Sunday, July 31, 2005

Ano ba ang RAMPA?

Ang school na kailangan ng Pilipinas ngayon...















Ang RAMPA, school for models and beauticians, kailangan ng pilipinas sa paghanda sa mga kababaihan at kalalakihan sa pagsabak sa mundo ng pageantry or pagpapaganda!!!!
(isang thesis ng isang kolehiya sa UST)

Friday, July 29, 2005

Blackkk ink!

Kung alam nyo yung bata na biglang kumanta ng matikman niya ang Miso ng inay niya...

HMMMmmmm parang... parang...

parang rugby at acetone na pinagsama
aling nena at aling patring naglalaba
katol at damo na sinidihan
Panday at Darna naglaban
tubig at sugar pinabula
China at Japan magkamukha
barbero at bumbero nagkwento
Pidal at Velarde bumubwelo
LaSalle at Ateneo batak
Geom at Chem binagsak
Coffee at bacon naglaho

Saan ba patutunguhan ito...

Dalawang bagay na sadyang gustong i-compare...
Ang taas na ng Jeepney fare...
Pati naglalabasan na ang mga school fair...
Hulaan mo? dba nasa atmosphere...
Paki mo... wala akong care...
Sa magandang mong long hair...
kitang-kita ang iyong share...
Sa exorcist ni Linda Blair...

Oooooooh la-la-la...

Goodbye sa 'Bestfriends' ng IMC... thanks sa kilig nights tuwing wednesday... thank you.. Abby Cruz!!!

At hello sa "My Favorite Show" sa ANC... yeh! smokey manoloto... you rock!

I hope it made sense... just like coffemate.. it makes sense to me..






Tuesday, July 26, 2005

Babae sa magasin

Napadaan ako sa tindahan..
Nakita na nman kita...
Iba na nman ang suot mo.. kahapon blue ngyn green..
DejaVu ba ito.. dahil nakakantig ang tingin mo sa akin..

Pangahas ka raw..
Tukso... at nagulat kaw ay nakita muli..
Mga alaala ay binuhos..
DejaVu ba ito.. kinalimutan at kaw ay nagbabalik


Kelan ba kita unang nakita.. ay oonga pala.. hindi nga kita malapitan noon...
nakakahiya kasi.. kaw pa ang lumapit
grade 7 ba ako noon.. at kaw nakilala..
DejaVu ba ito.. ksi

Sa G4 kaw ay nakita..
Sa Katipunan doon ka rin..
At sa ortigas kaw ay kitang kita
DejaVu ba ito.. dati sa tindahan ka lang ni Tita Lyn


Dapat sumali ka na sa Beauty pageant..
Pero may anak ka na
Kaya ng kaw ay model ng deteargent
DejaVu ba ito.. diyan ka na pero

Nagsawa na nga nakahanap na ng iba
billboard mo sa ortigas.. tao'y sawa na
kaya nga pinalitan na ng gulong..
DejaVu ba ito.. narinig na yta ang aking bulong

Ang tagal na dba.. sosyal ka na..
Mukha ka yta sinapian sa suot mong blue
ksi yellow mas bagay sa iyo..
DejaVu ba ito.. inaasam na iyong tingin ay parang glue

Laos ka na yta..
Naging pawnshop na lang..

Hindi ka na ang it girl ka nga..
Deja Vu ba ito.. pinalitan ka na nga ni Locsin

Nagbalik ka na nga sa tindahan kung san ka nagumpisa
Bastos ang pamagat..kaya hindi ko binuklat..
Naku yan na ang jeep patungong Cubao..
Kita-kits..muli
babae sa magasin

Monday, July 25, 2005

Where does it hurt? a.k.a. Saan ba masakit?

Jealousy (selos)



  1. Jealousy is an emotion experienced by one who perceives that another person is giving something that s/he wants (typically attention, love, or affection) to a third party..
  2. They said Love is not jealous...but jealousy is human nature. if u do not get jealous -u never care, if u never care- u never love
  3. jealousy is worse than any hidden sword.but when somebody is being jealous, it means he/she loves much the one she's getting jealous of/at. but too much of it, and being greedy as well is already selfishness

Symptoms


  • Kung mukha kang desperado
  • Kung naguluhan ka
  • kung bigla ka na-curious
  • hindi ka makatulog
  • biglang bumaba ang self-esteem mo.. insecure
  • kung biglang maraming tanong na lumalabas sa utak mo at gusto mo agad ng sagot
  • kung nababalisa
  • nasaktan... masyadong pa-emote-emote sa tabi-tabi... OA sa buhay

Cause

  • nagseselos ka dahil masyado kang sakim... may problema ka sa pagiisip o sa mga nararamdam, bata ka pa at medyo immature ang feeling na yan kaya lahat tayo may possibility na magselos.. human nature ka nga.. baka kasalanan ito. pero depende sa tao kung nakasaktan ang iyong selos.. naku..

