Friday, March 31, 2006
Fumes of Summer Wreck!
Niki is right. Our main priority is to study. Reap the investment of our parents. Achieve goals and just face reality. Time will test us. Time may beat us but still the desire to achieve and persevere is there.
Grounded
Lately, I have been abusing the freedom my mom gave me. Yeah... I'm not proud of what i have been doing for the past few days; going home past 12, spending money, being a bum.
Yesterday, my mom got mad because I forgot to text her when will i go home. I knew I was dead meat. I came home 3am...my mom said i'm grounded. No more going out and no more retreats(search-in & LYC). Grounded.
I will miss the Search-In Formation Camp...Sayang I love Search-In but I made a big chicken steak mistake!!! I can't go anymore to any trips of LYC in helping children!!!
I was stupid. I was abusive. I was stubborn. I was insensitive. To sum it all I was not a good son and I have made my mom's life a living hell.
Too sweet
Syrup. Sugar. Honey. They're all sweet. Too much of these may kill anybody. It is not healthy. It may ruin our teeth and it is fatenning.
Sweetness hides the undesirable tastes man cannot stand to try.
Thursday, March 30, 2006
Wednesday, March 29, 2006
Name that band..
Sleepless and restless, I came up with a list of bandnames for the aspiring bands out there without a name!
- Jojo Diaz and the Huguenots
- Karma
- Sleepyheads
- Shylock
- Romanov
- Burgerhut
- Betsin
- Yellow Tocino
- Sopas
- Catch The Band
- Espanya's Best
- Tolero
- Boldstar
- Bandarito
- Sprakatutu
- Fushnini
- Kirimba
- Melted vase
- Sponge Cake
- Electric mouse
- Celophane
- Smiling monkeys
- Machete
- TYF
- IOU
- Heavy Load for Martin
- Gibraltar
- Sun of the Rising Mercury
- Statement Shirts
- It's Past 7
- Recess
- Flying Cow
- Cancel the way
- Backspace
- 13:04
- 0921
- Moonies
- Spam
- Shidlings
- Shaun and the Krystals
- Skyshoots
- Shooting stars
- No sugarless
- Oilers
- Dina's
- Danny's
- Clisters
- Harlequins
- Castrated Vienna Sausages
- Crying Owls
- Blueberry Muffin Dolls
- Ken's Bed
- Pulburon
- Crackling Yema
Corny but fun...
summer bum
Officially ako ay isang bum...
Summer bum...
Kain, tulog, nood TV, kain, Internet surfing, tulog...sa bahay, buhay baboy
Walang magawa kaya labas lang ng labas...ginagabi sa pag-uwi, gastos diyan, gastos dun...ayoko ko na...
Kelan pa ba? Bukas? Mamaya? Next century?
Tama, naging summer bum na ako...
Ayoko na...sawa na ako...gusto ko na lumaya...
