Friday, September 30, 2005
Oseph (O-sep)
hmmmmm natatandaan ko na bumisita kami sa hospital at wala na siyang buhok sa ulo, at namamayat pero medyo mataba ang tiyan. Para din kinuhaan siyang ng maraming dugo, sa mata niya wala na yung part na may red (kapag bumebelat ka ng may mata usually basta lam nyo na yun).
A day after my aunt turned 40 (such irony life begins at 40) my aunt died.
So sad... sinabi sa akin habang binibihisan ako...
She left her husband and her very young daughter, my cousin... Ang sad kasi 2 months after birthday ng cousin namin and wala ang mother niya... tandaan ko pa sa jollibee pa sa katipunan... medyo bongga pa nga eh...
"seph..." as my aunt would call me...
Thursday, September 29, 2005
Ang reality show ni Letlet Guevarra!
Kakagising pa lang ni Letlet Guevarra mistulang hindi matanggal ang kati sa paa, kinagat yta siya ng lamok. Hindi sapat ang kumot at electric fan...
Bastos kaya inedit-out yng parte na naligo siya sa *sputum kasi kailangan niya maginduct doon at maligo na nakahubad...
Pagkatapos maligo, may nagtxt sa kaniya, boyfriend niyang tuliro sa buhay na sumisinghot ng rugby tuwing sasapit ang dilim, at sabi sa txt: "Umuwi ka na baby, di ako sanay na wala ka, mahirap ang mag-isa..."
Nag-reply naman si Letlet Guevarra ng: "Hoi! Anong umuwi? Ikaw ang umuwi sa bahay niyo! Hinahanp ka na ng Nanay mo! Sa susunod magpa-rehab ka nga!" pero bago pa niya ma-send nawalan ng battery... kaya i-charge nya sana nang biglang nawalan din ng kuryente ang bahay!
Pagtingin niya sa labas ang bahay niya lang ang walang kuryente... nakalimutan niya magbayad!!! Naputulan!!!
Bastos ang buhay, isip ni Letlet. Nagugutom na siya...
Anyway.... pagdating ko kahapon sa school, itong classmate ko ang saya-saya niya! At alam ko na kung bakit... dahil sa isang babaeng nakilala niya sa soiree... medyo palagi silang naguusap! Ang masamang lang dito, naghahanap siya ng masusuntukan (war freak baby) para mailabas ang anumang kailangang mailabas... hay naku ang buhay bkit ganiyan!
AHHHH!!! Funny thing happened in the library...
Yng isang matandang librarian ay nagulat dahil may butike na patay daw na gumalaw... kaya pinuntahan namin konti lang yung mga tao... sabi ni Papable Kim Dela Paz sa akin laruan lang yung butike. Sabi naman ng librarian bakit gumalaw. Na sa sahig yng "butike", hmmm mukha nga siayng toy, ginalaw ko ng aking sapatos, mukhang "patay"...
Pinulot ko at sabi ko sa kanila: Laruan lang pala!
Lahat sila medyo nagulat kasi bakit ko hinahawakan...
Tiningnan ko ng maigi at masyadong detailed yng "laruan" na butike... nang biglang lumaki ang mga mata ko at sinigaw ko: AY HINDI TOTOO ITONG BUTIKE!!!!!
Tinapon ko bigla sa table at umalis agad...
DAY OF REMORSE
TALO LASALLE.... :(
Score 75-73
Ang galing ni Arwind Santos!!!
Ang yabang ni Arana!!! nakasteal kasi siya tapos dalwang FEU ang humahabol sa kaniya ng biglang pa lay-up na siya tumingin pa si Aran tapos bumelat pa at pinasok ang bola!
Sayang yng 3 ni "G-shock" "The Calculator" Casio!!!!
Uhhhhh!!! next time!!!!
Wednesday, September 28, 2005
If only i can turn back time...
"Time... i've been passing time since the days go by..." (tama ba?)