Severity of Problem

  • kapag nakasaktan ka na sa pagiging seloso/selosa mo...

Caontagious

  • No

Prevention

  • Easy lang... parang katapusan na ng mundo...


Jealousy is a sign of love... ngeh? hindi ako naniniwala.. denial(sign of love din).. weh... pwede rin nman jealousy ay gusto mo ang isang bagay na wla ka(tanga! tawag doon envy.. sakim!) Sino ka ba? (nagtatanong sign of jealousy equals alam mo na...) Wehhhh!!! Korny mo... (korny ka rin.. korny:tasteless..) Pucha! sino ka ba? ang epal mo (kaw rin... bakit ka ba nagsulat ng artik na toh mukha tuloy jeling-jeling dyan!?) Paki mo... paki mo (defensive... sign of love din) TSSSSSSSS... WEHHHHHH! (sige deny... deny lang ng deny...) Ano ba toh...? (ano? hahah jealous ka noh?) Hindi ko alam kung inggit toh... (bata ka pa.. babakla-bakla ka ksi.. yan..) Pero ang daming tanong... w8 lang bakit ba kita kinakausap!!?? (BALIW! hahah joke lang tawag dyan thinking out loud) TSSSSS feeling mo alam mo na ang lahat!!!?? (syempre... ako ay ikaw...)

Ganoon...(daming tanong na lumalabas sa isip mo noh?) Wehhhh pano mo namn nalaman? (ksi eto ang mga tanong mo!!)

Sino ba ako para magselos...?

sino sya? ano ang nangyari sa kanila?

Kelan?

Saan?

Bakit?

Paano?

Gwapo ba sya?

Mukha bang artistahin? (oo nga mukha syang artistahin.. sori)

may bumihag na pala ng iyong mata?

Tao lang naman ako... (bumaba ang self-esteem!! hahha jealousy... selos hahaha ang pangit dba?) Feeling ko medyo sakim ako.. bsta.. (ayaw maniwala sa katotohanan... wawa namn)

Ngyn ko lang naramdaman ito..

THE END

Hehe may kaklaklase ako tapos may hinahanap sya na batchmate namin... kaklase ko raw last year.. gwapo raw kaya niya hinahanap.. justin ang pangalan hahaha dahil ang kaklase ko ay nagseselos nabanggit na nkita ng kaniyang kaibigang babae yung classmate ko last year sa funeral ni Cardinal sin at gwapo raw... yun ang kwento ng kaklase ko.. kya nya hinahanap.. sinisigurado nya kung gwapo tlga... hahhaah

Natural lang ang magselos..

Saturday, July 23, 2005

KATRIBS!!! MEDYO FOUL NA YUN AH!

WAW!! talo na namn ang DLSU sa UAAp!!! at natandaan ko si Katribs(Ka Tribo is similar to friend or something like tribe-mate or something. Katribs is a symbol of unity amongst Lasallians, although he doesn't represents La Salle the way he acted in the previous game, so he is simple put a symbol of unity...)... saan galing ba ang archer na yun? siya ba ang pumalit sa muse ng DLSU... pansin nyo ang DLSU lang ang wlang muse sa opening ceremony... ano ba yan? angas daw... astig daw... excuses ng mga lasalista... bsta may reason dyan at ang alumni ang makakasagot niyan... nagkulang yta ang budget dahil sa mascot ng DLSU... hahahha pero hindi yan ang reason... Pero ok nga ang DLSU lang ang may mascot pero hindi sya ang OFFICIAL MASCOT paka na yta yan ng Alumni!!!!!