Tuesday, March 28, 2006
extimox
Fati
And yeah here she is fati! Fatim!? Potchi...Hahaha talented, as in sobra, dahil sa mga kanta, acting, photo, video making...hahaha ang dami noh?? Saan niya nakukuha ang lakas? Hmmm maybe good karma! Anyway hindi ko pa talaga napasalamatan si Fati sa pagtatiyaga niya nagmagreply sa kakatxt galore ko at hindi pa ako nagsorry sa kakakengkoyan na pinaggagawa ko at sa mga ewan na punong-puno ng kaelklatan. Uhm yes...fati has a beautiful smile! hahaha yah da dimples and smile, smile, smile... Di ko siya nakita na sumimangot...at ayoko makita dahil ewan. Hmmmm hahaha ang galing galing...Nakailang reco letter na ako sa kanya and every word i mean it di ko lang masabi ng diretsahan pero hahaha may papel at ballpen kaya yun. Alam ko na hmmmm may kasalanan ako...kasi ang kasalanan ko ay may halong pagsisisi na sobrang ewan...minsan natutulala na lang ako...oh my may sayad yata ako. Minsan na lang kami magusap or ym or txt kasi kasalanan ko rin dahil sobrang nahihiya na ako...yah sa sobrang kapal ng mukha ko sumayaw sa dancefloor ng mga pinuntahang kong events tulad ng mga party...nahihiya ako. Yeah napakaloser! Wah! Nasabi ko na yng smile? And ang sarap kakwentuhan, no dull moments dahil sa kaniya. Tandaan ko pa nung pinagdisketahan namin ang KAMAO at at at at...Think its cliche? ha...cliche na kung cliche kung ganun talaga ang isang kaibigan...At ito na sobra akong na wow kay Fati ay dahil napasa niya ang ATENEO! Yes, tama, ang school na may malaking ibon na kala ko nung bata pa ako ay sabungan! Honestly, naging siyang motivation sa akin para magexcel sa academics, sa awa nman ng Diyos wala namang bagsak! I'm proud for her...sobra...I mean yung ginawa niya ay achievement na mismo! Nung nakuha namin yng EXPERTS na brochure hinanap ko name ni fati and wow...pinagyabang ko pa sa mga katabi ko na kaibigan ko toh! Kung nasabi ko lang sa kaniya...nothing will happen pero...Hahaha Yes she's Fatima...and she's d best...at siya palagi yng maalala ko kapag toy r us na ang dreamscape! hahaha labo...pero may mas malabo pa...ang mata ni Ray Charles at ni stevie wonder!
alex
Si alex ang babaeng diyosa sa kanila, balita ko dami niyang fans sa don bosco! Minsan tatahimik, minsan woah! Paano ba kami nagkakilala? Aha dahil sa isang dinosaur, itong dinosaur na ito ay ewan! Hahahaha and yeah she's always there sa Proj. 3! Hahaha dalawang tricycle ayun na sa bahay niya! Hahaha diretsahan niya sinabi sa akin na torpe ako. Waw... hahaha and alex is a friend na gagawin lahat para lang sa isang kaibigan. Yah...tanda ko pa yun...Ay naku kung alam lang ni alex na isang gabi bago kami lumabas, nanaginip ako at si alex ay naandun. Alam ko na premonition na yun...bigla akong nagising at tiningnan ang cellphone ko...nagtxt si fati na di tuloy ang lakad dahil nagkasakit si alex...So yun, naniniwala ako sa premonition na yan isang halimbawa nga ay si Alex! hahaha to be honest ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan tulad ni alex, as in kahit maliliit na bagay na sinasabihan niya ako, na dapat walang hiya hiya na or mga bagay bagay na ginagawa niya, as in ang laking bagay na sa akin yun... hindi ko talaga makakalimutan and sa mga bagay na yun hindi ko magawa si Alex pa tlaga ang gagawa na kng ano-ano.......Si Alex talaga.
These two friends of Joseph will always be a part of him...they won't be memories of the past that he'll going to tell but they'll be his friends...
Hope you don't find this mushy or anything because this is a tribute... :D
Di ko alam bakit nagkaganito-ganito ang buhay...may purpose ang lahat...di ko lang ma-take ang walang hanggang kasalanan na mas malala pa sa lahat ng kasalanan: ang walang ginagawa!
Saturday, March 25, 2006
First of Summer
Vainsanity
Can this be a beginning of Marlon's party career? Vainsanity, a batch party organized by Marlon and SPAS(Sexy Princesses and Sluts), was a success.
I heard from Cj Maloles that it was wild and fun. He said he was shocked "na naghahalikan sila". One thing that happened raw according to Cj was all the SPAS went inside a room "at magpapalit sila". Hmmmmmmmm...
This all happened within 24 hours... March 22-23
Kapitolyo's very own Tippy
Tippy celebrated her 17th birthday on a house, on a tricycle, on the street of Ortigas, on ice, on Marlon's mansion...literally everywhere!