Hmmmm may nabasa ako tungkol sa love quotes at ang title ay "Love Thots"... Sobrang cheesy at sa panahon ng pagbibinata marami ang makakarelate dito or gustong makarelate...
Saan kaya nila napupulot ang mga librong ganyan? hmmm anyway bengay...
Yes... i think medyo lang kami nagpapapic... hmmm it's time to enjoy what God gave us... ok, isang word: vain.
Naghahanap ako ng pics ni romnick sarmienta! Walang biro.... Kung cno man sa inyo may pics ni Romnick Sarmienta pa send!!! ok? ok!
If i can turn back time and talked to her maybe just maybe my life will be satisfied
If i can turn back time, i may have open-up to her and let her know that i need her
-those words are so cheesy yet meaningful to others...-
reality check:
LSS news
Kisapmata by rivermaya - days: 2
dahil magandang theme song sa isang classmate ko...
Heaven Knows (this angel has flown) - back to day 1...
astig i like the song and vid...
Finally...
Parang may ewan sa aming school na kapag 'search-inner' ka all of a sudden cool ka na! Hindi ko alam sa mga ibang kaibigan ko... they think the pendant is a 'status symbol'!!! Pwest sumali kayo dahil hindi ito isang status symbol kahit pabiro nyo sinasabi...
"jokes are half-meant" - jiaan siason, ka nga diba?
kung naiingit kayo... wag na kayong maingit! dahil hindi ito kinakaingitan...
What GOD did to us?
Panalo ang pangbato natin sa Ms. International... why did God gave us to show our body and be judged... well we are beautiful!!!!
Tuesday, September 27, 2005
Full House!!!!
Summer time... hahaha with my 2D friends! hmmm grabe it's PAASCU time na!!! uhm i mean the plastikan blues malapit na!!! Hmmmm kasi ito yung magiinspect ng schools tulad ng facilities, teachers, at ang pinakaimportante ang students (etching!)... Nagiba ang facilities in just one snap! Isipin nyo WiFi na ang school! Pwedeng magdala ng computernotebook(laptop cguro?) at may internet access na kayo! At ito pa naging MOTHER SHIP na ang GYM!!!!!!! Parang UFO yta ito sa gabi dahil kinabitan ng mga lights!!!!! Magugulat na lang kami na lumipad na ang GYM namin kasaMA sila Bro.Berno, Ms. Ching, Mr. Dino ang dami pa!!!! hahhaha!
Uhm ang LSGH ay isa lang daw sa pilipinas ng binigyan ng highest ek-ek yung 7 yrs. the other school ay STC (dapat ka-interaction nmin last year) Yung 7 yrs. ... magiinsepct sila after 7 yrs pa... hmmmm kaya matagal tagl yun!
Hay naku... basta masaya parang summer time...
Monday, September 26, 2005
131
Sorry to disappoint... hindi muna joke time itong artik/entry na ito... hahhahaha
Hahahahaha mukha kaming mga puppy... hahaha joke... hmmm grabe i'm thankful... i love it.... hahaha without You and Them... maybe i'll fail in Chem
Kakagaling ko lang sa 'search-in' talagang literal...
Hindi na ako magkuwento tungkol dito... kung gusto nyo malaman kung ano ang 'search-in'... pwest sumali kayo...
L.A., Jaime, Seph... very thankful for them... hmmmm biglang naisip ko lang mga kaibigan ko... hmmmm katulad nila anton, quico, monarch, fatima, alex, dino, kevin, kevin bryle, nikki, jeric, chris, gec, grabe nakakamiss lalo na sila alex, fati, gec, si anton... ang dami... hay naku sana makita ko kayo ulit :)
well shortwell... hello bungalow... hahaha uhm tungkol sa pinoy wrestling sabi ni nikki hahaha at hmmm...
Friday, September 23, 2005
'hanap-loob'
It It was that day, i met who and what, mysteria and hysteria... coke and speed... hmmmm 'cause its that time of the school year when guys like me... undergoes a process so secret... it involves a ballpen with super glue on the cap (serious)
Hindi ko na alam ang gagawin ko! Kailangan ng maraming underwear... eh puro butas at naagnas na lahat yung sa akin!