Noong pep rally na introduce si katribs sa LSGH... at pangit ang result... ugly mess... at nagbunggo na namn ang landas namin sa first game ng DLSU sa Araneta... at eto ang masasabi ko kay Katribs

Officially Katribs ang pinakamalaking epal na lasalista sa buong pilipinas!!!!! Ang Epal, mapapel sya... papansin, pakialamero, center of attraction, may karatula na nakasabit sa kaniyang katawan na ang nakasulat ay: PANSININ NYO AKO!!!! Magulo, patawa, hyper, medyo sikat dahil sa mga pinaggagawa nya... w8 lang... parang masya maging epal...tama ba?

hehhehe si Katribs... sya ang representative ng ka epalan, ka totoyan, kalokohan, kaguluhan ng mga lasalista pero hindi ko sinasabi na ganiyan ang asal ng lahat ng Lasalista! Si katribs, his in the league of his own, super enthusiastic! wlang pake kung ano ang iniisip ng iba basta gagawin nya lang ang para sa kaniya kailangan niyang gawin!!! Kahit sariling WEHHHHHH!!! ng mga taga LSGH sa kaniya, o kahit mga PAK sign ng mga Atenista sa kaniya, hindi sya tinatablan... cool in a sense na being true to himself... ganyan dapat ang porma ng mga lasalista... kung may na-offend na mga students sa kaniya... well kaya nga sya nandyan...being true... Kaya nya nagagawa ang mga bagay na 'toh dahil nakasuot siya ng maskara... at short-shorts!

Masya yta maging Katribs... Katribs, ginagawa nya ang gusto natin gawin pero hindi natin kaya gawin, para bang taboo..yung mgat tipong wildest dreams or hangarin na kabaduyan... hindi natin kya ang magpakapal ng mukha sa harap ng maraming tao... tulad ng magintimitate ng mga kalaban... sumayaw sa gitna ng court... the pinnacle of every lasallian die hard basketball fan... manggulo, magpasaya, magpasikat hehehe si katribs lang ang may kaya niyan pero sa games lang... kaya natin mga ordinaryong lasallian ang mga pinaggagawa ni katribs pero sya na lang ang gumawa nyan.. ksi... nakamascot sya...and because he's a lasallian... pinakamalaking KSP at epal nga lang...

*pero note... may great respect ako sa mga Atenista... kung ako rin binastos ang alma mater ko.. tlgang maiinis ako sa tao or Mascot na nagbastos ng skul ko... at as a high school student ng LSGH... for me is Katribs is epal... kahit san naman makakahanap ka ng epal sa society... pero ang iba lang sa kaniya nakamascot sya.. at kung umabot ng lowest taste ang gimmick ni Katribs dahil sa pagbabastos nya (read on forums)... kayo na ang maghusga bsta magmurahan o mag pak sign man kayo sa UAAP games pero kapag tapos na ang laban.... hanggang doon lang... period!

Kaya Katribs... alam naman namin na kaw si Cardona na nagmascot lang... bumalik ka na... joke lang

Ang epal mo tlga katribs... ang epal mo tlga... taas lang ng respeto ko sa iyo dahil naka short-shorts ka lang... pero medyo foul na yung ginawa mo... sa ADMU... some find it funny pero sa akin... slight lang pero ayoko ko yung pagbabastos.... ok?

KATRIBS... bahala ka sa buhay mo kung saan ka masaya!

AT sa Archers good luck sa Adamson...

Friday, July 22, 2005

mas worse pa sa worcester...

Ang hirap ng 3rd year... at naranasan ko ang todo hirap blues to da max ng kamandag ng pagiging 3rd year noong friday, july 22 2005....

Kailangan ko pa ba i-PROVE ang GIVEN na araw na toh... bigyan ko ba sya ng definition, mga postulate at theorems.. kailangan pa ba i convert lahat ito sa milimeters! at alamin ang Hopelite na ksama sa araw na toh?

ang given na test sa araw na toh ay... 3 major subjects lahat long test! First, Soc sci... tapos SCI na congruent sa Math ksi the properties of the test are equal to.... ARGHHH!!! kahit sa pagtype na hawa na dahil sa araw na toh!!!!

Isa sa araw na halos pumutok ang utak ko sa kakareview... kakasulat ng mga sagot... at kakasolve ng MATH!!!! AHHHHH mga conversion ek-ek na sobrang nakakaubos oras sagutan sa Science... nakakabaliw... mga Greeks... hay naku... hindi biro pala ang 3rd year!!! Pinaka madrama na araw at salamat tapos na rin... para bang roller coaster sa perya ng Proj.4 na bulok-bulok daming grasa, nangangalawang na kailangan mo sakyan dahil kailangan at sa paghawak mo sa kahit anong bagay na mahawakan dahil pwede ka mahulog kapag umandar na ang roller coaster... nakakahilo, nakakaloko, nakakainis, nakakatakot... lahat ng posibleng nakaka na word ilagay nyo... yan ang araw ko at ng 3g... ewang ko yung mga matatalino sa amin sa Math kung parang nagbabasa lang ng comic strip sa kanila ang Math... bow na ako.... bsta ang araw na toh... ay para sa mga nakasalubong ko sa daan at sila'y ay nag hi... tulad ni Dino... si james roy naman nag hi rin at si gene na nag F____ sign.... hahahhaa ang hirap kailangan pa bang i-memorize lahat yan! hay nako...