I went to Philip's place and Mike was already there. Sabay sabay na kami pumunta sa Kapitolyo where Tippy lives. Kasalanan ni Mike na pinuntahan namin ang house ni Tippy, hindi naman dapat dahil sa house ng tita niya. Wla na ang transpo ni Philip, nawala kami sa napakalaking lugar ng Kapitolyo. Naiwan ko pa bag ko sa car ni Philip. Nagtrike kami papunta sa house ng tita niya pero pagbaba namin hindi pa namin mahanap. Lakad ng lakad ng lakad kami hanggang pinagpapawisan na kami, nagdecide kaming magtrike ulit. Wala pang ten seconds, andun na kami sa bahay ng tita ni tippy.
Pagdating namin, si Aaron ay nagluluto ng chicken steak with mushroom sauce! Haha dumating na rin sila lap and mga kabarkada ni tippy. Haha ang dami kong nakilala, mga familiar faces na di ko kilala, mom and tita ni tippy, kapatid ni tippy and lourdes friends...grabe ang dami. Dumating na rin sila Tippy tapos sila Agie, Tala, at Aset. Kami naman nila Mike, Philip, at Aaron ay nagpahinga at ginamit ng todo-todo ang 29K pesos na camera ni Philip. Pinabayaan muna namin sila Tippy para magsaya. Uhm actually nahihiya lang kami dahil apat lang kaming lalake tapos sila woah...
Kumain na rin kami at ang sarap ng handa. Masarap naman yung niluto ni Aaron pero ang layo ng itsura sa tinuro ni Mr. Nicdao. Sunog sunog...haha sorry aaron pero sabi nga ni Mike "masarap ang sunog". Yung dinala ko na Butterscotch na gawa ng mom ko ay masarap according sa mom ni tippy. Wow haha thank you.
Pagkatapos kumain, kinabit nila ang Magic Singalong (www.enter-tech.com). Magaling si aaron dito as in wlang hiya ang pagkanta. Ako naman...ang sama di ako makasabay sa beat. Sumakit ng kuonti ang tiyan ko dahil sa red wine. Hmmm tama nga si Lap, wag ako uminom bka mangati ako, allergy na namana sa Mom ko. Dapat may presentation at sumayaw nga ang iba. Si Mike ay tinuruan pa ni Agie, dating kinakatakutan ni Mike, sumayaw ng moves na woah...kung-babae-ka-lang-kaya-mo-ito-gawin-dance moves. Nahiya pa sila aaron at naglaro ng billiards. May number ako kaya sinayaw ko na... Shattered Dreams! Kung may Madonna nga lang pwede ko na gawin yng tinuro sa circle 134! hahaha! Nang sumasayaw na ako sumali na si Aaron! Ang galing talaga ni Aaron! Hahaha showstopper!!!
Hahaha! Ewan ko pero palaging masikip sa inuupuan ko noon sa birthday ni Tippy. Yup, si Lap ay nasa party. Wow, pinagdisketahan ng mga kaibigan ni Lap yng pic niya. Nakataas kasi yng big toe niya hmmm tapos yng background walang katulad...scotch-taped at tie-dyed!! Napagplanuhan na mag ice skating sa MegaMall. Hahaha nakakita na ba kayo ng limang babae sa isang tricycle? Hahaha yun ang nakita ko!!! Sumakay kami sa tricycle papuntang MegaMall. Nag-ice skating kami and first time ko.... (flashback: shit! sayang noon!) haha yun ilang hulog at dapa... natuto na rin!
Natapos din ang lahat sa Mcdo ng St. Francis Square! Wow... naguwian na ang iba...natira na lang sila tippy pero di pa tapos ang gabi namin nila mike, aaron at philip dahil may class party pa kami kila Marlon. Ininvite nila Aaron sila Tippy. Pero para sa akin...medyo hindi naisip nila na sobrang hassle kila tippy dahil gabing gabi na and wala namang transpo taxi lang naman kami. Kinausap ko si Philip tungkol dito na nakakahiya kila tippy. Dapat sasama si Lap pero nagtxt mom niya na umuwi na sya... mabuti naman kasi nakakahiya.
3G party!