"Search-In" oh my just typing about it... oh giddyap! Hay naku... lalalalala
Gonna miss the admu-Dlsu game on sunday, well its not just a game... its a fad!
I feel very special with the company of my classmates... touchy moments sa chapel...
LSS: Heaven knows (this angel has flown) by Orange and Lemons currently: 3 days
Jollibee jingle "araw at gabi" (narinig ko sa public bus) by hmmmm ewan
Search-in... am i ready..?
Pinaguusapan lang namin si Pepe Smith ng Juan Dela Cruz Band, sila kasi yung BAMBOO ng late 70's at early 80'... nakakaantok noon sa CCA... sakit pa ng stomach doon sa pic...
Thursday, September 22, 2005
finally, thanks to karlo
Sa law, ang laki ng income pero mukhang routine ang career na yun at mahirap!
Sa education, kunti yung income at mahirap pala maging teacher tapos kapag pangarap mo magturo sa all girls school eh paano yun?
Mahirap ang buhay... kaya kami'y nagpapahinga sa ibabaw ng mga ulap at mga tala...
ang dumi ng classroom namin dahil sa mga props ng grupo ko... kapag break... sobrang gradeschool ang attitude... oh my
Wednesday, September 21, 2005
Male Confession: Spongesoda?!
"Bless me father for i have sinned..." said father, ginagabayan yung student para sundan siya...
"Uhm what are your sins?" sagot ng student nalilito
I have a confession to make...
I took a peek on this magazine, matamis ang pamagat, nakakapukaw ng isipan ang litrato sa cover. Dalawa pa sila at say mo kambal pa. Suot hindi ko maitindihan, pang beach ba o pang porma... sexual hindi nman yta...
Hindi lang ako nagiisa na tumingin sa magazine. Pinagkakaguluhan nga ito, kaya nga "peek" ang ginawa ko. Dali-dali binuklat ang magazine... nag-stop muna sa isang model, nag-comment, at agad sa centerfold...
"Cutie Republic" pangalan ng artik... literal na ang daming cutie... hmmmm grabe... mga mapuputi, makinis ang mga kutis, mga katawang *tooot* Oh my golly... HOT?! Medyo kinilig ang lahat... turuan kung sinong cutie at hindi karapatdapat sa listahan...
Ako ay nagulat... matulala sa mga itsura nila... HOT!? woah... rockin hot?!
At sobrang kaguluhan na idinulot ng magazine kinuha ni Mrs.Marie ito...
Natira lang ang sticker pad kasama ng mag... punong-puno ng mga *tooot*. WAW!! May sticker pa sila... kung ikaw ay nagiisa isang dikit lang sila para kiligin!
May isa naman nalilito sa kaguluhan, hindi niya nakita ang magazine pero nakita ang stickers... sabi niya: "Ano ito?" "Bakit may ganiyan ka?" Nagulat din sa *tooot*
Agad kong sabi sa kaniya: "Sticker pa lang yan..."
Oo... tumingin ako ng bawal sa akin... oo... ang pamagat ng magazine ay:
CANDY!!!!!!!!
Grabeh ah... sobra... ganoon pala ang mga girl mags!!! Medyo puno ng mga boylets!!!!! AND DA LIST... sobrang pinagkaguluhan... lalo na yung isang ka-batch mate naming si Justin Quirino(well, mestizo...), at mga hindi naming kilala na ka-school mate namin na mga models tulad ni ganito at ni ganito... hay nako nakakabaliw at dun din sa list ang panginoon, reigning king ng mga gwapito sa lsgh:
Gio Limjoco
Good golly... nakita ko na rin sa magazine si Mr. Limjoco... hindi ko kasi nakita pa yun sa personal... kahit sa campus... never... hahaha!