Wednesday, July 20, 2005

I love you... sabado at buong linggo!

oh i love u...

when will i tell it to you...

i've been keeping this for the whole time since i met you...

it's been months since i saw you...

since then i've been sleepless...

if i profess my love...

i'm afraid i may ruin it...

you may not be ready...

oh i'm sorry for being mushy and mellow...

'cuz i'm waiting for your hello...

But why are you far away?

I'm jealous and missing you...

Please don't deny it...

You know you felt it...

'cuz Aga Muhlach stole you...

P102 for you oh can't afford it...

tell me it's not true, my love...

we're just friends?

But ...

you're my joy...

my only joy...

my chickenjoy...



miss na kita sobra... tagal ko na hindi ka na amoy at natikman... para sa iyo 'toh... sa favorite ko na chicken na may amoy ng kariton at tadtad ng flour ang skin... chickenjoy... i love you...

Saturday, July 16, 2005

Panaginip... tru ba itich?

Panaginip... lahat tayo ay may panaginip

Mayroon akong panaginip noong summer (totoo ito at hindi kwentong barbero)

Isa sa mga pinaka ewan...

sa lahat pa ng tao na napanaginipan ko... si Angel Locsin pa :(

Ganito ang dream ko... si Angel Locsin daw ay nagpagupit at short yung hair nya tapos nagpakulot tapos bigla nya akong tinanong kung bagay ba... sabi ko naman na bagay na bagay sa kaniya... tapos yun hindi ko na makalimutan... stuck na sa isip ko... parang starstuck

Meron pa akong dream noong sobrang bata pa ako... hinahabol ako ni Christopher De Leon or si Lito Lapid (dahil may bigote cla) tapos may spear syang dala at gusto niya akong patayin lahat ng tumutulong sa akin pinapatay nya... oh gosh...

Sabi ng teacher ko kung ano ang napanaginipan mo ito ang mga deepest desire or something na nakatambak sa ating isipan...

kaya ito ang translation ko sa dalawa kong panaginip...

yung kay angel locsin... hindi ko tlaga sya type or anything ksi basta at kapag naririnig ko ang kaniyang pangalan natatandaan ko ang isang bakla sa aming school... si Locsin anyway cguro kaya yun ang napanaginipan ko dahil cguro sa hair... short at curly... baka yun yung desire ko hahaha hindi ako yung gusto magpakulot! basta meron lang sa short at curly hair na hindi ko maitindihan... basta hindi sa lalake noh!

at yung kay Christopher De Leon at kay Lito Lapid... kasi noong bata pa ako yung mga time na yun naghiwalay ang parents ko... at dba may bigote yung mga artista na yun yun yung last na memory ko sa biological father ko... may bigote... ayoko sa kaniya... palagi naman sya wla... seaman ek-ek yta sya noon... at mismong pagbalik nya sa bahay... yun nagaway cla ng mom ko... isipin mo ang bata-bata ko pa noon habang akala nila ako'y natutulog naririnig ko ang pinagaawayan nila... bakit ganun... kaya ayoko ko sya tandaan... pasira sya... bagong dating palang biglang ganoon...ngyn ko lang na analize yung dream na toh... papatayin ako, hinahabol, lahat pinapatay... simply said pinipilit ko makalimutan sya gusto ko syang kalimutan noon pinipilit ko na makatakas... at bata pa ako noong nung napanaginipan ko yun... ayoko ko ng bigote...

Hmmmm translation ng dreams... hehehe... "joseph the dreamer" yata ako... nyahahhaa....

P.E. Philippine Education

Tumatakbo ang oras... tambak kami ng 10 000 points... hindi na ako makatakbo... at... at... nag whistle na si Coach

SHET!! ako'y napaluhod sa court dahil sa inis at galit sa mga teammates ko at pati na rin sa aking sarili... nang biglang narinig ko kumakanta ang mga kaklase ko, na kakanalo lang, ng "the day you said goodnight" ng hale! at pati na rin ang "Stay" ng Cueshe! 'Anak ng tipaklong,' sabi ko sa aking sarili... 'talagang ang galing kumanta ng class namin!'