Late na kami nakarating sa party pero ok pa rin. Pagdating namin smoking galore ang 3G! Yup...teenage smoking is bad! Takbo agad ako sa loob ng mansion ni Marlon at yun ang 3G nagiinuman at seryoso sa Poker!!! Ang saya ng feeling na ganito, makikita mo ang mga kaibigan, kaaway at mga ka-goodvibes na wala sila sa kanilang uniform...mga teenager lang ang lahat! Walang manga pa-cool at kung anu-ano! Aaminin ko astig ang fashion ng 3G!
May videoke, mga gay magazine, TV na nagoverheat na naging 3D glasses ang kailangan para makanood, may boy bawang, may turon(favorite), may gin pomelo, may tequilla, may ice, may fin, may shot glasses, may aso, may pusa, may... hahaha ang dami!!!
Sa sobrang bangag ng class, nakuha pa naming magstrip taguan! Taguan siya na kapag nahanap ka kailangan mag strip...what a fun and stupid game! Grabe ang transformation ko...from boy next door porma na naging karpinetro look! Ay grabe swear hindi ako naglasing...tlagang bogsa lang talaga ako dahil sa sobrang hyper! hahaha dis one's for you niki!!!
Nalasing si Aaron at sila Tippy dahil naman pinupod sila ng mga drinks! Sorry tippy and tala...Haha hmmm si LA talaga sayang daw sabi ni Tippy! hahaha anyway may kiss naman cguro sila! Late na umalis sila Tippy and nagaalala si Lap ng sobra kaya yun hindi siya makatulog. Sinamahan nila aaron at didik, na sobrang proud ako na napakagentleman at tunay na searc-in bro ko, sila Tippy pauwi. Nagkaroon nga ng conflict kila Vic and Aaron, actually medyo over lang si Aaron, mabuti na-settle ng maayos dahil kay Didik!
Kinalimutan ko muna ang mga problema at nagpakasaya sa ilalim ng buwan at mga tala... Salamat 3G! Salamat kay Niki dahil kung wala siya nung start ng skul year walang tatawa sa mga jokes ko at hindi ako naging mainstream(haha parang banda). Salamat kay Marlon for the venue haha sa pagiging open! Salamat kay LA dahil siya ang muse namin. Salamat kay Jaime kahit wala siya. Salamat kay Vic dahil nakauwi ako. Salamat kay Aaron, Mike at Philip dahil sa woagh! Salamat kay jeric and the basketball team dahil nakatikim na rin ako ng championship sa buhay! Salamat mga search-in bro's ko sa 3g! Salamat kay Dae for the glasses! Salamat... kita kits muli 3G!
Nakauwi naman ako pero personally gusto ko matulog sa couch at huling marinig ko ang mga halakhak, kantahan, at kulitan bago ako makatulog....
tapos next day Miriam prom...susmaryosep.
CONGRATULATIONS SA MGA KAIBIGAN KO SA SHS! GRADUATE NA SILA!! YIHEEE!!! FATI! GEC! ALEX! KI! IZELL! atbp!!!! wuhooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo!
SUMMER...walang pasok...walang tulugan...walang problema....
Wednesday, March 22, 2006
Summer
I will say only one thing about the whole circle 134 retreat: bittersweet.
Survey says...
Ito ang survey namin sa batch... ang mga "cool", "kinababaliwan" at mga uso! An inside look of LSGH culture!
Ano ang “kinakabaliwan” na porma?
- Ito ang vintage na porma.
PORMA
vintage
54
dirty
7
Rocker
10
Feeling-summer-na
17
boy next door
41
sporty
27
hip-hop
6
Ano mas gustong suotin?
-sneakers
Tsinelas/ sapatos
Chucks
45
Slippers/sandals
37
Futsal shoes
10
Sneakers
47
Rubber shoes
42
Importnate ba ang pangalan/brand sa mga sa sapatos/tsinelas
- Oo
Importante ba ang brand sa sapatos/tsinelas?
oo
77
hindi
38
Orig o peke sa paa?
- Orihinal
Orig o peke sa paa?
Orig
102
Peke
17
Pinakababaliwang brand ng sapatos?