Nagreact naman ang mga classmates namin sa mga boylets kasi medyo na insecure ang pakiramdam... (got to admit medyo na Whappak ako sa boylets)
Mga iba medyo bumaba ang self-esteem sa sarili or na tamaan ang pride nila kasi ang daming taga LSGH na nakasama sa listahan ng CUTIE REPUBLIC... may isang hirit nga na:
"well sa labas naman yan ng campus... eh sa loob..." (talagang sira ang pride pre! dahil denying the truth pa siya)
Kasama rin pala ang Roco twins... anyway sa Qpids naman sila... at si Champ (hahaha mocking the list, iba nagtiliaan sa mga boylets) and Yael of "you-know-what-band-from-the-cockpit-arena" joke! Syempre SPONGESODA ok joke ulit drum roll please: SPONGECAKE! Mali! Ok isa pa ehem ang: Spongecola...
Because of the band scene in our country at ang mga vocals sa banda usually ang pogi among them... may bagong classification na ng rock:
POGI Rock - ang rock na ito ay ang genre na sobrang senti... mapapa quiver(kilig) ka pa nga sa mga kanta tungkol sa pag-ibig lalo na kapag campus romance (co-ed romance) or mga tipong kantang sobrang mushy na matatandaan mo yung ex or crush mo... yung tipong kapag nagdaydreaming ka tungkol sa minamahal mo yan yung genre na di sinasadyang pinapatugtog sa radyo. Dapat pogi ang lead vocals ng banda para ma classify na POGI rock!
Yup... also known as Mellow Drama rock ito pero dahil sa HALE, CUESHE, SPONGECOLA... naging pioneer sila para magkaroon ng POGI ROCK!
-Pahabol- kailangan pangmasa ang hits(duh? kaya nga hits) at may Music video rin plus i repeat dapat mushy...
POP QUIZ!!!
Choose the best answer...
CANDY MAG! POGI ROCK! GIO LIMJOCO! anong similarities ng mga topic na ito?
a. gusto ng mga girls
b. gusto ng mga boys
c. the word "pogi" and "gwapo" are synonymous with them
d. nasa artik ko...
CUTIE of them all?
a. champ
b. yael
c. gio
d. others:__________
If the band Spongecola changed their name which among is the best for the band:
a. spongesoda
b. spongecake
c. spongebob
d. nevermind
OH MY... siomai anong pop quiz toh?! anyway...
And my sins are...
Tuesday, September 20, 2005
history
Well its very easy to type: "i love you" but to say it... pretty hard
I miss playing basketball and playing with the stand-by kids sa Bread-ex...
Sila vladimir, jr, erl. Miss ko na tumakbo. Miss ko na madapa. miss ko na magpatawa-ugh traumatized-sa mga kaibigan.
i love life! sometimes it sucks... with scores like 11/20... gonna appreciate life... i never smoke or drink kya kapag parties ako yung may hawak ng apple juice! yah i'm a good boy raised without a father... the louvre museum(da vici code)... napanaginpan ko kagabi weird...
i want to go to italy at pati kung saan man nag-shooting si gwen stefani sa video na "cool"... i love that mtv... gusto ko pumunta doon...
Saw Vinci M. cheating the other day... hahaha nakakatawa...
May naisip akong skit kasama isang classmate ko na kamukha ni Oyo-Boy sobrang nakakatawa... magaaway muna kami at biglang hihinto tapos magtitigan lang kami ng matagal tapos dahan-dahan lalapit kami sa isa't isa at... maghahalikan...
i miss some of my friends... ayoko ko sila mawala... parang naiiwanan ako...
missed my opportunity to hang-out with "cool" guys... pero ayoko maging social climber!
prom. mingle with friends and their dates... at may theme pa dapat sabi nila. Hmm one theme parang ice lahat...
life's too short like my basketball shorts... 3 inches above the knee...
yup i like somebody... aaminin ko ayoko kay Kim Lacson... wala lang ayoko sa kaniya... siguro siya rin ayaw niya sa akin... hahaha wala akong paki...
