oo para sa akin. Bakit? Kasi bakit ka suslat tungkol isang bagay na alam ng propesor mo wala ka namang alam. Malamang dapat dalubhasa ka dapat at kailangan mo ipagtanggol ito.

SA PAGMUMUNI KONG ITO, nakailang bilog at ekis at komentaryo na ang nagawa kung ganito ang magsulat para sa mga Filipino papers ko.

Pinupuri ko si Ginoong Capilos. Siya ay isang guro na nagiiwan ng marka sa bawat estudyanteng nakasalamuha niya. Pinupuri ko sya dahil bukang bibig ng mga estudyante nya ang kanyang pangalan. Para bang kung itatype mo ang pangalan niya sa Yahoo search box, sa letrang C palamang ang dami ng suggestion searches na tumutukoy kay Ginoong Capilos. Pinupuri ko sya dahil sa tila shock doctrine nyang pagturo at pagbigay ng mga long test at quiz. Mapapahiram at mapapabasa ka ng mga librong kasing kapal ng bibliya dahil ayaw mo ng bumaksak. Kailangan mo magbasa, magbasa, magbasa, magbasa. Pinupuri ko si Ginoong Capilos dahil imbis na maakit na magsolo at mangiwan ng ibang kasama sa mga kanyang pinapagawa, kailangan talaga magtulungan at sumikap para bawat isa sumaya. Pinupuri ko si Ginoong Capilos dahil iiba ang persepsyon mo sa bagay bagay na pumapalibot sa iyo...

bukang bibig ng kanyang estudyante... fade in...

Mixed tapes, dirty ice creams and a world filled with sala

Nalulungkot ako... gusto ko sana syang makasama... pero... pero... di ko maitindihan.

Thursday, January 24, 2008

Libog

Sasali ako sa aqualathon (correct ba?) sa Ateneo!

BRING IT ON ATTITUDE!

"Bring it on!" - Lex Luthor, Superman Returns

Dapat harapin ang hamon ng buhay. MATH LT man yan o FILIPINO paper, dapat wag matakot!

Friday, January 18, 2008

Christopher De Leon

Mr. Kebab!

Kung kumakain kami ni B sa Mr. Kebab para bang pamura nang pamura ang kinakain namin.
Mga na-tikman na naming putahe sa Mr. Kebab:
1) Ox brain - para kaming kumain ng balut na walang asin at sabaw
2) Yogurt shake - lasang yung mayo sauce special ng Mr. Kebab na may
3) Keshmeshy - kanin na may halong beans, beef, at raisins
4) Beryani - beef curry na may beryani rice, mahalimuyak, makulay, masarap

Eh ano naman kung kumain kami sa Mr. Kebab?
Masarap sa Mr. Kebab dahil mura at marami-rami naman ang kanilang serving!
Nag-order kami ni B ng Ox brain, roasted tomatoes, shawarma in plate, beryani rice, yogurt shake, keema at dalawang softdrinks at 270 pesos lang ang nagastos namin! Busog ka pa at mura pa! Mideast food pa! hahhaa pero karamihan ng hinahain nila ay pareho lang na iniba lang ang sarsa, pagkaluto at pangalan! KESHMESHY? KEEMA!? CHEKENI!? POKNAT?
Bakit si Christopher De Leon sa kanyang mga palabas kung nagagalit na siya, nag i-ingles? hahaha perfect example yung Blue Moon!
Kaya ako nawala ng ilang linggo, dahil sa mga Filipino paper.
Ngayon ko lang naramdaman ang tinatawag ng mga atenista na HELL WEEK! Walang kamatayan na puyatan.
So nawala ID ko. Gastos...gastos...gastos...

Friday, January 04, 2008

Being vain and all that jazz

My two-piece fashion sense can't lift off to euphorian heights!

ang sabaw ng phrase na ito, pero mukhang cool kasi...

ano ba ang cool? ikaw ako lahat... ewan?