- Nike
Brand
Converse
29
Nike
57
Adidas
35
Havaianas
36
Lacoste
22
Ano ang mas gustong suotin?
-tamang tamang jeans
Pants/shorts
baston pants
21
loose na jeans
27
tamang tamang jeans
80
khaki shorts
26
makulay/flowery shorts
9
Importante ba ang pangalan/brand sa pants/shorts?
- Oo
Importante ba ang brand sa pants/shorts?
oo
59
hindi
57
Orig o peke sa pants/shorts?
- Orihinal
Orig o peke sa pants/shorts?
orig
82
peke
14
Pinakababaliwang brand sa pants/shorts?
- Levis
Brand
Levis
45
Bench
41
Human
22
Dockers
15
Lee
20
Ano mas gusto mong suotin?
- t-shirt
Pangtaas/shirt
vintage/statement
38
polo
29
polo shirt
47
ordinaryong colored shirt
54
long sleeves
22
t-shirt
80
jacket
30
blazer
9
Importante ba ang pangalan/brand sa pangtaas?
- Oo
Importante ba ang brand sa pangtaas?
oo
71
hindi
44
Orig o peke sa pangtaas?
- Orihinal
Orig o peke sa pangtaas?
orig
103
peke
22
Ang “kinababaliwang” pangalan/brand sa pangtaas?
- Bench
Brand
Bench
45
Polo
29
Human
20
Lacoste
32
Ralph Lauren
14
Billabong
26
Ang “kinababaliwang” tambayan?
- Bahay
Hang-outs
Lugar
Robinsons
28
Greenhills
35
Rockwell
34
Greenbelt
41
Shangrila
23
Eastwood
42
The Fort
23
Sa bahay
72
Isa sa rason na masginugusto ng mga taga-ikatlong taon sa bahay dahil libre, mas comfortable, at kahit ano pwedeng gawin.
Anong uri ng musika ang pinakikinggan ang kinababaliwan?
- RnB
Uri
Rock
61
RnB
71
Hip-hop
50
Senti/love/ballads
55
Classical
15
Folk o parang tunog Ifugao
2
Novelty
6
Ano mas pinapakinggan, OPM o banyagang tunog?
- Banyagang tunog
Ano mas gusto mo pakinggan?
Opm
50
Foreign
72
Hinahanap sa musikang pinakikinggan?
- Ang liriko
Pinakahinahanap sa musikang pinapakinggan
salita/liriko
67
instrumento
40
kumakanta
39
mensahe
45
May banda?
- wala
May banda ka ba?
meron
18
wala
99
Tumutugtog ng instrumento?
- Oo
Marunong ka ba tumugotog ng instrumento?
oo
64
hindi
50
Ano mas hilig, pinapakinggan o pinapanood ang musika?
- Pinapakinggan
Ano mas gusto mo?
Music Video (pinapanood)
13
Radyo o Ipod (pinapakinggan)
21
Digicam
- Karamihan marami ang may-ari ng digicam.
Meron ka bang digicam?
meron
77
wala
40
iPod
- Karamihan walang iPod
Meron ka bang Ipod?
meron
41
wala
67
Cellphone
- Halos lahat meron.
May cellphone ka ba?
meron
116
wala
1
Cellphone na may camera.
- Halos lahat meron.
May camera ba cellphone mo?
meron
88
wala
28
Ang “kinababaliwang” brand ng cellphone?
- Nokia
Brand ng cellphone
Nokia
82
Sony Ericsson
23
Samsung
4
Motorola
9
Friendster.
- Ito’y kinababaliwan marami ang meron nito.
May friendster ka ba?
meron
101
wala
11
Multiply
- Kukonti ang may Multiply.
May multiply ka ba?
meron
42
wala
75
Blog/online
- Kakuonti lamang ang may ganito.
May blog/online journal ka ba?
meron
23
wala
94
YM o chatting.
- Ito’y “kinababaliwan” halos lahat merong account.
May YM ka ba?
meron
97
wala
20
Mga laro sa computer.
- Ang “kinababaliwan” ay ang DOTA.