Go Lasalle... hope they win pero anog epekto nun sa akin... wala... hindi ko naman ipagyayabang sa iba... hahaha senseless fad and i like it... parang pokemon pero yun may sense..
Among Syrups and jologs
Sa friendster, ang saya mo tingnan
can this be love i'm feeling right now?
Para malaman, idaan na lang sa batasan
Naku ang corny gawin na lang english now
syrups are for sweet and the lovely
jologs are jolinas and like novelty
syrups tend to be stickyjologs tend to be icky
who are we to judge syrups and jologs?
Monday, September 19, 2005
Friday, September 16, 2005
Shall i compare thee?
Panalo DLSU sa UAAP kahapon... hahaha at final 4 ay moved next week... naisip-isip ko saan kaya ako patungo?
"I'll stop the world and melt with you"
Sabi ni Tanda Tasyo
Tayo ay Hipokrito
Mas masahol sa gago
Kasing lambot ng sago
Stop the world and melt with you!
Star margarine with barbeque!
Lalalalala- ooh - shalala
lalalabada kay dalalalala
Tuesday, September 13, 2005
Bulalakaw at taguan
Bulalakaw aking sasakyan, Sputnik iyong tikman
Panalangin sa may kapal, Painom ng Sarsi wag kang garapal
Hintayin mo ang dala kong monay, Kay Raffy bumili ka ng siomai
Bulalakaw lumilipad na cow? Engot, iyan ay bato na may ilaw!
Taguan
Tayong dalawa sa tamis ng kasayahan
Hindi nahihiya bungisngis hinayaan
Sa gabi na wlang katuturan wag kang mawala
Bumaliktad man ang mundo hahanapin ka
Diego
Mistulang tumigil ang oras
napahinto sa kinakaing sardinas
Diego ang iyong pangalan
hindi ko makalimutan
Nagkakilala sa talyer
pinapagawa ang butas kong salbabida
Na iniligtas ako kanina
Sa Baha ng Canal Kanser
Lumilipad ang isipan sa buhok mong green
ewan ko baliktad, basta it bounces like sunscreen
Diego, halika ka na tikman at maranasan
Prutas at mani, wait sandali
Magdahan-dahan sa gagawin Diego
Dito tayo sa malambot na EL Fuego
Hinanda ko na ang karne
Mapa Adobo man o Tilapya
Papakainin ka sundan mo aking kamay
katulad ni Cindy sa Camai
Pangarap ko makasama ka sa Tanay
Diego el Fuego tikman ang tunay!
Balisong iyong tinutok sa akin
Nagulat sa laki, hindi nanatili
Sa talyer ng mga macho ikaw pala si El Rancho
Panganib ng caloocan
Wanted sa dalampasigan
Diego nilingnan mo ako
Alahas at cellphone, ninakaw at tinago
Diego, ayoko na maawa ka
tulad ni crisostomo ibarra
Lumayas ka na!
O kay lamig ng init gawa ng balisong mo
Sinaksak at iniwan ako nakalugay sa kama
Umiikot ang mundo, para bang trumpo
Mapagbiro ang isip malapit ako mawala
bago ako pumanaw, tandaan ang pangalan ko
ako si Yuris lalakeng kapatid ni Borris
Diego!!!! Ugh! patay na ako
the end
Carefree week... hoping DLSU will win... Fieldtrip sobrang fun... at lahat gusto ma-in love... lahat gusto ma-in love... lahat gusto ma-in love tulad ng scene na ito: joke!!!
Saturday, September 10, 2005
The girl who never laughed at my jokes
whatta day in our class soiree with AC
And i met dis girl, Joey, she's nice and all that. I made a joke a very korny joke at hindi nya na-gets yung joke! Nagsabi ulit ako ng joke at hindi pa rin sya matawa! Whatta!? Isa pa at hindi pa rin! Desperado! Sobrang hyper ko na... dead wala pa rin! Hindi ko sya mapatawa! Napapangiti pero hindi tawa... kung tatawa hindi pa yung punchline! Oh God!!! Anong klase ito!!!!!! Pinaka korny na-jokes wla pa rin...medyo! Yung daddy joke that was 2 years ago... wala pa rin! Iba talaga ang girl na ito!!!