Gusto ko umiyak... hindi ako sanay na matalo at sunod-sunod pa... kaya ako'y napatahimik...

napatahimik...

gusto ko na isigaw ang aking damdamin pero... kapag ako'y sumigaw, mababalik pa ba ang oras

tumatakbo ang oras... tumatakbo

Friday, July 15, 2005

Pahingi naman ng mentos at tayo'y lumipad... la-la-la

Sa buong buhay ko kapag ako'y bumabaksak... o humaharap sa mga pagsubok na hindi ko na makaya at malapit na ako matumba... palaging may sumasagip sa akin... at eto ang 'Mentos: the life saver'

kapag wala akong masagot sa napakahirap na geom quizzes ni mrs. santos, nilalabas ko ang mentos para hindi kumain pero para basahin ang nakaukit na mga sagot sa maliliit na mentos... hahaha joke lang

ang daming pwdeng gamit ng mentos! Diba? hahaha magisip pa kayo at tunay na itong lifesaver... pwede rin itong 'bato' prop sa Darna... hehhehe

Friday, July 08, 2005

ang mahiwagang hiFod?

ano ba ang bago ngyn? hay nako... seryosohan na!























Ano ba yung hiFod?

Sunday, July 03, 2005

Mga Anghel na Walang Langit....


Sunday today... at natandaan ko ang isang ABS CBN show sa primetime Bida, "Mga Angel na Walang Langit"... kung pinapanood or na biglang na punta kayo sa channel 2 at nakita nyo tong show kayo ay mabibigla at para sa akin matatawa sa mga batang madrama! Tungkol 'toh sa mga batang lansangan na ang trabaho umiyak gabi-gabi sa kalsada... yup! eto ay isang drama! Sino naman ang gustong manood ng mga batang umiiyak pero hindi nakakaawa...gets? Syempre namam pag-uwi mo sa bahay galing sa trabaho or school cguro medyo depressing tlaga ang buhay ngyn at spbrang stressful at gusto mong manood ng TV at ito pa ang papanoorin mo? Mga batang mas malala pa ang buhay sa daga at araw-araw ang daming problema sa buhay na tlgang pinarusahan cla ng Diyos pero mga bata pa lang cla... sino bang mannoud nyan!? Kailangan mo pang problemahin ang mga batang ito sa TV at makakadagdag lang sa stress mo 'to. Cguro gusto ng ABS CBN na ihanda ang ating sarili at tayo ay maapektuhan katulad ng pagiyak bigla sa hapagkainan pagkatpos mapanuod ang show dahil iniintindi natin ang kapalaran ni Diego or Kristel kung makakahanap cla ng makakain dahil sila'y MATATABA, MAPUPUTI, CUTE, AT PARANG NAG WORKSHOP SA ABS CBN!!!!!!! DAG-DAG STRESS LANG YANG SHOW!!!

Para sa 'kin hindi makatotohanan ang MANWL (Mga angel na wlang langit)... dahil ang mga gumaganap sa mga pulubi(anghel ng lansangan) ay mga child star ng ABSCBN na malulusog(minsan pa nga mga tabachuy), mapuputi, cute, at makikinis ang mga balat(cguro nga nakakapagderma cla at spa) at magaling magpatawa... Opo, magling magpatawa manood ka lang ng Goin' Bulilit tuwing Sunday sa Channel 2 pagkatpos ng The BUZZ ksi sila rin yung mga bata sa MANWL na umiiyak at mas malala ang problema sa isang ordinaryong batang pulubi!!!!Hindi ba kayo magugulat?


Kaya kapag napapalipat ako sa ABS CBN... at sa kamalasmalasan ko naabutan ko ang MANWL ako'y hindi naawa or naiiyak, ako'y..... NATATAWA!!!!!! HA-HA-HA-HA SISBUMBA! Pero medyo OA ang drama pero ok lang... sobra naaala ko pa yung isang scene na yung isang bata kumakain ng BBQ tapos bigla sya hinawakan sa shoulders at sya'y nagulat at naguluhan sa seryosong pagkain ng BBQ!!! NAG violent reaction sya as in todo!!! HAHAHHAHA!!! anyway hindi tlga makatotohanan ang show... stick with Darna yun totoo.... :)

Sana mahanap na nila ang langit....

bday pala ni alex noong friday.. hahhaha