Games
DOTA
55
Ragnarok
11
ROSE online
2
Counter Strike
47
Generals
21
RF online
14
NBA Live 06
48
NBA 2K6
27
RAW vs. Smackdown
30
Warcraft
42
Pagkain
- Choco-choco
Break time food
Choco-choco
34
Stik-o
20
crepe
11
Munchers
18
Siga
6
Boy Bawang
16
turon
20
garlic bread
19
balls
19
Jimini's Pizza
20
French fries
20
noodles
23
rice cake
5
sisig
30
donut
27
candies
30
Inumin
- Ice tea ang gusto ng lahat.
Break time drink
tubig
45
juice
43
ice tea
78
Milo
12
Nescafe ice
12
kape
3
bottled gulaman
28
soft drinks
7
RAPE!!!!
I read the news and I was dissappointed. The headline: "DoJ may drop raps vs 3 of 4 GIs in rape".
Ganoon ba kalakas ang impluwensiya ng US sa ating bansa? Kahit ang hinihingi nating hustiya ay hindi makuha! Nakakaasar talaga kasi bali wala ang mga ebidensya uhm eh kuonti din naman ang ebidensya kasi...
Para mabuhay ang issue dapat extensive ang coverage nito ng media...kahit sabihin na gagawing piyesta lang ito, kasi umiikot (sa tingin ko) ang lahat sa media.
Nabubuhay tayo sa bansa na telebisyon at dyaryo ay parte ng ating buhay...
Expert
Isang eksena na hawi sa totoong buhay
"Saan ka magsummer review?" tanong ni kaibigan.
"Sa Expert diyan sa Katipunan!" sagot ko.
"Ha! Balita ko ang daming babae dun!" sabi ni kaibigan. "Chix lang habol mo dun!!"
"Ano???" sabi ko naman.
Hahaha summer.... summer....summer....
Thursday, March 16, 2006
dream before last day
May panaginip ako s alimall pa yta ang setting. Nakita ko si idol#1, bad trip siya di ko alam kung dahil nakita niya ako or sa suot niya. Hahaha...halakhak na lang ang magagawa ko.
Ewan...last search-in retreat na mamaya hehe ayos...wala na naman sa bahay...hmmm!
Diretsahan
Naasar ako sa kanta ng Rocksteddy (tama ba?) na may chorus na: "Mahal kita pero di mo lang alam..." as in hay nako nakakaLSS in a bad way. Isipin mo mapapakanta ka lang ng ganun habang nasa jeep! Unang narinig ko yun sa radyo kala ko pa nga Join the Club ang kumanta...ang layo sa paiyak style ng Join the Club! hahaha! Wala lang gusto ko sabihin na naasar lang ako sa kanta na yun...
Di na ako kikibo
Tuesday, March 14, 2006
Twist
Hahahaha ok excited ako sa Grad ball! wahahaha...astig retro night kasi! Old school! Ibang klase tlga! hahaha pero mas excited ako kasi makikita ko uli sila fati, alex, gec, ki, izell, cam, at sino-sino pa!
Well it's been a long time...
Pero may twist palagi ang buhay...alam kong may twist kaya mahirap magexpect ng magandang kalalabasan. Haha yah natuto na ako...wag magsyadong kampante. Hmmm nasasawa na ako sa ganito...mga twist sa buhay!!!! Aaahhhhh! Kasi baka di matuloy or something...pangpasira ng utak, or nakakadown ng moral. Alam mo yung tipong naghihintay ka ng pasalubong na cguro videogame or sapatos or pera sa mga tito at tita galing States tapos ang ibibigay sa iyo ay t-shirt na hindi magfit sa iyo! yah yun ang nararamdaman ko kapag mga twist sa mga events! Naramdaman ko na rin yung naramdaman ng mga Filipino communities sa America ng hindi sumupot si Manny Pacquiao sa kanilang party para sa kanya! Pero that's life... hay nako...
But still i'm happy na makikita ko sila... if ever....