Oh God! I met my match (i mean kapag magpapatawa ako)!!!! Ang kontra sa lahat ng jokes!!!!! ms. joey.... Ang tiyaga niya makinig sa akin sa buong soiree... hindi pa rin siya matawa!!! Puro na joke: korny,bastos,mababaw,jologs,english at filipino! Naubusan ako ng bala... halos masabi ko yung joke tungkol sa paa (ganoon ako ka-desperate) Sabi ko sa sarili ko... magmukha na akong epal or jologs gagawin ko na lahat matawa lang siya!!!!!! Buong gabi joke lang ako ng joke... sarcastic laugh at sarcastic clap at papuri lang nakuha ko... oh diyos ko! ang hirap patawanin itong tga-AC!!!! Yun ang naging misyon ko ang patawanin si joey bahala na ang mundo basta itong gabi kailangan tumawa siya!
Sa bandang huli... may joke ako tungkol sa vienna sausage... at himalang natawa siya! Kita sa kaniyang mata, at ngiti ang tawa! Grabe!!!! At lahat ng aking energy naubos dahil sa joke time... nawalan ako ng gana makipagusap... napatahimik... nakipagbonding kay Judge... imbis babae ang nakuha kong number sa lalake pa!
Sobrang drained-out ako! Bored... nagmukhang tanga sa harap ng mga kaklase at mga babae... hindi ko makakalimutan ang gabing ito... ang gabi napaka-korny kong tao as in sobrang korny... nahiya na ako... ayoko na magjoke or anything... ayoko na traumatized, ngyn lng ako nakasalauha sa isang tao hindi matawa sa akin!!!
Sa buong gabi, mukha akong galit at wlang imik... umaano sa isip ko hindi pala ako magaling magpatawa... mahina... korny... epal... papansin... sobrang hyper... pawisin... lumabas lahat sa gabing ito! Nagtampo ako... hindi kay joey pero sa sarili ko, wasted my time and dignity para lng magpatawa... i feel a lesser man...seryoso... si joey pa ang nagpakita sa sarili ko, hindi lahat madadaan sa biro at joke ang buhay....
Actually wala akong balak kumuha ng no. sa kanila yeah... or nakalimutan ko na... basta wala lng... ayoko... la lang iba iniisip ko... hindi sila at makakuha ng numbers...
I know dis will happen... when i met my match of all the people - babae pa, taga-AC, nakilala ko lang sa soiree - sobrang bara at tabla... match! Ngayon lang...
ayoko na magpatawa
i have nothing against joey but i can't make her laugh... at nagmukha akong tanga sa kaniya feel ko iniisip niya ganiyan magpatawa ang lasalista at ang korny kong tao... nahihiya na ako...shit what a bad first impression... hate it... naiyak pa ako sa pagiging gago ko!
joey... oh god... why don't you laugh? why do you give me that sarcastic laugh and clap! Lose control of myself! Crash and burn!!! joey... see you again... im not dat idiot that all coming out my mouth are jokes!!!! I will prove... thank you joey... :((
Friday, September 09, 2005
malungkot (kabakliktaran ng masaya)
ako'y masaya dapat lang dahil ok ang ano ko... masaya... masaya...
na-try nyo na ba matulog habang umuulan... ako oo eh pero baka bumaha
mukha akong jologs nung rally sa edsa... sumisigaw ako ng walang pasok pero nxt day meron
mukha akong tanga... feel close actually feel far(?)
insensitive fool... soiree? sus... matorpe lang ako
ayoko nanaginip ng gising dahil hindi rin naman mangyayari yun...
kagabi lumabas sa panaginip ko si Geaorge Clamor isang ka-batch ko... wala daw siyang ganiyan at ano-ano pa... sana nga totoo eh... basta pahiya ako kahapon... umaga at gabi
the key to life: lower your expectation kasi kapag marami kang iniexpect sa bandang huli wala rin...
The princess lives at a tower and she has a long curly hair, beautiful eyes and a smile that lightens up the whole kingdom...
to be contuined...
Thursday, September 08, 2005
understand hmmm malungkot
to be contuined...
Wednesday, September 07, 2005
Tuesday, September 06, 2005
Mr. Dino smiles... while all the dinos bow
Last nighty, habang nakikinig ng "september" sa Cd jam-packed with 70's music!!!! nyahahahha
bigla lang ako may naisip na poem para kay dino - kasi nagtxt na ka pangalan - itong poem na ito ay tungkol sa isang dino(i repeat any dino) na biglang tumahimik at nawala... such a lucky fool yet...
sabi ko sa kaniya sa txt:
I love you... Mwah!
reply naman niya:
I love you too take care Honnn.... hehehehhehe u
parang ang sad, so sad...
denise
I felt betrayed by your eyes
Since we met, i see your smiles
O who's to win this game of infatuation
Only my heart in state of confusion!
It is true, i felt something for you
It is true, cause you felt it too
This may be a highschool fling
But nobody knows if it's the real thing
Well, dino, i say goodbye
Never met, you never try
Look who's the lucky fool
You disappeared, o love so cruel!
sorry kung medyo napapagawa ako ng poems... shit hindi ko tlaga alam kung bakit... ang babaw ng words at anu-ano pa... ito yata ang nagagawa ng shakespeare lessons... f.u. william! f.u. william! f.u.!!!!
Sa tingin ko wala na patutunguhan ang presenation namin... shit! ang daming kontra sa script ko.. masyadong mahaba.... F*ck! kaya nga creative presentation!!!!!!! Please God... help our group and i'll do anything for you and sana makapasok ang ZEVEN band ni jaime zavala, a fan of my blog and dear classmate of mine, sa ICA fair!
Happy for my grades but sure feel shitty about the presentation!!!!!!
Now back to listening "september"... hindi ito yung green day... hahahaha!
Saturday, September 03, 2005
Paraluman (cheesy and unedited)
O kay gandang hindi mapantayan
Sa ilalim ng buwan, sa ibabaw ng mga tala
Tibok ng aking puso iyong kinulayan
Tumingin lang sa iyo para ng sala
Kamukha mo si paraluman
Hinihiling ko ikaw ay mapa sa akin
Hindi mapigilan ikaw ay pagmasdan
Iyong kagandahan aking hangin
Bakit ba ako nagkakaganito?
Tama lang ba ikaw ay mahalin?
O diyos ko! Para itong biyahilo!!!
Nababaliw sa iyong tingin!!!
O paraluman! Diyosa ng kagandahan
Bumaba sa langit at ngayon ay nagbabalik
Sa babaeng aking nililigawan
Ikaw ang katumbas ng kaniyang halik!!!
Ngunit ang mapagbirong mata ay madalas nagiibang kaniyang mahal
Sa puso ng isang binata, nagiiba ang lahat hayaan siya matuto at masakal
Sa mata ni Paraluman
diyosa ng kagandahan...
Nakita ko sa pitures si paraluman... iba ang beauty niya dahil mestiza siya. may halong german kasi siya! Bakit noon ang ganda-ganda ng mga artista? Ngayon pawang mga sexy starlet ang considered na maganda?! hay nako wla na yata papantay sa ganda ni paraluman! Ngayon puro retoke... at hindi pa nahihiya sabihin! well dat's life! natandaan ko lang si paraluman...
sobrang cheesy cguro.. hahhaha
Thursday, September 01, 2005
the day we said good/Knights of the multiplication table...
"Sana hindi mapanganib ang aming grades kay ms. panganiban..."
knights...
king...
quest...
medieval ages...
sir bogart...
sir zoltan...