Monday, March 13, 2006
Dream Date Celebrityy Edition
Cherrie Gil!
dream date: cherrie gil
Wahahhaha kung hindi nyo kilala si cherrie gil, siya si Valentina sa Darna nung 90's and na sa Gulong ng Palad siya ngayon! Sabihin nyo na kung matanda na siya pero noong mas bata siya...maganda at napakataas ng tingin sa kaniya tpos bigla siyang naging kontrabida! Haha pero para sa akin sa ORO PLATA MATA ang pinakadikomakalimutan na role niya bilang Trining! Hahhaaha oh yeah! Maganda, matangos ang ilong, magaling umarte, may medyo malalaking mga mata! Pero symepre matanda na si Cherrie Gil pero nung bata-bata siya, isa siya sa magagandang Pilipina at magagaling umarte!
Sunday, March 12, 2006
wow at sayang
yeah they're vain...so God please forgive them...hmmm vain...vainsanity
Sayang
wow tlaga... haha sayang hahaha ang ganda pa rin... hmmm sayang talaga..
Ganoon pala... hahaha... ang labo pero yun...tapos na ang tapos na kaya wala na akong magagawa...
Mapanglait ang mundong ginagalawan ko...pero...so what!
Saturday, March 11, 2006
Ang Huling El Bimbo
A couple were walking on the streets of Manila...
The guy made a big scene because he dived into a fountain. The girl laughed but was embarrassed because of her lover's attention grabbing stunt. They quickly went to a famous hotel and the guy dried himself. They went out again. They sat for a while on a bench along Roxas Boulevard. They talked about their lives, dreams, regrets and the future. It was almost evening when they walked again and went to Ermita. The place was crowded. The couple spotted a small cafe. It was secluded from the busy and beautiful crowd of Ermita. They went inside and quickly smelled the aroma of coffee. The owner warmly invited the couple. Only the two were the customers. They ordered two cups of coffee. While waiting for the coffee, the guy leaned closer to the girl and whispered something. The girl laughed softly while the guy kept on whispering on her ears. The owner placed the cups of coffee on the table and left them alone. The guy took a sip of coffee. The girl smiled and took a sip.
It was midnight when the couple left the cafe. The guy hailed a taxi for the girl. The girl said her goodbye and took the taxi leaving her lover. The guy glanced on his watch. The guy went inside a phone booth, dropped a coin, and dialled a number. The other line answered but the guy immediately hung-up. He went out the booth and gazed up on the starlit sky.
On the other line of the phone was a wife waiting for her husband.
Ay nakuha na ng mga tala....
Friday, March 10, 2006
Tie-Dye Day
Today is Tie-Dye Day
The traditional tie dye day ng La Salle. Ilang laboratory sessions ang nagamit para lang makagawa ng isang t-shirt pero rewarding sa huli. First time ng section namin mag casual ehem kasi palaging may absent. Kapag naka 10+ na perfect attendance ang isang klase may isa siyang Casual day. Hahaha kami bokya diyan palaging absent si Marco... Last day na ng academics...hmm sad...hehe pero malapit na ang summer! I can feel it!
Oh my pinky pink tie dye...
Thursday, March 09, 2006
Kung saan kamukha ni Mcdo si Kookles
Kasama ko si Kookles (kamukha ni Oyo Boy) sa posing na tumgal yata ng 5 seconds. Sa Recto ko nakuha ang lisensya para magturo noong Teacher's day namin. Oh well jam master 08! Haha ok maging dj!
Magkano ka?
Magkano ba ang buhay ng tao? Kahapon sa news, habang pilit ko magonline, narinig ko na nagbayad ang ABS CBN sa isang maganak na namatayan sa ULTRA stampede ng P50, 000 pero hindi ito sapat dahil wala na magpapaaral sa mga anak ng namatayan. Yup, P50, 000, para sa buhay ng tao... P50, 000 ang halaga ng isang ordinaryong tao. Pera, iyan ang currency sa buhay ng tao. Sapat ba ang 50K para sa naulila ng isang tao? Hindi ba walang katumbas na halaga ang buhay!? Sinabi ko ito sa tita ko at sabi niya hindi 50K ang katumbas ng tao kundi magkano ang salary mo at may calculation na gagawin na kasama ang edad ng possibility mamatay ang isang tao tapos TADA lalabas ang magic number na magsasabi kung magkano ang isang tao! Sa ilalim ng batas, pera ang ating katumbas!
Happy Birthday Bryle! Nakananman pwede ng bumili ng Seventeen mag!
Tuesday, March 07, 2006
Big time si Gerwi Falconi!
Tapos na ang lahat, babalik pa ba sa nakaraan? Tapos na ang musika, kailangan pa ba pakinggan? Ang mga sagot diyan ay...Oo! Eh symepre may video yan, kasama sa bayad! hahahahah!
Secret
Psssst may sikreto ako? Gusto mong malaman? Symepre binanggit ko na kaya alam mo na ang susunod dapat gawin! Lahat ng tao ay may sikreto. Kasalanan, madumi, malinis, mahal, mura, nora, nose job, face job at kung anu-ano pang sikreto meron ang tao. Naniniwala ako na ang tao ay kailangan may sikreto para maging interesado ang ibang tao. Gets? Halimbawa ang mga chismis shows tuwing weekend dba puro mga sikreto ng tao ang pinaguusapan. Kita din dto na ang sikreto ay nabubunyag. Walang sikreto ang hindi nalalaman ng ibang tao...
Sikreto...Oo may sikreto ako...Pumikit ka at ito'y sasabihin ko...hmmm
Monday, March 06, 2006
Oh no! Ang galling!
Tapos...walang katapusan na prom pix ang nagliliparan sa friendster! Mga nakangiti at nakasmile...hahaha!
That's it! Paalam mga seniors! hahaha
Sunday, March 05, 2006
so...
Was it bliss or i'm just tired yesterday...? What was mister dj playing? Pure? Slowdance? Lovesongs? Gowns? Hands? Whispers? Laughter? Perfume? Masks? Honeydew? Fuschia? Questions that lead to only one answer.
In the heart of the dance floor, everything was slow... the last night we danced was her first, yesterday was mine.
Saturday, March 04, 2006
whatta week!
Katulad sa akin...
March 1
Nagumpisa na walang date sa prom... kasi naman biglaang friday na pala! shocking! Ang daming hassle! Nauso na tuloy sa vocabulary ko ang hassle! Ugh hahaha and yah birthday ko...
She gave me the invitation and two gifts uhm actually three... a basketball, a rosary (sobrang na-touch ako) and an abstract thingy... sobrang shocked ako... Haha ang ganda ng pagkasulat ng name ko hahaha hehe uhm yah
Habang nasa MRT kasama si aaron, nabasa ko yng letter na kala namin ay resibo! haha ito na yata isa sa pinakamemorable na bday ko...
March 2
Birthday again... umpisa pa lang di ko na alam paano na... bumili ako ng flower sa farmer's...hassle ang chem pero rewarding gumawa kami ng traditional tie-dye shirts! Haha ok ang kinalabasan. Dismissal na and may G.A. ...nagmadali agad kasi ibibigay ko pa yng invitation sumabay ako kay Vic (thanx vic) papunta dun... and di ako pinapasok kaya tinawag pa ng sis ni vic sila Tippy. It's a suprise for her kaya suprise! Mukhang nagulat siya and nabigay ko na yng invitation and the flower. Tpos commute pabalik sa LSGH for the GA!
March 3
Oh my gosh a day before the prom! Yng hype wala na... pero... sayang... sayang
March 4
Prom nyt! Halos mawala kami ng sunduin date ko(nyahaha kasama mom ko) Galit na galit na mom ko pero nakpunta na rin. Kinabahan, medyo. Suit, ok. it's all good.
Ang ganda ng Gym... theme namin: Lovers in Paris. Wow. Korean ek-ek. Eiffel tower sa platform and totoong siyang bakal! susmaryosep! hahah daming nagstag.
May moment dun na napaupo lang ako at napaisip...and...and...medyo nalito... hmmm